CHAPTER 1

0 0 0
                                    

Nanonood ako ng liga ngayon, at napakarami kong crush para malaman nyo. Baguhan lang ako sa probinsyang ito at wala pa akong kakilala rito. Ni kahit yung crush ko ay hindi ko alam ang pangalan at tanging apelyido lang ang nakikita ko sa likudan ng jersey nila. Bawat team ay may crush ako, pake nyo? Charot lang HAHAHAHA ako nga pala si Kiana Dior Smith, they call me KD cause I'm boyish.
"Ayan yung nagpapacheer sakin" turo ng bago kong kaibigan kamakailan ko lang nakilala na si Zhen—Kayzhen Dela Peña.

"Ayieee, crush ka nyan" pangbubuyo ni Jai—Jaika Shen.

"Oo nga, baka may gusto sayo yan" dugtong pa ni Dam—Damien Jane Bernabe.

"Uy Kd tulungan mo naman ako sa mga to oh" pagmamakaawa ni Zhen. Umiling nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa bleachers dito sa court.

"Ay wala to, ilang araw palang na nanonood dito parang ayaw nang maka-miss ng isang hakbang ng manlalaro" ani Dam. Bahala sila dyan. Umupo na ako at nagpatuloy sa panonood.

"Dribble by Sarmiento pass to Salvador, Salvador step back, 3 points! 3-0, The Jones team score" sigaw ng emcee at napapalakpak ako dahil nag 3 points yung crush ko. Nagpatuloy ang laro at nakakagutom kaya tumayo ako para bumili.

"Stay there" saad ko.

"Sama kamiii! Bibili kami eh" sabi ni Jai. Isinama ko silang tatlo kasi no choice naman ako. Naglakad kami sa may mga palamig. Shalaaaaaa! Yung crush kong isa, nandito! Ramdam kong tumingin ito sa akin kaya napatingin ako sa gawi nya. Napatitig ako sa kanya at ganun din sya, ang pogiii gosh! Di ko na kinakaya ang nararamdaman kong ito.

"Wag mong solohin beh" bulong ni Zhen.

"Eh? Di ko naman sinosolo" sabi ko at napatingin ako sa kanya dahil di ko talaga kaya ang makipagtitigan sa kanya.

"Tingin palang, tunaw na yang si bebe Suarez mo" bulong ni Dam. Bwakanangsh3t naman itong mga kaibigan ko eh! Ibubuko pa ata ako. Bumili nalang ako ng chichirya at tubig ko bago bumalik sa pwesto namin kanina. Binuksan ko ang pagkain ko at nagsimula nang kumain. Napatingin ako sa gawi nina Suarez, kasama nya ang boyfriend ng pinsan ko na si Andrew Gutierrez. Sa pinsan kong si Talya—Natalia Choi ako naninirahan dito sa probinsya, sina tita Lia at tito Nathan ang kanyang mga magulang.

"Pinsannnn!" naku nalîntîkan na! Nakita ata ako ni Talya. Kumaway ako sa kanya at ngumiti. Kasama nya yung mga kaibigan nya kaya hindi ko sya kasama. Yung dalawang kaibigan nya ay girlfriend ng barkada ng boyfriend nya na kasama rin nila Suarez sa pwesto nila. Pito silang mga lalaki pero tatlo lang ang may kasamang gf. Nasan kaya yung gf nung iba? Ay bahala sila. Kumain nalang ako ng binili ko.

"Grabe talaga, sanaol tinitignan ng crush nya" napalingon ako kay Jai.

"Sanaol nga" sabat ko. Ngunit nginisihan ako ni Jai at tiningnan ang gawi ni Suarez kaya napalingon din ako dun. At napagtanto kong nakatingin din pala ito sakin. Oemji! Oemji! It cannot be!!!

"Salvador dribbling the ball shooting for 3 points, wow grabe ka lodi! Sapul sa ringggg" sigaw ng emcee kaya napalingon ako sa mga naglalaro. Sumigaw ang mga kaibigan ko kaya nakisigaw na rin ako.

"Wohhhhhh!/Galing!" Sigaw namin habang pumapalakpak.

"Prrt" pito ng referee hudyat na humingi ng time out ang kabilang team, kalaban nila Salvador.

"Time out from team Dabarkads" sigaw ng emcee. Agad na umalis sa court ang mga player at pumunta sa coach nila.

"Tara, nagugutom na ulit ako" aya ni Zhen. Tumayo ako agad dahil ganun rin ang nararamdaman ko, ubos na pala pagkain ko huhu pati tubig ng hindi ko namamalayan. Tumayo narin si Dam at Jai bago nangunang naglakad si Zhen.

SECRETLY HAVE A RELATIONSHIP WITH MY CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon