Chapter Five(Unedited)

74 7 1
                                    

KELLY'S POV

I'm walking towards the C.R. Hindi ko na kaya.. ihing-ihi na talaga ako.

I tried to open the door but there is someone inside. Tsk! Kung kelan I need to pee ngayon pa nagkaroon ng tao sa loob.

I knock the door 3 times but no one answering me.

"May tao ba diyan?" I asked. Kung meron lang talagang ibang C.R dito, hindi na ako maghihintay pa.

Kumatok akong muli. Wala talaga siyang balak na lumabas. Nakatulog na siguro sa loob kaya't hindi sumasagot. Aalis na sana ako nang biglang pumihit ang seradura at bumukas ng kaunti ang pintuan.

Yes, I can pee na talaga. Naghihintay na lang akong lumabas ang tao sa loob pero lumipas na ang ilang minuto walang lumabas. Nagtaka naman ako.

Bahala na, bubuksan ko na lang para makita ko kung sino andun, hindi ko na kayang magtimpi. I really need to pee.

Lumapit ako sa C.R at nagmadaling buksan ito. Nagulat ako ng wala naman palang tao sa loob pero I'm sure pumihit ang seradura at bumukas ang pinto. I'm pretty sure dahil nakita ko iyon.

Kumibit balikat na lang ako at dumiretso sa loob para umihi.

Nasa kalagitnaan ako ng kinikilig na pakiramdam ng may tumulo sa noo ko. Eh? Inilapat ko ang kamay ko sa banda ng noo ko kung saan may tumulo, It's blood. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para makita ang nandun.

Halos panawan ako ng ulirat ng makitang may babaeng nakabigti, napatayo ako at nabangga ng ulo ko ang paa niyang nakalambitin.

Dali-dali akong lumabas ng C.R. Parang may humihigop sa mga mata ko para tingnan ang babaeng nakabigti. Nang matuon ang mga mata ko ay ganun na lang ang pagsitayuan ng mga balahibo ko nang makilala ang babaeng nakabigti. Si Ate Mia. Ang nurse ni Lola Ester.

Aside sa nakabigti siya, may saksak ang bandang tiyan niya at doon nanggagaling ang mga tumutulong dugo. Binalik ng mga mata ko ang mukha niya. Namumula ang mga mata niya dahil sa dugo, nakatingin ito sa'kin na waring may gustong sabihin. Labas ang dila nito dahil na rin sa pagkakabigti niya. Diyos ko!

Napaatras ako sa nakikita ko. Mas lalo akong nagimbal nang gumalaw ang katawan ni Ate Mia na nagpupumiglas na waring nanghihingi ng tulong ko.

Umiling-iling ako. No! No! Hindi totoo ang nakikita ko. Hindi to totoo! Pinikit ko ang mga mata ko. Pilit kong inaalis ang nakikita ko.

Biglang tumahimik ang kapaligiran. Nakahinga ako ng maluwag. Siguro nga guni-guni ko lang talaga ang lahat. Dahan-dahan akong dumilat at wala nang makitang kahit na ano sa C.R.

"It's just a dream." Sabi ko sa sarili ko. Pagkatalikod ko halos mahulog ang puso ko sa nakikita ko.

Si Ate Mia. Nasa harapan ko ngayon.

"Aaaahhhhh!"

"Kellay? Kellay! Gumising ka! Kellay!" Napabalikwas ako ng bangon.

Hinihingal ako. Nakita ko si Marie na nag-aalala sa'kin. Ganun rin ang kambal at si Tofer.

"Okay ka lang Kea?" Tanong ni Tofer na halatang nag-aalala rin.

"S-si Ate M-Mia?" Tanong ko agad sa kanila.

"Nasa kwarto niya, kumuha ng gamot para sa'yo. Anong nangyari sa'yo Kea?" Tanong ni Marie. Bakas sa mukha nito ang pagtataka.

"Gising ka na pala." Bungad sa'min ni Ate Mia mula sa pinto.

Teka, buhay si Ate Mia, ibig sabihin panaginip lang ang lahat? Nakahinga ako ng maluwag.

"Inumin mo ito. Stress reliever yan. Na-stress ka siguro sa manggahan kanina." Aniya.

Oh my GHOST![on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon