Chapter i

2 0 0
                                    

          "Tulong! Tulungan mo ako! Parang awa mo na!" pakiusap ng isang babae na ngayon ay nakadapa na sa lupa at puro putik ang katawan. Basang basa ang kulay puti niyang damit at puting pants dahil na rin sa malakas na ulan.

          "Miss?! Okey ka lang?" tanong ko rito habang papalapit ako sa kanya mula sa aking kinaruruonan kanina. Nakakapagtaka lang dahil alam kung umuulan ng malakas ngunit hindi ako nababasa ng ulan. Teka, nasan ba ako?

         Nilibot ko ang paningin ko sa lugar, hindi ako familiar sa lugar na ito. Tanging puno lang ng mga mangga ang nakikita kong puno. Malapit na rin dumilim ang buong paligid.

          "Tulungan mo ako! Parang awa mo na." Sabi ulit nong babae. Nagulat ako sa sumunod na nangyari  dahil ang dating puti nyang damit ngayon ay nagkakaruon na ng dugo. Parami ito ng parami hanggang nagbago bigla ang kanyang mukha, nagkaroon ito ng mga sugat. Gustuhin ko mang tulungan sya pero hindi ako makagalaw.

           "Miss, anong nangyari sayo? Sinong gumawa sayo nyan?!" nilinga linga ko ang paligid at sa di kalayuan meron akong natanaw na isang tao papalapit ito sa kinalalagyan namin. Kumalabog bigla ang buo kong katawan, nanginginig ako sa takot nang mapansin ko na may hawak siyang patalim.

         "Miss, umalis ka na dyan?!" Sigaw ko sa babae pero mukhang hindi nya ako naririnig dahil siguro sa lakas ng ulan.

         Papalapit na ng papalapit ang lalaki sa kinaruruonan ng babae. Pinipilit niyang gumapang nguni----

       "ANASTASIA!!" sigaw ng lalaki at saka nya isinaksak ang kutsilyo sa likod ng babae. Napatakip na lang ako ng bibig habang nanginginig pa ang buo kong katawan.

          Biglang lumingon ang lalaki sa akin. Natatabunan ng mahabang buhok ang kaniyang mata kaya nahirapan din akong mukhaan ito. Habang siya ay nakatingin sa akin, unti unti naman niyang inaalis ang kutsilyo sa likod nong babae na ngayon ay wala ng malay. Tumayo ito at sa isang iglap lang ay nasa harapan ko na sya. Handa na nyang itarakbsa akin ang kutsilyo ng—

         "AHHHHHHHH!! AHHHHHH" sigaw ko.

         "ANALISA!!" tawag sa akin ng prof namin. "Natutulog ka na naman sa klase ko?!"

          Nanginginig pa rin ang buo kong katawan dahil sa hindi ko maipaliwanag na panaginip. Hindi na ako bago sa mga kakaibang panaginip pero iyong kanina mukha syang totoo dahil pakiramdam ko nandoon din ako habang pinapatay yung babae.

         "Pasensya na po ma'am, di na mauulit." paghingi ko ng paumanhin sa prof namin na nasa edad 50 na.

          "Kung puro tulog lang ang gagawin mo dito, mas mabuti pang h'wag ka ng mag-aral."

         "Nerd kase." narinig kong sabi nong isa sa mga kaklase ko. Hindi ko na lang inalam kung sino kase sanay na rin naman ako na tinatawag na ganon. Hindi rin ako mahilig makihalubilo sa iba kung kaklase, una dahil ayaw nila sa akin, pangalawa hindi ako katulad nila na laging in .

          "As I was said earlier, magkakaroon kayo ng isang research. I will group you into five at dapat lima rin kayo sa grupo." sabi ni ma'am habang tinitingnan kami isa isa.

          Criminology ang kinuha kong course. Hindi ko nga alam kong bakit ako nandito eh. Basta ang gusto ko lang non ay makahuli ng mga kriminal, pero hindi ko alam na mahirap din pala yung mga subject. Isama mo pa yung mga terror prof na akala mo kakainin ka ng buhay once na tumingin ka sa kanila. Pa-fourth year college na kami next next month kaya before kaming makaalis sa third year kailangan pa namin gumawa ng mga project o di kaya research.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MISSING: Anastasia GacosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon