Shoes and Laces

113 7 8
                                    

JOSHTIN FANFICTION

_________________________________________

Josh


Nasa kalagitnaan na ako ng pagsisintas nang matigilan. Pinagmasdan ko ang white sneakers. I've been using this shoes since the day Justin gave it to me, the day things suddenly became new and weird for me.

It was my 27th birthday. Hindi ako nabigo nang buksan ko ang pintuan ng The Zone. Umangat ang balikat ko sa gulat nang sunod-sunod ang pagsabog ng mga confetti, si Stell, Pablo at Ken ang may hawak no'n.

"Happy Birthday!" Sabay-sabay na ani nila.

Ngumiti ako sa kanila kahit may hinahanap sa sulok ng mga mata. Lumawak lang ang ngisi ko nang mamataan na ang hinahanap ko. Lumitaw si Justin sa pagitan ni Pablo at Ken dala ang  isang chocolate falvored cake. He carefully walk towards me, breathing carefully to not blew off the candles atop of the cake.

"Wish na, wish na, baka mamatay na naman!" Utos niya sa'kin, nanlalaki pa ang mga mata.

I suppress my small laughs at his cuteness.

Pumikit ako at kunwaring nagwish kahit wala naman ng mahihiling pa. Just to do what Justin wants me to do. Ngisi niya agad ang bumungad sa'kin pagdilat. I blew off the candles.

Everyone cheered. Ngumiti lang ako at tipid na nagpasalamat sa mga bumabating staffs. Tinulak naman ako ni Pablo malapit sa cellphone para mag-hi sa IG live. Pagkatapos ko roon ay nagsimula na rin akong tumingin ng mga pagkain sa lamesa. Tingin ko karamihan doon ay galing sa fans at sa mga kompanyang ini-endorsed namin.

I am checking the temperature of each food when Justin caught the corners of my eyes. Nasa pinakadulong lamesa siya kung saan nakalatag ang mga cake. He is lighting a candle atop of a slice of chocolate cake. Pagkatapos niya sindihan ay pumikit siya na parang dinadasalan ang hiniwang cake sa platito. Nawala na ang atensiyon ko sa mga pagkain sa harap at pinanood na lang si Justin sa ginagawa niya. After murmuring something to the air, he blew off the candles.

I cleared my throat to hide my amusement drawn to my lips, and made my way to him. Kumuha ako ng platito at nagpanggap na pumipili ng cake na hihiwain sa tabi niya.

Pinagsalubong ko ang kilay. "Ginagawa mo?" Usisa ko sa kaniya.

He smiled sheepishly, shyly showing to me his slice of cake in his hand.

"Naki-wish ako, malayo pa birthday ko, e."

Bahagya kong kinagat ang labi para pigilang ngumiti. Hindi ko alam kung bakit ko ba pinipigilan, kung bakit ayaw kong makita niya. Matagal na siyang guwapo sa paningin ko, pero mas napapangiti ako ng ka-cute-an niya lalo na ngayong araw. He is just extra cute today, and I can't damn help but to adore him.

Gabi na at pahupa na ang mga bisita. Hindi ko na pinatulong ang ibang staffs sa paglilinis bilang treat na rin dahil birthday ko. Naiwan naman din sila Pablo, Stell, Ken at Justin kaya walang problema, may katulong akong maglinis. Pagkatapos namin malinis ang The Zone ay tinulungan rin nila 'kong ibaba ang mga regalo galing sa fans at ilang endorsements. Isinalansan ko ang mga iyon sa sasakyan.

Arranging these tons of gifts makes me think of something that is missing. Ngayon lang ata nagmintis sa pagreregalo si Justin. Taon-taon ay may regalo siyang prutas. Shamelessly bragging how his mother worked hard to stroll around Balintawak market to get me some fresh fruits, and claiming afterwards that it is his gift. Mukhang hindi gumana ang paglalambing niya kay Tita Gemma ngayon.

That's okay though. Nakakapanibago lang.

Nang makuntento na sa ayos ng mga regalo sa backseat ay sinara ko iyon para sana umuwi na nang mamataan si Justin na papalapit.

Killing BlocksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon