MGXMBS Book 3
The Last War
AiTenshi
November 18, 2021
Part 33: Nakalalasong Panaginip 1
Matapos igawad ni Sato ang kanyang sumpang orasyon kila Enchong, Suyon at Miguel ay naglakbay ang kanilang mga diwa sa iba't ibang senaryo ng kanilang buhay. Ngayon ay ipapakita kung anong buhay ang ibinigay sa kanila ng orasyon na iyon.
ENCHONG POV
Tinamaan ng magandang sinag ng araw ang aking mata dahilan para dumilat ako. Dito ay natagpuan ko ang aking sarili na nakahubad at nakahiga sa isang magarbong silid na animo hotel. Takang taka ako noong mga sandaling iyon, ngunit ang nakapagtataka ay wala akong maalala kahit ano sa aking ginawa kahapon. "Good morning hon, dapat nag rest ka pa, galing ka party kagabi at halos lasing na lasing ka na noong makauwi ka," ang wika ni Rael na noon ay nagsusuot ng corporate attire.
Napakunot ako ng noo habang pinagmamasdan siya. "O, bakit ganyan kang makatingin sa akin?"
"Wala naman, saan ka pupunta? Bakit ganyan ang itsura mo? Si Rouen? Kumain na ba?" tanong ko sa kanya.
Natawa siya at tumabi sa akin, "hala, siyempre sa work ako pupunta, may training ako under kay Papa diba? Saka sino bang Rouen ang sinasabi mo? " tanong ni Rael sa akin.
"Natural naman, hahanapin ko siya, anak natin si Rouen, siyempre itatanong ko diba?" wika ko naman na may halong pagkainis.
Natawa siya at ginusot ang aking buhok, "hon, may hang over ka pa yata. Okay ka lang ba? Walang Rouen dito, ang kasama natin dito ay si Ryu ang BOY natin dito sa mansion. Paano natin siya magiging anak e 18 anyos na iyon. Kung gusto mong magkaanak ay pwede naman natin itong pag usapan ng maayos, marami namang way diba? Saka isa pa ay bakit ka ba nag aapura? Halos 3 weeks pa lang tayong kasal," ang wika nito sabay halik sa aking labi. "Oh paano? Aalis na ako, ikaw na ang bahala dito," ang dagdag pa niya.
Ibayong pagtataka ang lumukob sa aking pag iisip noong mga sandaling iyon. Bumalikwas ako ng bangon sa kama at dito nga ay nakita ko ang larawan namin ni Rael noong kami ay ikasal. May isang kwardo pa na portrait sa pader na kami ay parehong nakangiti habang magkayakap.
Tahimik.
Takang taka ako, hindi ko alam ngunit parang may mali na hindi mapagtanto. Lumabas ako sa aming silid at dito ay bumulaga sa akin ang napakalaking mansiyon. Magarabo ang paligid at magaganda ang disenyon ng mga kagamitan. Habang nasa ganoong pagkamangha ako ay nakita ko si Ryu na may buhat na mga gamit palabas sa sala. "Magandang umaga po sir," ang bati niya sa akin.
"Magandang umaga rin," ang wika ko sabay baba ng hagdan.
"Sir, gusto mong magkape? Mukha pong may hang over pa kayo," ang wika nito habang nakangiti.
"Matagal ka na ba dito?" tanong ko sa kanya dahilan para mapakamot siya ng ulo, "sir ilang weeks pa lang din po ako dito, kayo pa nga po ang nagpasok sa akin diba? Anak po ako ni Linda yung kaibigan ng mama mo sa work noong dalaga ito," ang nagtatakang wika nito habang nakaupo ako at pinagtitimpla nya ng kape.
Tahimik ulit.
"Sir, eto pala yung copy ng couples magasin, pinadala po nila kanina," ang dagdag pa nito sabay abot sa akin ng magasin kung saan kami ni Rael ang cover dito, nakayakap siya sa aking likuran at kapwa kami nakangiti. Nakalagay dito ang caption "Perfect Couple".
"Sobrang bagay na bagay po kayo ni Sir Rael, sana po tumagal pa kayo. At sana rin po ay maging successful yung business niyo," ang wika ni Rouen sabay buhat ulit ng mga gamit at inilabas niya ito patungo sa likod bahay.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War Arc
FantasyThis is the third installment of the series and history will only repeat itself. The way the Gods of light and darkness clashed millennium years ago that prompted the extinction of the land of Kailun and the world of mortals. The whole thing turned...