Laxlie Cassano
KINLARO ko ng maigi ang imahe na nakikita ko at di ako nagkamali sya nga!Padabog kong binagsak sa lamesa ang cellphone ko.
Nasa bahay na ako,halos dalawang oras lang kaming nanatili ni Juan sa parke nang mag desisyon kaming umuwe na.Naiinis ako.
Pakiramdam ko pinaglalaruan ako ng isang maligno!
‘Ariwanas sobra na akong nababanas!’
Kinuha ko ang liham at muling binasa ang mga nakasulat duon.Simula nung araw na magising na ako ay natatakot na akong sumulat pa dahil baka mamaya isang buwan nanaman akong makatulog samantalang trenta minutos ko lang nakasama si Alched,sa panaginip pa.Tapos isang buwan gagamitin ang katawan ko ng malignong diwata na yun para sa sariling kagustuhan lang.
Hindi pwede!
Ayoko!
Traydor!
Di ako mapakali!Baka mamaya may mga pinaggagawa pa yung babae na yun habang wala ako!
Paano ko ba sya ulit makakausap!Kailangan ko syang makausap,kailangan ko malaman kung anong gusto nya at kung anong plano nya!Di pa nga ako nakaka get over sa mga nangyayari sa ken sa panaginip ko dumagdag pa ito!
Kung mag susulat ako,baka makatulog nanaman ako at ilang buwan na mawalan ng malay yung kaluluwa ko at gamitin ni Ariwanas ang katawan ko, pero makakausap ko si Alched baka may alam sya,baka maari nyang ikwento saaken lahat ng nangyayare,kung bakit may liham at paano ko sya nakakausap sa pamamagitan ng panaginip.
Pero natatakot ako.
Baka di na ako makabalik,baka mas lalo akong makulong duon at gamitin ni Ariwanas ang katawan ko.Hindi pwede.
At kung di naman ako mag susulat ay kukulitin nanaman ako ni Ariwanas na kung saan ay maari ko syang makausap tungkol sa mga kalokohan nya!
Tama!!
Ang dapat ko lang gawin ay hintayin ko ang muli syang sumulpot sa harap ko,pero kelan naman kaya..
Baka nga di nayun mag pakita saken dahil nagawaa ko naman nang mag sulat kay Alched..Haiisstt!
'Lord,tulungan mo ho ako!'
Kelan ka ba mag papakita Ariwa--
*Wooooshhhhh*
Napapikit ako sa malakas na hanging sumalubong saaken mula sa bintana kong nakabukas.
Speaking of the Maligno
“Pwede ka nang dumilat.”isang tinig ng babae na kanina ko pa gustong makita ang nag padilat ng mata ko.
“Ariwanas!”bunyag ko at di ako nagkamali si Ariwanas nga.
Ginawad ko agad ang masamang tingin ko sakanya,at tila nahulaan na agad nito ang ibig kong sabihin kaya ngumiwi ito at napaatras.
“Mag papaliwanag ako!”mabilis na anas nito at nakaharang ang dalawag kamay sa harapan ko.
“Totoo lahat ng nalaman mo,oo ako nga ang kumontrol sa katawan mo ng halos isang buwan..Dahil hindi ka nakabalik agad wala na akong ibang paraan pa.Ang bawat minuto na iminamalagi mo sa panaginip nyo ni Alched ay katumbas ng isang araw,halos isang buwan kang naroon dahil halos trenta minutos ang itinigal mo sa panaginip na iyon at di maaring magulo ang present dahil lang sa di ka na nagigising,kailangan kumilos ang katawan mo,pero masyado kang mahirap gayahin at kabisaduhin kaya ang sariling pagkatao ko ang ginamit ko,pasensya na.Di ko na kasi alam ang gagawin ko.Akala ko babalik ka na pagkatapos ng ilang minuto pero nag kamali ako.Sobrang nag kamali dahil dapat nung una palang sinabi ko na sayo ang dapat at di dapat gawin.Kaya pasensya.Paumanhin”sinsero munit na kayukong paliwanag at paumanhin nito.
BINABASA MO ANG
L i h a m
Fiksi Sejarah"Di lang ako makapaniwala na ang taong mahal ko ay mahal din pala ako,pero ang masklap lang na magkaiba ang aming mundo."-Laxlie Cassano "Ang daya noh,kung kelan meron na kaming pag asa ngayon naman kami nawalan ng pagkakataong magkasama"-Laxlie Cas...