Kabanata 12. Komosyon sa Kabathalan

118 12 14
                                    

"ORDIR!"

"Ordir! Pumarito ka Kastilyo ngayon din!" Dumadagundong na hiyaw ng kanyang kapatid na si Aliseiram, ang bathala ng Kaalaman.
Ilang libong taon na rin ang lumipas nang marinig nya ang pag-aalala sa tinig ng nakababatang kapatid.

Samantala...

Sa Kawalan

Seryosong nagtitipon ang dalawang makapangyarihang nilalang. Ang isa ay nakatayo samantalang komportableng nakaupo ang isa sa kanyang trono.

"Kamusta na po ang taga-sansinukuban?" Taimtim na tanong ni Ordir sa isang misteryosong nilalang. Sa tono ng kanyang pananalita ay malapit sya dito.

"Hindi pa sya handa. Salamat sa naihirang na Tagapagtanggol ay nawalan na sya ng Pwersa. Ngunit huwag kang mag-alala, kaunting panahon na lamang ay matutupad na ang Propesiya ng Katapusan." Tugon naman nito sa Bathala.

"ORDIR!"

Nasindak ang maprinsipyong bathala sa sigaw ng kanyang kapatid. Pinag-iisipan kung ano ang pakay nito sa kanya.

"Hmmm. Alam na kaya nila ang totoo?" Tanong nya sa misteryosong nilalang.

"Masisigurado kong hindi pa. Malinis ang ating mga galaw. Tahimik ding nahihimlay ang dakilang ibon ng ilang libong taon na. Kaya't walang sinuman ang makakaalam sa ating mga adhikain." Garantiya naman ng kanyang kausap.

"Mauna na po muna ako. Kakausapin ko lamang ang aking mga kapatid." Pagpapaalam ni Ordir bago magbukas ng lagusan pabalik sa Kabathalan.

Kahit kabado'y hindi sya nagpapakita ng takot. Mataimtim lamang nyang binaybay ang daan bitbit ang kanyang ginintuang timbangan.

At pagpasok nya sa Kastilyo ay naghihintay na sa kanya ang iba pang mga kapatid, mga hindi magkandaugaga at hindi maipinta ang mga mukha.

"ORDIR! Nakawala na si Kaos sa kanyang Maskara!" Pagbati sa kanya ni Aliseiram habang bitbit ang kanyang bolang kristal, pinagmamasdan ang mga nangyari sa Idjang.

"Na naman? Nangyari na ito dati, hindi ba?" Maangas nyang sambit sa kapatid.

"Ngunit hindi ordinaryong tao ang nakakuha nito, isang alagad ng siyensya." Sabat naman ng magiting at malakas na si Thorrhon.

"Hindi maaaring malaman ng mga Taga-Sansinukuban ang kakayahan ni Kaos! Maaari nyang wasakin ang kanilang mundo katulad ng ginawa nya sa Maestrada!" Pahabol naman ng Bathala ng Kapanahunan na si Ances.

Pigil na napangisi si Ordir. Ilang libong taon na kasi ang lumilipas ay buo pa din ang kanilang paniniwala na si Kaos ang may kasalanan sa pagkasawak ng Maestrada.

"Ngunit ano ang maaari nating gawin? Ipinagbabawal ng Tigmamanukan ang ating paglisan sa Kabathalan." Pag-aalalang tugon ni Valentina.

"Kailangan nating suwayin ang utos ng dakilang ibon para sa ikabubuti ng buong Pag-Iral." Paninindigan ni Ordir sa kanyang desisyon.

"Nahihibang ka na ba Ordir?! Hindi ka ba nasisindak sa magiging parusa ng Tigmamanukan?!" Sabat naman ni Aliseiram sa diskusyon ng magkakapatid na Bathala.

"Matapos nang katampalasan ni Kaos ay hindi na natin sya nagambala pang muli, palagay mo bang mayroon pa syang pakialam sa ating mga gagawin?!" Pabalang na asik ni Ordir.

"Ni isang kalabog o balahibo. Ni isang silay sa nakakabulag nyang liwanag. Ni isang huni o bulong man lang! Wala!"

"Lahat tayo'y nabuhay sa takot! Mga makakapangyarihang nilalang na walang nagawa sa pagbabanta ng isang Ibon!"

"Tayo'y mga bathalang maituturing ngunit nagpadala tayo sa kanyang mga pagbabanta. At nasaan sya nang kinailangan sya ng Sanlibutan?!

"Walang katapusang gyera sa Sansinukuban, Pagsugod ng mga Taga-Tambakan sa Agis, ang pagbuo ng Manggagapas sa Sandata ng Pag-Iral! Ni isa ay wala syang pinigilan! Wala syang ginawa!" Patuloy sa paglitanya ng aburidong Bathala.

"Ordir! Tumigil ka!" Pinuntol na ni Aliseiram ang sinasabi ng panganay.

"Bakit?! Anong gagawin mo Aliseiram?! Sinasabi ko lamang ang katotohanan! At baka nakakalimutan mo kung sino ang Panganay sa ating Pito?!" Asik nito pabalik.

"Walo! Kahit nagkasala si Kaos ay parte pa din sya ng Kabathalan!" Nakisabat na din si Celesce, ang pinakabata sa mga Bathala.

"Huwag kang makisabat sa usapan ng matatanda!" Napatid nang tuluyan ang pasenya ni Ordir. Sa unang pagkakataon ay nakita ng lahat ang tunay na ugali ng natitirang panganay na Bathala.

Natameme na lamang si Celesce, kaya't agaran syang pinakalma nila Ances at Valentina.

"Ano bang gusto mong mangyari Ordir!?" Nanggagalaiti na rin si Aliseiram sa kapatid.

"Gusto kong patunayan ang aking tunay na kapangyarihan at tungkulin. Ang palaganapin ang kaayusan sa lahat ng katayuan."

"Kaya't kung sang-ayon kayo sa aking adhikain ay samahan nyo ako patungo ng Sansinukuban, puntahan ang kinaroroonan ni Kaos at wakasan na ang kanyang kahibangan, magpasawalang-hanggan."

"Sasama ako." Seryosong pagpiprisenta ni Mikael habang tangan ang mahiwaga nyang Bulan.

"Sasama din ako! Malaki ang tiwala ko sa'yo Ordir." Umayon din si Thorrhon sa nakatatandang kapatid.

"Eh kayo, Manonood na lamang ba kayong wasakin ni Kaos ang buong Sanlibutan?" Tanong nya sa mga kababaihan.

"Hindi namin kayang suwayin ang utos ng Ama!" Malamlam na tugon ni Valentina.

"At ano naman ang kinalaman ni Alpha dito?! Nananahimik sya sa Paraiso. Nagliliwaliw kasama ang mga pumanaw na pinagpala!" Asik nya pabalik.

Hindi natinag ang iba pang Bathala. Pinabayaan na nila ang tatlo sa kanilang nais.

"Nawa'y maging maligaya kayo sa inyong pagkunsinte." Inangasan nya pabalik ang mga ito.

Nagbukas sya ng lagusan gamit ang kanyang ginintuang timbangan at yinaya na sina Mikael at Thorrhon.

"Tayo'y magmadali. Kailangan nating maunahan si Kaos bago sya makalabas ng Idjang."

Maskara ni KaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon