Chapter Twenty

17 0 0
                                    


TWENTY



"Oh my.." Nasabi ko na lang sa sobrang gulat sa nakita ko. Bigla namang bumulong sa akin si Xyrus na nasa tabi ko lang din.




"Umay kamo." Sabi nito sa akin ng nakangisi at tumingin ulit sa kanina pa naming tinitignan.




"K-kung ano ang iniisip niyong dalawa itigil niyo na! A-aksidente lang yun." Nauutal na paliwanag sa amin ni Cooper.




"Weh? Kung maghalikan kayo dyan kulang na lang ng-" Pang-aasar nitong katabi ko kila Cooper na walang iba kundi si Xyrus. Pero hindi nito natapos ang sasabihin dahil pinutol ito ng dalawa.




"Hindi nga!" Sabay na sabi ng dalawa na walang iba kundi si Cooper at Sabrina.




"Hindi daw pero-" Pang-aasar ulit ni Xyrus sa dalawa pero pinutol agad ito ni Cooper.




"Hindi nga! naghaharutan lang kami kanina habang hinihintay kayo tapos aksidente kaming nahulog parehas." Paliwanag nito sa amin.



I smell something fishy here..




PAGKATAPOS ng nakakasukang eksena ay napagpasyahan naming manuod na. Tama nga si Xyrus sa sinabi nito kanina dahil nakakaumay naman talaga.



Horror movie ang napili naming panuorin. Katabi ko si Xyrus sa right side ko at si Sab naman sa left. Si Cooper nasa kitchen nila at kumukuha ata ng iba pang makakain at maiinom namin. Nang makabalik si Cooper dito sa movie room nila ay pinatay na nito ang ilaw at niplay na ang papanuorin namin. Uupo dapat ito sa tabi ni Xyrus pero pinigilan siya nito.




"Hep! 'Wag dito masikip na masyado. Maawa ka naman sa muscles ko baka maipit na." Pigil ni Xyrus dito. Tumingin naman ako sa gilid niya at napakunot na lang bigla. Ang luwag-luwag naman sa pwesto niya ah.




"S-sige, sorry." Sagot nito at umupo na lang sa tabi ni Sab. Bakit parang nag-iba boses ni Cooper? Napailing na lang ako. Manuod ka na nga lang Ella!




"Baliw ka." Bulong ko kay Xyrus. Alam na niya kasing nagkakailangan yung dalawa tapos pinagtabi pa niya.

AbnormaLove (abnormal love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon