"Behind the smiles on my face, it's vicious and wicked. Sometimes, a smile is inevitable yet that makes you strong."
- H. G. Cereneo
**
KINABUKASAN, nagkaroon ng isang debate sa departamento nila Hazel. Nakipagtagisan siya ng talino sa kaniyang kapwa kamag-aral at sa huli, nagwagi siya sa buong klase.
Matapos ang debate, napairap na lamang siya nang pumasok sa klase nila ang Second Year student mula sa criminal law section. Nang makita ang gobernador ng kanilang depaetamento ay nagtungo siya bigla sa kaniyang sariling upuan mula sa likod.
Ramdam niya ang nakasunod na tingin ni Tyron ngunit nanatili lamang na kalmado ang kaniyang sarili at hindi hinayaan na masindak rito.
"Alright class, makikipag-tagisan rin ang mga Second year mula sa Criminal Law section. Sino muna ang susubok sa kahusayan nila?"
Walang nag-atubiling magtaas ng kamay maliban kay Hazel na may nanghahamon na reaksyon sa kaniyang mukha. Nagbulungan na naman ang mga bubuyog sa paligid kaya napangisi siya.
"Ako, sir!" ani Hazel. "Gusto kong subukan sa ganitong larangan ang talino ni Governor Lanchester!" dugtong niya.
Umangat ang isang kilay ni Tyron mula sa gilid ng pinto na matamang nakikipagtitigan sa dalaga. Umigting ang kaniyang panga nang mapatingin ang lahat sa kaniya.
"What?" malamig na aniya.
Nagsiyukuan ang lahat. Walang umimik ngunit nagsalita ang kasama ni Tyron at kinausap ang Professor.
"Sir, ganito na lang," napakamot sa kaniyang ulo si Franz. "Bakit hindi na lang silang dalawa ang magtagisan ng talino, prof? Sila naman ay parehong top student sa departamentong ito." dugtong niya.
Tumango-tango lamang ang professor sa naging suhestiyon ni Franz. Ganoon rin ang ibang reaksyon ng mga kaklase ni Hazel. Naririnig na rin niya ang pustahan ng mga ito kung sino ang mananalo.
"Pusta ko ang bagong mustang ko, mananalo si Hazel laban kay Gov. Lanchester."
"Isang milyon para kay boss Tyron," ani ng isa.
"Mga ugok! Mananalo ang secretary ng HSC, that sexy secretary is the standard!" tila isang tagahanga na usal ni Chris.
"Ulol, sa mukha ka na naman tumingin," giit ng isa. "Para sa akin, kung tagisan lamang ng talino, mas lamang si Tyron riyan dahil hindi lang naman tungkol sa criminal cases ang pinag-aaralan nila." Paliwanag ni Noel.
Nagpustahan ang iba, palihim lamang 'yon. Umabot pa ng dalawang milyon ang pustahan ng iba at maging ang mamahalin nilang sasakyan ay isinama na rin nila kapalit sa kung sino ang mananalo sa dalawa.
"Alright," patango-tangong usal ni Prof. Pajimola. "We'll have a debate between our top student."
Naghiyawan ang buong klase, tila sabik na sabik sa magaganap ngayong araw.
"'Yon oh! Boss Tyron, kampi kami sa iyo!" natatawang usal ni Dave sa tabi niya.
Sinamaan lamang niya ng tingin ang binata at sumeryoso na ang kaniyang mukha.
Umayos ng upo ang mga kasama ni Tyron samantalang siya ay naiwan sa may pinto at nakasandal lamang roon.
Tumayo na rin si Hazel sa kaniyang kinauupuan, bakas ang pagiging matapang sa kaniyang mukha.
Inismiran niya lang rin ang mga babaeng halos patayin na siya sa tingin.
"Okay, let's begin. For today's debate, the topic should I be given is mixed." Ani Prof. Pajimola.
BINABASA MO ANG
Wicked Love (COMPLETED)
Novela JuvenilEdited Behind two rivals, both are rebels Behind two rebels, both are wicked. He's cold and a rebel from his family. A wicked student leader and a varsity player of ISCA known for his charming aura and piercing blue eyes has created his own rules an...