Chapter 1 (Shattered Pieces)

28 0 0
                                    

May mga tao talaga na dadaan sa buhay mo para turuan ka ng isang specific na lesson. May nakakatulong para mas maging malakas ka, meron namang papatayin ka sa sobrang sakit na dulot ng pag alis nila---

"Be start na tayo in 5 minutes" nagulat ako sa nagsalita. Hindi ko na natapos ang tinatype ko sa laptop ko dahil kay MJ. Sinave ko na muna ito at nagpunta na sa dressing room para tignan ang sarili ko bago sumalang sa stage.

"Kinakabahan kaba?" tanong ni MJ habang naglalagay ng lipstick sa labi nya. Kaibigan ko na simula high school si MJ o Melody Jade pero mas gusto nyang tawagin syang MJ.

Ngumiti ako ng bahagya sa kanya bago sumagot, "Lahat naman siguro kakabahan din kung unang sabak nila sa mga ganitong trabaho diba?" sagot ko sa kanya at inayos ang suot kong damit. Ripped jeans at black crop top ang suot ko samantala si MJ ay red velvet dress na fit sa katawan nya at knee high boots.

"Tatlong kanta lang naman eh, after that, okay na. Chill Be. Parang di mo 'to ginawa nung 4th year high school tayo? Naalala mo yung anniversary nyo ni--" di ko na hinintay pang mabanggit nya yung pangalan na yun at lumabas na ako ng dressing room para dumiretso sa back stage. Anim na taon na ang nakalipas pero sa tuwing naaalala ko yun, yung lahat ng sakit bumabalik. Sumandal ako sa pader at muling inalala ang mga nangyari.

***

"Okay girls, handa naba lahat? Yung sound system okay na? Wala ng technical error? Yung banner na ginawa ko? Yung cake? Okay naba talaga?" Di na ako mapakali, kaba, saya, kilig, takot, halo halo na ang nararamdaman ko. Matanda ng apat na taon si Trick sa akin. Pero di naging sagabal yun sa relasyon namin at 1st anniversary na nga namin ngayon. Hindi ako makapaniwala na yung on and off relationship namin ay umabot din ng isang taon.

"Bebi nagtext si Riu sakin, kakarating lang daw ni Trick papunta na sila dito sa auditorium!" tila nabingi ako matapos kong marinig ang pangalan nya. Nandito na sya, kakantahan ko sya. Sana magustuhan nya.

Umakyat na ako sa stage, madilim ang buong auditorium, nasa kani kanilang puwesto na ang mga kaklase ko para sa surpresa na ibibigay nila kay Trick habang nakanta ako.

Ilang saglit lang ay bumukas na ang pinto ng auditorium, hudyat nang pagdating nya, kasabay nito ang pagbukas ng ilaw sa buong paligid at ang pagtugtog ng banda.

Huminga ako ng malalim at...

Maybe I annoy you, with my choices. But you annoy me sometimes too with your voice. But that ain't enough for me to move out and move on, I'm just gonna love you like the only man I love.

Nakita ko sya, gulat, tulala habang nakangiting nakatingin sakin, yung ngiting nakakapag pakilig sa bawat babae, yung ngiting nagsasabing sakin lang sya. Ngumiti ako pabalik sa kanya, isa isa namang lumapit ang mga kaklase ko para ibigay ang mga sulat na ginawa ko magmula nang maging kami. Ipinagpatuloy ko ang pagkanta habang papalapit sya sa stage.

We don't have to hurry, you can take as long as you want, I'm holding steady in my heart at home, with my hand behind you, I would catch you if you fall. I'm just gonna love you, like the only man I love.

Nakaakyat na sya ng stage at naglalakad patungo sakin. Hindi parin nawawala yung mga ngiti nya, nag uumapaw ang kaligayahan sa puso ko dahil sa mga ngiting iyon.

Muli na sana akong kakanta nang hinawakan nya ang mga kamay ko at inilagay sa pisngi nya.

"Sobrang pinasaya mo ako. Hindi ko akalain na isusurpresa mo ako. Ako dapat ang gumagawa nito. Thank you Ash. Happy Anniversary, I love you." sambit nya at saka ako hinigit papalapit sa kanya upang pagsaluhan ang isang matamis na halik.

"I love you more Trick, happy anniversary." sagot ko sa kanya nang matapos ang halik na iyon. Ngumiti sya, and I swear, I can't breathe.

Niyakap nya ako at hinagkan ang buhok ko. Narinig kong nagsi-iritan ang mga kaklase ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gallery of Broken HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon