Painting.
Kabado ako habang paulit-ulit na dinadial ang cellphone ni Gabriella. Naka-pirmi sa hita ko ang kamay ni Carlo habang ang isa naman ay gamit niya sa pagmamaneho.
Dalawa na ang napuntahan naming bar at lahat 'yon ay walang anino ni Gabriella. Nangingilid na ang luha ko habang paulit-ulit na tinitipa ang number niya sa cellphone ko.
"Babe, we'll see her. Calm down, please?" Ani Carlo.
Hinawakan niya ang kamay ko saka iyon hinalikan. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko. Hindi ako umiyak sa mga sinabi ng parents ko dahil sanay ako roon pero ibang usapan ang kaibigan ko. I do treasure her a lot.
Sabay kaming tumingin sa cellphone ni Carlo nang tumunog ito. Si Cartier... Nanginginig kong sinagot iyon.
"She's with me now," sabi ni Cartier.
Tuloy-tuloy pa rin ang pagbagsak ng luha ko kahit na narinig ko iyon kay Cartier. Hinawakan ni Carlo ang kamay ko para pakalmahin ako. Humikbi ako.
"Alright," si Carlo ang sumagot no'n.
"I'll keep her for tonight. She's so drunk, and I don't like it. Mag-uusap pa kami 'pag gising na siya," malamig na sabi nito sa kabilang linya.
"You talk to Reisha, Kuya. Wait."
Ginilid ni Carlo ang sasakyan niya saka kinuha ang bote ng tubig sa compartment niya. Binuksan niya iyon bago iabot sa akin na agad ko namang ininuman. Nang kumalma ako, tumikhim ako at humalukipkip.
"Don't tell me that you'll sleep in one bed with her?" Tanong ko.
Pagak na humalakhak si Cartier na para bang malaking biro ang sinabi ko. Ngumuso si Carlo para pigilan ang pag-ngiti. Hinawakan niyang muli ang hita ko bago muling paandarin ang sasakyan.
"I know what to do, Reisha. I waited for her for years, hindi ako tanga para sayangin ang tiwala niya sa akin dahil sa isang gabi," seryosong sagot nito.
"Mabuti nang malinaw tayo, Cartier. You may be successful pero walang may deserve sa mga kaibigan ko para sa akin. They are my treasure," seryoso kong sambit.
"I know, Reisha. Thank you..." Tumikhim siya. "for taking care of them."
Umismid ako. "Gabriella is the one who's taking care of us kaya ayaw kong mawala siya. Sino pang magluluto sa amin ni Charlynn?" Inis kong sagot.
Humagalpak siya ng tawa. Umirap ulit ako.
"Text Charlynn using her phone. She's also worried. Take care of her, Cartier. I'll trust you for a bit now," sabi ko.
"Alright. Thanks."
Umirap ako. Ngumisi si Carlo bago patayin ang tawag. Humalukipkip ako habang nakasandal sa upuan.
"Do you want to go home?" Tanong niya sa akin.
Umiling ako. Wala roon si Charlynn, nasisiguro ko iyon. Halata sa mga rason niyang may nililihim siya pero hindi ko iyon sasabihin sa kapatid niya. Kung uuwi ako, mag-isa lang ako roon. Malulungkot ako!
"Wanna visit my place?" Tanong niya sa akin.
Tumango ako. Hinagod niya ang hita ko gamit ang kamay niya. Pinanood ko siyang paglaruan ang pattern ng gown ko.
Napatingala ako nang makita ang dinaraanan namin. Nilingon ko ang kasama ko nang bumuntong-hininga ito. Binagalan niya ang pagmamaneho habang nakatingin sa malaking billboard. Umigting ang panga niya habang pinapanood ang pag-flash ng iba't ibang larawan ko roon. Kunot-noo ko siyang pinagmasdan. Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya at kumislap ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)
RomanceFate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e-nangyari na e. May magagawa pa ba? It is what it is kaya tatanggapin na lang? Para bang kahit anong...