Part 46: Ang Apoy ng Pag-asa
ENCHONG POV
Kinabukasan, sa aming pag gising ni Rael ay iba na ang simoy ng hangin, may dala na itong kilabot at kakaibang lamig sa pakiramdam na hindi namin maunawaan. Noong pinagmasdan namin ang kalangitan ay mas lumaki pa ang crack nito na halos nakalabas na rin ang ibang mga halimaw mula sa itaas.
Noong araw din iyon ay nakatanggap na kami ng mga report na nagsimula ng bumagsak at sumalakay ang mga halimaw sa mula sa itaas. Mabuti na lamang at may mga barrier ang mga lupain na nasasakupan ng blood sucker kingdom kaya't kahit paano ay magsisilbi itong proteksyon para sa lahat. "Sa tingin ko magsisimula na ang digmaan, sabihin kay Heneral Liad na maghanda na! Nararamdaman kong sasalakay ang mga kawal ng kadiliman anumang oras," ang wika ni Rael.
"Sigurado ka ba?" tanong ko kay Rael.
"Oo, sigurado ako, si Emrys mismo na nagpakita sa aking panaginip kagabi, ginamit ni Xandre and kaparehong hukbo na ginamit ni Elsen noon upang sakupin ang lahat, ngayon ay mauulit lamang ang kasaysayan," ang wika ni Rael at habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pagpasok nina Oven at Rouen sa aming silid.
"Paano rin niyo ito dali!" ang wika ni Oven hawak ang kanyang cellphone, dito ay tumambad sa amin ang reporter sa mundo ng mga mortal kung saan ang lahat ay nagkakagulo na at parang malalang kaganapan ang nangyayari doon.
REPORT: Kung dati ay maligayang maligaya ang mga tao sa pagdilim ng kalangitan, lahat ay naging party animal, naging tomador at dumami ang pagbubuntis dahil parating gabi. NGAYON, ang kasiyahan na aking nabanggit ay nabura na dahil sa mga hindi kapani-paniwalang pangyayaring naganap kagabi habang ginaganap ang ultimate party ng mga alter sa Hotel Dela Blue sa sentro ng siyudad.
"Tama ka dyan ses! Edi party party kami, sayaw dito sayaw dooon, siyempre mabentang mabenta sa amin ang mga bortang no trace, sa kanila kami talaga nakapila para makipaglandian. Syempre dahil party iyon sayaw sayaw kami, naku nakatabi ko pa si Nelson yung classmate ko noong college ang laki laki ng katawan at ahit naman ang kilay. At alam mo ba ang tsimis, dati daw iyang lumalaban sa miss Gay Barangay, halatado at semi babaihan pero makuhang jowa, walang maharvat kaya ang ending nagpaka paminta pero sobrang gelatin naman," ang wika ng beking borta sa tabi ng reporter.
"Ah e, ses, pwedeng straight to the point na lang? tsimosa ka rin eh, ang dami mong palabok, baklang toe! Spluk mo na ang talk show, ano bang nangyari?" ang tanong ng reporter.
"Edi ayun nga nakipagsayaw kami ng mga friends ko sa dance floor, nag naughty girl kami, nag crazy in love, nag Bad Romance hanggang sa mapansin namin na parang namumula ang kalangitan. Nagtilian kami kasi akala namin bababa si Super Nardo o kaya ay si Super Kuya pero mamushhh HALIMAW ang bumagsak! Originally ako talaga ang aatakihin ng halimaw buti na lang at katabi ko si Nelson a.k.a Fake Borta itunulak ko siya at siya nalapa ng halimaw! Im safe and sound by Taylor Swift!" ang salaysay ng bortang beki.
"Eh gaga ka naman palang bakla ka, doon ka na naga!" ang pagtulak sa kanya ng reporter. Maya maya ay finocus sa kanya ang camera, "Kitang kita sa mga video footage ang pagbagsak ng mga halimaw sa kalangitan at ngayon ay makikita pa rin ang ginagawang paglaban ng mga militar sa mga ito nanggugulo at naninira sa buong siyudad. Ang ibang mga taong bayan ay humukay na lamang ng tunnel sa ligtas na lugar at ang ilan naman ay nagkulong sa kanilang mga bahay. Ito na nga ba ang simula ng katapusan? O isa lamang itong pakulo ng Gobyerno upang mapagtakpan ang kanilang pangungurakot sa kaban ng bayan? Ako po si Edith Mae Lawit at ito ang ADS GCN New Live! IPUTOK MO!"
END OF REPORT
"Nagkakagulo na pala doon sa mundo ng mga mortal, paano sila mama, papa at ang anak natin?" ang tanong ko kay Rael na may halong pangamba.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 3: The Last War Arc
FantasiaThis is the third installment of the series and history will only repeat itself. The way the Gods of light and darkness clashed millennium years ago that prompted the extinction of the land of Kailun and the world of mortals. The whole thing turned...