Part 43: Ang Dalawang Pagkakamali
ROUEN POV
Halos ganoon pa rin ang pakiramdam ko ngayon, hindi pa rin nababago ang kilabot at pagtindig ng aking balahibo.
Gulat na gulat si Muzngi, halos lumuwa ang mata nito sa panlalaki!
Maya ay sumabog ang kabaong kung saan niya kinulong ang aking ama at dito lumabas ito dakot dakot sa kanyang kamay ang katawan ni Orifiel at walang ano ano ay kinain niya ito.
Kitang kita namin ang panlilisik ng mata ni Papa, pulang pulang ito at halos nakakapanindig balahibo ring kanyang awra. Halos ikinabigla rin namin ang pagkain niya sa bantay na si Orifiel, para itong isang karne kinagat at saka inalisan ng buhay.
Dumadagundong ang pwersa ni papa, nagliliwanag ng pinaghalong itim at pula ang kanyang buong katawan at sa kada pagtapak niya sa lupa ay umaangat ang mga bato dito.
Habang nasa ganoong posisyon ay nagliwanag ang kanyang kamay at dito ay naalis ang mga pahina ng banal na aklat na nakapalibot sa amin dahilan para makawala kami makatayo ng maayos. "Papa!" ang pagtawag ko dito, para lamang makasigurado kung nasan sarili ba siya o baka naman nalasing na naman siya sa kapangyarihan ni Emrys na aming ninuno.
Hindi sumagot sa akin si papa, noong malapit na siya sa aking kinalalagyan at ipinatong niya ang kamay sa aking at tinapik ito sa nagtuloy tuloy ng lakad patungo sa kalaban na noon ay putol na ang braso dahil sa aking pag atake.
Sa pagtapik ni papa sa aking balikat ay ramdam kong nandito pa siya sa kanyang sarili, ang kinatatakot ko lamang ay ang kainin ulit siya ng kapangyarihan ni Emrys. "Malakas ang taglay na kapangyarihan ng papa mo," ang bulong ni Devon
"Kaya nga takot ako kay papa kasi kapag nagalit siya ay baka burahin na lang niya ako sa mundo," ang biro ko naman sa kanya.
Patuloy na lumakad si papa sa harap ng kalaban at noong makalapit ito ay itinapon niya sa harap nito ang bangkay ni Orifiel, wakwak ang leeg at halos parang tuyot na kahoy na lamang. "Magaling ang ginawa mong pagsasanay at pagpapalakas ng maraming taon ngunit sa tingin ko ay hindi ito sapat," ang wika ni papa.
"Bakit hindi magiging sapat? 40 taon akong nag ensayo para maging malakas!" ang singhal niya.
"40 taon? Hindi pa rin sapat dahil buong buhay ko ay inialay ko sa pag eensayo at pakikidigma," ang sagot niya.
"Paano kang nakaligtas sa kamatayan?" ang tanong ng kalaban.
"Hinigop ko ang enerhiya ni Orifiel, mapapatay mo ang isang ordinaryong mandirigma sa iyong taktika, ngunit ako o ang aking anak o kahit ang guardian devil sa kanyang tabi ay hindi mo mapapatay sa taktikang ito. Ikaw lamang ang naniniwalang malakas ang iyong mga orasyon at sumpa," ang sagot ni papa.
"Sinungaling! Ang lahat ng mga katangian ng blood sucker ay inaral ko, lahat ng blood eater na pinag eksperimentuhan ko ay kinilala at pinag aralan kong mabuti! Pare pareho lamang ang lahat! Ano ang kaibahan mo sa kanila?" ang tanong niya na may halong galit.
"Ang aming salin lahi ay malalakas at makakapangyarihan, ito ang tanging bagay na wala ang ibang blood sucker na pinag aaral mo, pinag eeksperimentuhan upang maging halimaw. Malakas ka NGUNIT ako ay mas malakas sa iyo ng isang daang beses," ang tugon ni papa.
"Kung gayon ay makikita natin ang sinasabi mong lakas!!" ang sigaw niya sabay lundag paatras, nagliwanag ang kanyang katawan at nanatili itong nakalutang sa ere. Maya maya ay nagkaroon ng mga gamalay ang kanyang mga puting awraw sa paligid at hinitit ito ang kaluluwa ng mga blood eater sa kanyang paligid!
"Hinihigop niya ang mga enerhiya ng blood eater upang manumbalik at madagdagan ang kanyang lakas!" ang wika ni Devon habang pinagmamasdan ang pagkabuo ang braso niyang pinutol ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War Arc
FantasyThis is the third installment of the series and history will only repeat itself. The way the Gods of light and darkness clashed millennium years ago that prompted the extinction of the land of Kailun and the world of mortals. The whole thing turned...