si [mang]nunulat
by Esther del Rojo
SINO BA TALAGA SI FRANCO MANGNUNULAT, MGA BESH? Artista ba siya? Hinde?! Uhm, nasa scandal ba siya? Hindi na rin?! Ah, 'yung sinasabi niyo noon nag-o-audition siya sa isang sikat na reality show? Ganon ba? Talaga? You mean, writer ba siya? Saan? Sa Wattpad? Hindi ko alam, ih! Wala akong alam diyan, noh?!
Pero hindi naman ako tanga, mga besh! Marami ako mga kilalang writer diyan. Uhm, example: Si Luwalhati Bautista. 'Yung writer ng Bata, Bata, Paano Ka Ginawa atsaka Dekadang 70, na naging pelikula ni Vilma Santos. Nang nabasa ko 'yung libro, hindi ko alam saan ba page 'yung kay Carlo Aquino na "Ang akala mo'y wala. Pero meron, meron, meron!" Uhm, isa pa! Si Virgilio Almario alias Rio Alma, kilala mo iyon? National artist iyan, bongga noh? Nagpapiktyur kaya ako doon sa MIBF noon? Si Francisco Baltazar, 'yung writer ng Plorante at Laura. Napag-aralan ko iyon noong second year high school ako at nakumpleto na ang mga buod ko kada chapters para sa Filipino subject. Talagang kilig na kilig ako kila Plorante at Laura. Tsaka sina Aladin at Plerida. Parang KathNiel at LizQuen sila, noh? Bob Ong. Oo, astig ang mga sinulat ni Bob Ong. Biruin mo, andami kong koleksyon ng mga libro ni Bob Ong noong hayskul. Halos kinagagalitan ako ng Nanay ko sa sobrang gastos ko sa pera, sa halip ng pam-projects ko sa school at sa pang-lunch. Kaso, tinangay na ni Bagyong Ondoy ang mga koleksyon ko. Isa lang ang naisalba ko. 'Yung librong A-BAAAH... A-BA-KA... A-BA-NA... ABA, ABA, ABA! Basta, 'yung pinaka-favorite ko 'yung pinakauna diyan. Hindi ko pa na-meet-in-person si Bob Ong. Pangarap ko ngang magpapiktyur at magpa-autograph sana, noh?
Pambihira naman kayo, mga besh! Nakikinig ba kayo sa mga kuwento ko? Talagang hindi ko ma-gets sa pinag-uusapan ninyo tungkol sa Franco Mangnunulat na iyan! Atsaka, tantanan ninyo sa kakatutok sa mga cellphone ninyo at pagpapabasa ng mga ganyang pocketbook. Tapos na ang breaktime natin. Mag-wa-one 'o clock na. Lagot tayo sa bisor natin. Gusto ninyo bang mabawasan ang mga sweldo ninyo at mawalan ng mga bonus ninyo? Tantanan mo ang pagbabasa ng mga pocketbook niyo. Pati ang mga cellphone ninyo. Anong petsa na, mga 'day? Trabaho na, uy!
Saglit lang? Taympers? Hindi pa kayong tapos? Kanina pa kayo diyan! Cliche na cliche ang mga lintanyang linya ninyo! Wala ba kayong taym para mag-retouch? Kilung-kilo na ang mga eyebags ninyo sa kakapuyat dahil diyan?! Maibebenta ninyo ba iyan sa palengke? Utang na loob naman, mga besh! Ano bang dapat gawin para matapos na ito? Basahin? Na ano? That Bukid Girl? Anong kuwento iyan? Balakadiyan kapag nadatnan tayo ni bisor na hindi kayo tumayo at kumilos, ewan ko na lang kung saan ba kayong pupulutin. Basahin ko nga para matapos na. Tsk.
Huhuhuhuhuhuhuhu..... Waaaaaaaahhhh!!! Daamboooo-huhuhu! Patay na si Dambo, na alagang biik ni Athena Marie. Naalaala ko ang alagang pusa ko si Felix... huhuhu! Parang gayundin nang nasagasaan si Dambo at iyak nang iyak si Athena Marie... huhuhu!
*ayan. tulo ng sipon ang bruha sa kakaiyak.*
Oh, ayan na. Tapos na'ko diyan. Halos sagad na hanggang buto sa kakaiyak ko kay Dambo. *sob, sob* O, siya. Paalam muna ako kay kuya bisor na pa-half-day muna ako. Bago ako umuwi, may kuwento ka bang bago kay Franco? My Goodnight Girlfriend. Sige, basahin ko'to. Sabado pa naman ang walang pasok. Isasauli ko iyan sa Lunes. Time na kayo. Bye.
BINABASA MO ANG
si [mang]nunulat
Random"Sino ba talaga si Franco Mangnunulat, mga besh?" si [mang]nunulat by Esther del Rojo Copyright ©2023