"HAPPY!"
And'yan na naman siya.
"Happy! Buksan mo 'to alam kong nandiyan ka!"
May lahi ba siyang aso? Bakit ang lakas ng pang-amoy niya?
"Happy!"
Paulit-ulit? Hindi naman halatang masaya siya sa kakatawag ng pangalan ko.
At para sa ikatatahimik ng bunganga niya at ng buong pagkatao ko ay dahan-dahan akong tumayo sa aking higaan at walang ganang tumungo para pagbuksan siya ng pintuan.
"Pakshet ka, Happy! Bakit ang dilim na naman dito sa loob ng kuwarto mo?! Aswang ka ba ha?" reklamo niya pagkapasok.
Hindi na lang magpasalamat dahil pinagbuksan ko pa siya.
"Happy nga ang pangalan mo pero ba't ang lungkot ng buhay mo? Yawa ka na-i-stress balunbalunan ko sa'yo!"
Akala ko lahing aso lang ang nananalaytay sa dugo niya. Hindi naman ako nainform na pati pala manok ay nasa dugo na din niya.
"Ang sakit mo sa tenga. Inistorbo mo ang tulog ko. Maraming salamat sa lahat at makakaalis ka na." Halos pabulong ko nang sabi pero dinig pa din niya.
Ang lakas lang din ng pandinig niya kaya kahit pa yata inipit na utot pa 'yon ng mga pasaherong nasa jeep ay maririnig pa din niya at maituturo kung sino ang may sala.
"Samahan mo ako bilis maligo ka na!" yugyog niya pa sa aking namamahingang braso.
Bakit ba ako nagkaroon ng pinsan na kagaya niya?
"Ayoko. Makakaalis ka na," taboy ko ulit sa kanya bago na ako humiga sa aking kama na kanina pa ako tinatawag.
Pero dahil may lahi din siyang makulit ay sumampa pa ito sa aking hinihigaan saka nagtatalon na parang isang unggoy sa kantang pambata na five little monkeys. At dahil naiinis na ako ay sinipa ko ang paa niya kaya hayun laglag siya sa lapag.
"No more monkeys jumping on the bed. Labas!" simangot ko bago nagtalukbong ng kumot.
KUNG hindi lang masamang pumaslang ng tao kanina pa pinaglalamayan ang babaeng ito.
Hindi ko alam kung paano pero natagpuan ko na lang ang aking sarili dito sa loob ng bakeshop kasama ng aking pinsan na si Merry.
"Pili ka na cuz, don't worry sagot ko na!" hyper niyang sabi habang itinuturo sa akin isa-isa ang mga nakahilerang brownies na naka-display sa food stall ng shop. Ang sakit talaga sa tenga ng boses niya akala mo palaging may microphone sa loob ng bunganga niya.
"Ayoko niyan. Hindi ako kumakain ng mga matatamis." Walang gana kong sagot sabay talikod para bumalik sa kinauupuan namin kanina.
Pero bago pa man ako nakalayo ay nahila na akong ng nakasimangot na si Merry sa kabilang parte ng shop.
"Ayan diyan ka pumili!" nakangiti na niyang sabi sa akin.
Pagtingin ko sa sinasabi niya ay bigla akong natigilan dahil sa nakitang mga cake na nakahilera sa aking harapan.
"Happy birthday cuz!" napatulala na lang ako sa sinabing iyon ng aking pinsan. Kasabay nun ay isang alaala mula sa nakaraan ang biglang bumalik sa aking isipan.
"Happy birthday anak!" bati ni Papa sa akin sabay halik nito sa aking pisngi.
"Thank you, PA!" nakangiti kong tugon.
"Anong balak mo ngayon, nak? Tara Jollibee tayo!" napahagikhik naman ako bago nagpabuhat kay Papa. Kahit nine na ako ay nagpapa-baby pa din ako kay Papa.
Papa's girl kasi ako. Wala na akong mama kaya kaming dalawa na lang ni Papa ang magkasama sa buhay. Siya ang tumayong mama at papa sa akin. Kahit alam kong nahihirapan din siya ay kinakaya niya padin para lang mabuhay ako.
Kaya naman nang araw din na iyon ay lumabas kaming dalawa ni Papa, pero ang hindi ko inaasahan ay iyon na din pala ang huling araw na makakasama ko pa ang aking mahal na Papa, dahil sa isang aksidente. Katulad ni Mama ay iniwan din ako ni Papa.
"H-happy..." napahagulhol ako nang kabigin ako ni Merry para yakapin ng mahigpit.
Simula noong magising ako sa hospital pagkatapos ng aksidente ay wala na akong maalala pa. Hindi ko alam kung sino ako. Hindi ko matandaan ang buo kong pangalan, hindi ko din alam kung kailan ako ipinanganak. Wala akong alam na kahit ano sa buhay ko.
Si Merry at si Auntie Yeri na kapatid daw ng Papa ko ang tumulong sa akin noong mga panahong nangangapa pa ako sa lahat ng bagay. Silang dalawa ang walang sawang nag-alaga sa akin at umunawa sa sitwasyon ko sa tuwing magwawala ako dahil pinipilit kong makaalala.
Kahit isang salita wala akong narinig na reklamo mula sa kanila. Hindi nila ipinaramdam sa akin na pagod na silang intindihin at alagaan ako. Lalo na noong pakiramdam ko na mag-isa lang ako, ay nandiyan pa din sila at hindi ako iniwanan.
Pero kahit kailan ay hindi ko pa naranasan na isilebra ang kaarawan ko. Hindi ko pa naranasan magkaroon ng cake, dahil natatakot sila na kapag ipinaalala nila sa akin ang araw ng aking kaarawan ay biglang mag-trigger sa akin na iyong araw din na iyon na nawala sa akin ang lahat.
Ang sabi daw kasi ng doctor sa kanila ay maari kong ikamatay ang bagay na iyon. Sa kadahilanang mahina ang puso ko ay baka hindi ko kayanin kapag bumalik lahat ng alaala ko lalo na iyong araw na naaksidente kaming dalawa ni Papa.
Ang hindi nila alam ay noong mag-eighteen ako ay unti-unting bumalik sa akin ang aking mga alaala. Wala akong pinagsabihan na may naalala na ako dahil ayokong mag-alala si Merry at Auntie Yeri sa akin.
Kaya naman sa tuwing sumasapit ang kaarawan ko ay nagkukulong na lang ako sa loob ng aking kwarto habang tinitingnan isa-isa ang photo album namin nila Mama at Papa, na palihim ko pang kinuha sa dati naming bahay.
Taon-taon ay ganoon lang ang ginagawa ko. Tinitingnan ang aming mga litrato kung saan ay kasama ko pa sila.
Dahil sa pamamagitan nun ay binubuhay nito ang aking mga alaala. Mga masasayang alaala kung saan ay kasama ko pang buhay ang aking mga magulang.
Pagkatapos kong mag-iiyak sa bakeshop kanina ay nagpasama ako sa aking pinsan para puntahan ang aking mga magulang.
Dala ang cake na binili namin ni Merry ay napili kong dito na lang isilebra ang aking kaarawan sa unang pagkakataon.
"N-naaalala ko na ang lahat... Naaalala ko na po, Pa... Mama... Happy birthday po sa ating tatlo..."
The end.
BINABASA MO ANG
Cake ✓
Short Story(One-Shot Story) "I never had a cake and I never experienced birthdays." -Happy. Her name is Happy and she's the girl who never celebrate her own birthday. Note : Photo background is not mine all credits to the rightful owner. !!PLAGIARISM IS A CR...