Part 44: Sandaling Katahimikan

83 3 0
                                    

Part 44: Sandaling Katahimikan

ROUEN POV

"Jusko, maayos naman tayong umalis diba? Bakit noong dumating kayong lahat ay agaw buhay kayo? Abalang abala ang medical team at nagpatawag pa tayo ng mga back up na floral fairy na expert sa healing keme para maaccommodate kayong lahat na mga wounded!" ang wika ni Ninong Oven na parang maloloka sa dami ng inaasikaso.

Tinatalian ng bundahe ang aking tiyan at braso dahil hindi pa ito masyadong magaling, "okay naman ako Ninong, kumusta sila papa?" ang tanong ko naman.

"Bulagta! Yang papa Enchong mo malala ang tama kaya kahapon pa ito natutulog dahil sa pagod. Pero don't worry alam mo naman si bestfriend parang si Rafaela yan! Healing for everyone! Kahit ang self niya kaya niyang gamutin kahit tulog," ang hirit ni ninong.

Dito ko napag alaman na lahat kami ay dumaan sa malalang pakikipaglaban, sa likuran ng palasyo ay nandoon sina Lucario at si Prinsipe Malik na kapwa sugatan dahil sa pakikipaglaban sa ibang demensyon. Nasa himpilan naman ng mga medical team sina Miguel at Suyon dahil nakipaglaban rin sila kasama si papa Enchong. "Ninong, kumusta kayo dito? Hindi ba kayo inatake ng mga kalaban habang wala kami?" tanong ko sa kanya.

"Hindi nga e, super ready pa naman ako makipagbakbakan! Ewan ko pa naman, noong mawala kayong lahat doon sa templo ni Agapito ay wala namang dumating na enemy para sa amin kaya ang ending ay umuwi na lang at nagdasal na sana ay maayos kayo," ang sagot niya.

Tumayo ako at umakyat sa silid kung nasaan sila papa, "Hep, hep saan ka pupunta? Huwag mong guluhin ang mga papa mo nagrerest sila," ang pagpigil niya.

"Ninong, kailangan nila ako ngayon. May lakas pa ako, kaya ko pang suportahan ang kalusugan nila," ang pagpupumilit ko kaya wala siyang nagawa kundi ang samahan ako sa silid kung saan sila nagpapahinga.

Pagdating namin sa itaas ay nakasalubong ko ang ilang mga medical team na tumitingin kina papa. "Kumusta ang lagay nila?" tanong ko na hindi maitago ang pag aalala.

"Mahal na prinsipe, magkaibang sitwasyon po ang mayroon sa iyong mga magulang. Ang hari po ay naubusan lamang ng pisikal na lakas at mababawi niya ito sa ilang araw na pagtulog. Nagamot na rin namin ang mga sugat sa kanyang katawan. Samantalang si Master Enchong naman po ay napinsala ng husto ang braso ang dalawang braso, nasunog ito at nasira ang kanyang mga cells. Kahapon ay talagang maitim na maitim ang kanyang braso ngayon ay medyo nagrepair na ang mga pinsala nito," ang wika nila at dito ay binuksan nila ang silid.

Dito ay nakita ko nga sila papa na nakahiga sa magkahiwalay na kamay. Si papa Rael ay maaayos ang lagay, para lang itong natutulog ng mahimbing. Samantalang si papa Enchong ay nagtamo ng malalang pinsala mula sa kanyang balikat pababa sa kanyang buong braso at kamay. Sunog sunog ito kaya naman ibayong awa aking naramdaman, hinawakan ko ang kanyang braso at itinulungan siyang irepair ang mga nasirang selula dito.

"Bakit umabot ng ganito?" ang pagtaraka ko na hindi mapigilan ang lungkot at awa.

"Ayon kay Miguel na asawa ni Prinsipe Malik, siya ang naging rescue nina Enchong at Suyon. Dumating daw si Xandre sa lugar kung saan ginaganap ang kanilang labanan at sinubukan pigilan ni Enchong ang malakas na pag atake nito upang hindi sila mapahamak. Sa makatuwid ay iniligtas ng iyong ama ang kanyang mga kapanalig. Ito naman kasing si best friend masyadong mabait!" ang malungkot na sagot ni ninong.

Tahimik.

Napabuntong hininga na lamang ako. Noong mga sandaling iyon ay pinag igihan ko ang pag gamot kay papa Enchong. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang ibalik ang buhay ng kanyang mga natupok na selula. Alam kong nahihirapan siyang mag repair ngayon dahil wala pa siyang malay kaya't malakint tulong ang aking ginagawa. "Tingnan mo ninong, medyo nawawala na yung pangingitim ng balat niya sa braso," ang wika ko.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War ArcTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon