"Ano yan Yel? Bagong fashion?" pansin ni Myka.
"Haha, wag mong sabihing may allergy ka ulit?" tanong naman ni Remonette.
"Huwag niyo na lang ako pansinin." sabi ni Yel.
Tumingin din si Kento sa kanya pero hindi na nagtangkang magtanong pa dahil alam niyang naiinis na ito, samantala pumasok na ang kanilang adviser sa kanilang klase.
"Okay class, uulitin ko yung lesson kahapon ha? May hindi pa ako naituturo kulang kasi yung nasa notes eh... Don't worry mabilis lang ito— oh Guevarra bakit naka-salamin at naka-facemask ka?" tanong nang kanilang adviser kay Yel.
"Sir, allergy po sa bibe." sagot ni Yel.
"Ano? Allergy na naman sa bibe? Bakit mo kasi kinakain iyon?"
"Sir, hindi po siya kinakain at huwag niyo na rin pong alamin pa, hindi naman po ito importante."
"Eh dapat hindi ka na lang pumasok, kung inaatake ka niyan?"
"Okay lang sir, kaya ko naman po eh."
"Patingin nga ng allergy na yan." sabay lumapit kay Yel.
"Hala, sir baka mahawa ka!" kinakabahan na sabi ni Yel.
"Tanggalin mo yan, titingnan ko lang naman eh." pakisuyo ng kanilang adviser
"Sir..."
"Sige na!" pag-pilit ng adviser niya.
Lumingon si Fuma sa kanyang likod kung saan nakaupo si Yel, dahil na-curious ito sa kanya kung bakit ganun ang ugali niya. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at nagulat sa nakita niya.
"Omae wa kuko de onna darou?" (ikaw yung babae sa airport diba?) Sabi ni Fuma sa wikang hapon.
"Sou! Atashi da, doushita no?" (oo ako nga, problema mo?) sagot naman ni Yel sa wikang hapon din.
"Teka nga hindi ko kayo maintindihang dalawa! Mag-tagalog nga kayo!" sabat ng kanilang adviser.
"This girl is the one who insulted me at the airport!" sagot ni Fuma.
"Sir, nabunggo ko lang siya tapos sinigawan niya ako!" sagot din ni Yel.
"She's the one who started it! Hindi niya kasi tinitignan ang dinadaanan niya! Mataku!" sagot ni Fuma.
"Pero Sir, nag-sorry po ako nun kaya lang bigla niya akong sinigawan, umuwi po kasi kaibigan ko dito galing Korea (south) eh marami po siyang dalang gamit kaya ako na po ang mismong lumapit, malay ko bang paparating na siya nun?"
pagpapaliwanag ni Yel. "Kaya ko tinatakpan mukha ko kasi bubungangaan ako niyan!"
Ah so ganon pala ang dahilan. sabi ni Kento sa isip niya.
"Grabe! Edi nagsigawan kayo doon sa airport?!" pag-singit ni Myka.
"So all this time allergic ka sa kanya?" tanong ng kanilang adviser.
"Opo Sir, allergic ako sa duck!" sabi ni Yel.
"Du-duck??" galit na tanong ni Fuma.
"Hoy itigil niyo na iyan! Magtuturo pa ako oh? Mauubos na oras ko sa inyo, kayong dalawa.. umayos kayo ayokong ganyan kayo sa ibang teachers maliwanag ba? Lalo ka na Yel, umayos ka." Sabi ng kanilang adviser.
"Hmm... o-opo..." sabi ni Yel.
Hindi na nagkikibuan ang dalawa para hindi muli mangyari ang world war 3 XD. Kapag inaasar siya ni Fuma, ay umiiwas na si Yel at hindi na lang siya pinapansin. Siyempre sa isang tabi ay nakikita ni Kento sa palaging nag-aasaran itong dalawa na tila bang may LQ sila at para kay Kento ay nakakramdam siya nang selos dito.
(author's note: the meaning of kamen is mask....)
BINABASA MO ANG
Like? or Love?
RandomPrologue: Si Yel ay isang matalino, masipag at makulit na college student, si Kento ay isa namang half Japanese, half Filipino na bestfriend ni Yel, pareho silang nag-aaral sa isang Multimedia College, pareho rin ng kursong kinuha. May secret feeli...