Narda's pov
Makakahinga ba ako ng maayos
Kung alam kong masaya ka sa piling nya
Na sya na ang nag papasaya sayo
At tuluyan nang nalimutan ako11:48 na ng gabi ngunit ako ay hindi pa rin magkatulog. Marahil dahil na rin sa sobrang lamig ng panahon o kaya naman dahil sa lakas ng kulog na dumadagondong sa buong kalangitan. Sobrang lakas ng ulan at tanging kidlat lang ang nagsisilbing ilaw sa madilim kong silid. Hindi ko maiwasan isipin bakit parang mas lumuwag ang higaan? Parang hindi ko na kilala ang sarili kong pamamahay, bigla akong nanibago bawat sulok ay may kulang na bagay na hindi ko maalala kung ano. Pakiramdam ko ay walang laman ang bahay.
Makakahinga ka pa rin ba ng maayos
'pag nalaman mong hawak mo pa rin ang puso ko
At itoy unti unting mong dinudurog
Na dati'y sintigas ng bato ngayon parang pulbosAng dami nawala simula noong ako ay iwan mo. Hindi na rin nakakapagtaka sapagkat sa loob ng 5 taon tinuring kitang mundo ko. Ikaw ang lahat lahat para sa akin kaya noong lumisan ka parang nawalan na rin ako ng rason mabuhay. Paano na lahat ng nakasanayan ko? Na dapat ngayon nandito ka sa tabi ko at mag kayakap ngayong may bagyo? Pag sasaluhan ang maiinit na halik panlaban sa malamig na panahon. Ngayon hindi lang katawan pati na rin ang puso ko ay nilalamig. Ikaw lang ang kailangan ko, sapagkat ikaw lang naman ang makakapagparamdam sa akin ng init na hindi maibibigay ng kahit ano mang kapal damit at kumot na nandito. Nasaan ka mahal ko?
Kakayanin ko pa bang mamuhay nang ganito
Tahimik at wala ang presensya mo
Malalamig na gabi't walang yakap mo
Sabihin mo sa akin hindi na ba akoHindi ko na makakayanang mabuhay nang ganito, alam kong ikaw ang kailangan ko. Kahit nagbabagyo aalis ako at walang makakapigil sa akin pumunta sayo. Sayo lang ako at ikay sa akin walang nang aangkin , walang dapat umangkin. Madulas ang kalsada, wala akong masyadong makita sa sobrang lakas ng ulan at dilim ng kalsada. Bawat patak ng ulan sari-saring ala ala ang pumapasok sa aking isipan. Mga ala-ala na hindi ko malilimutan, hugis ng iyong mukha, mahahaba mong mga pilik mata, mapupulang labi, at mga matang kulay tsokolate, lahat ng iyon ay tanda ko pa.
Iyong mga halik na sintamis ng tsokolate
Na lasang gatas minsan ay kape
Lagi kong hinahanap maging sa panaginip ko
i wonder what my kisses taste like for youHindi mo na ba nais na ako ay halikan? Hindi mo ba hinahanap-hanap ang maiinit kong yakap? Paano mo nakakaya mabuhay ng wala ako dyan? Paano mo nakukuhang maging masaya na walang ako? Totoo nga ba ang pagmamahal mo? Kung ito ay totoo bakit ako ay iyong iniwan? Ang gusto ko lang naman ay makasama ka habang buhay. Ngunit huwag kang mag alala, ako ay papunta na ri'yan. Aking tahanan sayo lang at ikaw lang ang pahingahan at ang pahinga. Sana ay malaman mo sabik na sabik ang puso kong makita at makasama ka. Kung maririnig mo lang kung gaano kalakas ang tibok nitong aking puso siguradong hindi mo na maririnig pa ang kulog. Hindi ka na mangangamba pa, hindi na ako malulumbay.
Ngunit akoy nandito lang, maghihintay sayo
Wala na akong ibang nanaisin pa sa mundo
Nangangako mag papakabait para lang sa iyo
At hindi ako titigil hangang mapasakin ang puso moMahal ako sanay pagbuksan nasa tapat ako ng bahay mo. Hindi mo ba nadarama ang presenya ko? Hindi ba't dati sa tuwing ako ay pupunta ikaw ay nasa pinto na't inaabangan ako?

BINABASA MO ANG
DarLentina One Shots Stories
FanfictionDose of DarLentina || NarGina || JaneNella stories for us mga vadengs