ConfrontationThe first thing I did when I went home that day is to look for mama. Ganoon naman ang palagi kong ginagawa kahit na alam kong nasa labas ito. Talagang tatanungin ko pa si Papa kung nasaan si Mama.
"Bakit?" sagot nito saktong pagpasok ko sa kusina.
"Oh! You're baking." magiliw kong saad nang makita kong suot niya ang kaniyang apron.
"Nagpaluto ng cookies ang Papa mo para raw may mabaon ka bukas," sabi nito bago ako tinalikuran para tingnan ang kaniyang ginagawa.
"At bakit nga pala ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay. Akala namin ay napaano ka na sa labas."
"Ay, hindi ko po ba nasabi sa inyo?" hindi ko nga nasabi dahil biglaan. Bonak.
"Abay, tatanungin ba kita kung nasabi mo? Ikaw talagang bata ka."
Napakamot ako sa aking ulo. Talagang minsan ay nalulutang na lang ako.
"Maglinis ka na nga ng katawan roon."
Hindi ako tuminag. Bagkus ay nanatili akong nakatayo sa kaniyang harapan.
"Later, Ma. Papanoorin muna kita." Hinila ko ang high chair namin palapit kung nasaan si Mama para mapanood ko siya nang maayos. Kailangan ko na ulit panoorin ang ginagawa ni Mama dahil parang nangangalawang na ang skills ko sa baking dahil nung nagsimula ang second sem ay hindi na talaga ako nakahawak ng flour.
"Tapos na, Aer. Umakyat ka na roon," she uttered after she put the last tray in the oven.
"Si Mama naman. Parang iting-iti na ipush ako." madrama ko pang saad bago kunin ang bag at umakyat na.
Remembering the process that I should be making, nakakuha ako ng determinasyon para magbake. Makagawa nga ng cupcakes sa weekend.
"Ma, kailangan ko po ng ingredients for cupcake this weekend." baka kasi nagplaplano akong magbake pero wala naman pa lang ingredients, edi nasayang ang sipag kong mag-isip.
"Anong nakain mo at naisipan mong magbake?" taas kilay nitong saad sa akin na tila mo nakarinig ng himala and at the same time jina-judge ako.
"Gusto ko lang, Ma. 'Di ba nga ikaw pa nagsasabi sa akin na magbake para next time alam ko na. At saka lumaki ako sa bakery natin, kung hindi nga ako napigilan noon, mas malaki pa muscle ko kay John Cena kakamold." Ipinakita ko sa kaniya ang payat kong braso. Nag-effort pa akong patigasin iyon, puro buto naman.
"O siya, bibilhan kita ng mga gamit."
"Ayun! Thanks, Mama kong pretty." akma pa akong hahalik pero tinulak niya palayo ang nguso ko. Tignan mo 'tong si Mama, nahihiya na nga 'yung anak niyang magfirst move ng kiss sa kaniya, itutulak pa ako palayo.
Dumukot ako sa cookies na pinabaon ni Mama habang nasa sasakyan kami ni Papa. Papunta pa lang kaming dalawa sa school pero nakaka-apat na ako. Baka mamaya, hindi pa ako nakakarating doon, ubos na 'to.
BINABASA MO ANG
Entangled Series: Promised
Teen FictionEntangled Series | Shone Pachero Aera Eloise Villaroman seems to hate men in general because of the ugly shit that has been clicked with that particular word, but all along, she just has the nasty idea of a man. She hasn't explored the world yet tha...