Chapter 4

34 0 0
                                    

(a/n: at last nkapag update din!HEHE, enjoy reading :) iloveyou all.)

(Blaze’s P.O.V) 

ALAS-DOSE na ng gabi ako nakauwi sa mansiyon ng mga Cornelio.  Alam kong nahihimbing na ang lahat ngunit bale-walang ko pa ring pabalabag na ibnukas ang front door.

Lumakad ako patungo sa hagdan, ngunit bago ako makarating sa punong-hagdan ay biglang bumukas ang ilaw sa sala. Nasilaw ako sa liwanag niyon. Napalingon ako sag awing iyon at nakita ang Lola Mathilde ko. Nakaupo ito sa wheelchair nitong tulak-tulak ng private nurse nitong si Hannah.

“Uwi pa ba ito ng matinong tao, Blaze Adrian Cornelio Perez?” kalmado at mababa ang tonong tanong ni Lola sa akin.

Dati itong propesor sa kolehiyo. Naging unang ginang din ito nang maluklok noon ang lolo ko bilang gobernador ng lalawigang sumasakop sa San Rafael. Makapangyarihan, prominente, kilala, nirerespeto, at minsan ay kinatatakutan ang pamilya nila. Ngunit ngayon ay wala nang bakas ang dating maawtoridad na pigura ni Lola Mathilde. Ang natitira na lang ay ang yayat na katawan nito. Pero kung titingnan ang nanlalabo nang mga mata nito, may maaaninag pa ring katalasan na pag-iisip doon.

Ito ang bukod tanging tumatawag sa akin ng “Blaze Perez” sa halip na “Blaze Alonzo.” Legal na niyang apelyido ngayon ang apelyido ng amain niyang si Ranulfo Alonzo. Pinapalitan ng ina ko ang pangalan ko at ipinatanggal ang apelyido ng ama kong walong taon ko nang hindi nakikita.

“Kayo na rin ang nagsabi, ‘La. Matinong tao. ‘Kaso hindi naman ako matino, ‘di ba? Itanong pa ninyo sa buong San Rafael.” Tumatawang kunwari ay marami akong nainom. Pasuray-suray na naglakad ako patungo kay Lola. Nagmugmog lang naman ako ng beer para mangamoy-alak ang hininga ko pero hindi talaga ako nakainom.

“Magdidisinuwebe ka pa lang pero daig mo pa ang mga lasenggo kung uminom, Blaze! Ano ba talaga’ng gusto mong mangyari sa buhay mo?” galit at pasinghal na sabi ni lola. “Kung ginagawa mo ito para sirain ang imahe ng amain at ina mo sa bayan na ito, nag-aaksaya ka ng oras! Sarili mo lang ang sinisira mo! Wala ka bang balak magtino kahit kalian?”

Nakangiting nagkibit balikat lang ako. Ngiting nagpapakita ng kawalan ng pang-unawa ng isang taong lugmok sa kalasingan.

“Umakyat ka na sa silid mo!” utos nito bago sinenyasan si Hannah na itulak na ito pabalik sa kuwarto nito.

Pinanatili ko sa labi ko ang ngiti hanggang sa tuluyang lumiko sa unang pasilyo ang dalawa. Nang maiwang mag-isa ay saka lang ako dumiretso ng tayo at humakbang paakyat sa hagdan. Kabisado ko ang mga pasikot-sikot sa buong ancestral house ng mga Cornelio. Kahit nakapikit ay mararating ko ang silid ko.

Ngunit pagtapat ko sa pinto ng master’s bedroom, ang silid ng aking amain at ina. Walang dudang kanina pa nahihimbing ang ina ko. At hindi katulad ng lola, hindi ito nabahala na wala pa ako sa bahay. Malamang nga ay hindi nito alam na kauuwi ko pa lang.

Kung tutuusin, mas gugustihin pa nga nitong manatili na lang ako sa poder ng tiyahin ko sa Amerika sa halip na bumalik sa San Rafael. Ang tanging rason kaya ito napilitang sunsuin ako mula sa tatlong taon kong pamamalagi sa poder ng pinsan nito ay ang dikta ng lola rito. Binantaan ito ng lola na kung hindi ako pababalikin sa San Rafael ay sa pinsan nitong si Tita Leny ipapamana ang mas malaking parte ng yaman at ari-arian ng mga Cornelio. Ang lola na kasi ngayon ang may hawak sa lahat ng yaman ng pamilya pagkatapos mamatay sa ambush ang lolo niya tatlong taon na ang nakararaan.

Sa maundo ng aking ina walang ibang mahalaga kundi ang sarili nito at ang mga ikasisiya nito. Mula pagkabata ay malamig na ang pagtrato niya sa akin. Kung mapansin man ako, iyon ay upang isisi lang sa akin an gang bawat masamang pangyayari sa buhay nito. Kaya nga mula nang magkaisip ako ay natutunan ko nang huwag hangaring mapansin nito.

Sapagkat ang mga pagkakataong natututok sa akin ang atensiyon nito ay palaging may kaakibat na berbal at pisikal na pang-aabuso. But I didn’t start hating my mother until seven years ago. Nang palayasin nito ang aking ama na nag-iisang kakampi ko.

Ni minsan ay hindi ko maunawaan kung bakit nakaya ng aking ama na pagtiisang pakisamahan ang ina niyang tau-tauhan lang ang turing dito.

Ganito kasi yung nangyari ….

(FLASBACK…….)

Nasa loob ako ng silid ng aking mga magulang nang hamunin ng aking ina ang aking ama ng hiwalayan. Hinatak kasi ako papasok doon ng aking ina upang makita ko mismo kung paano nito alipustahin ang aking ama.

“Wala ka talagang kwentang tao! Bwesit na basura ka! Duwag at mahina! Mabuti pa ngang lumayas ka na, total wala rin naman akong napapala sa iyo!” Pasigaw na sabi ng aking ina habang binabato nito ng kung anu-anong madampot nito sa dresser nito ang aking ama.

“Tama na, Fiona! Baka matamaan mo si Blaze!” galit na ring sigaw ng aking ama nang muntik na akong matamaan ng bota ng pabangong ibinato ng aking ina. Maagap na iniharang nito ang sarili sa harap ko.

“Wala akong pakialam! Mana sa iyo ang batang iyan! Tama nga sina Papa at Mama, hindi kita dapat pinakasalan! Ang hampaslupang tulad mo’y makikitid ang utak at inutil! Lumayas ka ditto sa pamamahay ko! Wala kang kwenta!”

“Talagang aalis ako! Hindi ko na matitiis pa ang sama ng ugali mo! Akala ko, iba ka sa mga magulang mo, pero pare-pareho lang kayo! Pera lang ang Diyos ninyo! Isasama ko ang anak ko bago pa siya matulad sa inyo!”

“Subukan mo at ipapapatay kita, Arturo! Alam mo kung gaano kalwak ang kapangyarihan nina Papa! Hindi mo madadala kahit sa labas ng bahay na ito ang batang iyan!”

“Wala ka naming pakialam sa kanya! Kaunting pagkakamali niya’y sinasaktan mo siya! Kahit kalian, hindi ka nagging ina sa kanya!”

“Pero mahalaga siya sa iyo at lahat ng mahalaga sa iyo’y wawakasin ko, Arturo! Walang matitira sa iyo jahit pa ang lisensiya mo bilang doctor! Dahil sa akin kaya ka nakapagtapos ng Medisina, puwes, ako rin ang babawi niyon sa iyo! Ibabalik kita sa pagiging hampaslupa!”

“Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin, Fiona. Basta hindi ko iiwan sa pangangalaga ng pamilya mong ganid sa kapangyarihan ang anak ko!”

(END OF FLASBACK….)

Ang araw na iyon ang huling pagkakataong nakita ko ang aking ama. Literal itong sinipa paalis ng mansiyon ng aking ina sa tulong ng mga tauhan ng lolo. Bugbog-sarado ito at halos wala nang malay habang isinasakay sa kotse. Pero sinikap pa rin nitong manlaban upang makuha ako.

Hanggang ngayon, nagigising pa rin ako minsan sa gabi na isinisigaw ang pangalan ng aking ama. Napapanaginipan ko pa rin ang eksenang mahigpit na hawak-hawak ako ng aking ina at lola habang nagpupumiglas ako upang maabot ang aking amang tinatangay palayo. Matagal ko nang alam na hindi gusto ng lolo’t lola ko ang aking ama kaya hindi kataka-takang walang ginawang hakbang ang mga ito upang pigilan ang aking ina noon.

Paulit-ulit king tinangkang tumakas sa mansiyon noon para hanapin ang aking ama ngunit paulit-ulit din akong nahuhuli ng mga tauhan ng lolo. Hanggang sa mapikon nang tuluyan ang aking ina at sinaktan niya ako na halos ikaospital ko. Sa puntong iyon ay napagkasunduan ng lolo at lola ko na ipadala na mlamang ako sa Amerika, sa poder ng Tita Leny.

Kahit paano ay batid kong may halaga ako sa lola ko. Iyon nga mismo ang rason kung bakit naroon na naman ako sa poder nito ngayon kahit ayaw ko. Ngunit sa aking ina, ni katiting na halaga ay wala. Noon, instrument lang ako upang pasakitan ang aking ama. Ngayon, instrument naman niya ako upang makamit ang hinahangad na mamanahin mula kay lola.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

a/n: sorry guys nag-iisip pa ako kung papaano ko sisimulan at kung saan talaga patungo tong atory ko,, sorry, first time ko eh,, CONTINUE READING :) ILY GUYS!

Is Blaze hot? or what?

Being With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon