Love Me Again

4.2K 94 14
                                    

"Diane para nga pala sayo oh." Inabot nito saakin ang tatlong pirasong rose. Inabot ko yun, nakita ko namang tuwang tuwa ito, kaya bigla kong hinampas sa braso nito yun.

"You're so cheap talaga! Three roses lang ibibigay mo saakin?! Yuck! Tsaka pwede ba tigilan mo na ako? Hindi ako papatol sa kapwa babae ko!" Sabi ko at inirapan ito.

Matagal na saakin nagpapansin ang butch na si Ashley, o mas kilala sa tawag na Ash.

Nagko-cross dressing na rin ito, at kahit ganun eh napaka-gando. Magandang, gwapo. Bagay kasi rito kahit anumang kasarian.

Siguro isang taon na rin nanliligaw saakin si Ash pero hindi ko siya sinasagot.. hindi ko kasi alam eh.. basta!

Naglalakad ako ngayon papunta sa next class ko.. ng bigla akong harangin ni Ash.

"Ito oh, pinaka mamahal kong Diane, boquet of roses. Siguro naman tatanggapin mo na yan diba?" Sabi nito binibigay nga sa akin ang boquet of roses.

Mabait naman si Ash at kita ko rin na seryoso ito pero hindi ko kasi kayang pumatol sa kapwa kasarian ko.

"Tigilan mo ako pwede?! Tsaka sayo na yang bulaklak mo! Ang cheap mo!" Sabi ko at binangga pa siya sa balikat.

Nakatinggin naman ang ibang estyudante saamin..

--

After a month eh ganun pa rin, nangungulit pa rin si Ash.

Naglalakad ako ngayon papasok sa gate ng school namin, ng biglang may nag-abot saakin ng isang piraso ng pink rose.

"Saan---," hindi na ako nakapagtanong ng biglang tumakbo yung estyudante. Mamaya pa eh may nag-abot na naman saakin hanggang sa dumami na yung hawak hawak ko para na itong boquet.

Nakarating ako sa gym ng school namin. Pilit nila akong inakyat sa stage. Wala naman akong nagawa kundi magpadala na lang.

Ang gusto ko
Ang gusto ko
Gusto ko sanang
Sabihin sa iyo

Napalingon ako sa likod ko, dun nangagaling yung nakanta.

Pero paano
Paano
Pag malapit ka'y
Nauutal ako

Dahan dahan naglalakad ang isang bulto ng tao palapit saakin.

Nahihiya
Tumitiklop
Nawawala bigla ang sasabihin ko

Nang mataman na ng ilaw, ang taong yun eh, nabigla ako..

Ang nakikita ko lang
Ay ang mukha mo
Lahat sa paligid ko
Ay naglalaho

Siguro'y umiibig
Kahit di mo pinapansin
Magtitiis nalang ako
Magbabakasakaling
Ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip

Ikaw lang
Ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo
Sa panaginip ko
Parang ayoko nang magising

Si... si Ash! At may hawak itong malaking teddy bear.

Ayaw ko
Ayaw ko
Ayoko sanang magmukhang t-anga sa'yo

Titig na titig ito saakin habang nakanta.

Pero nalilito
Nalilito
Pag sasabihin ay nagbubuhol ang dila ko

Pagkatapat nito saakin eh nginitian lang ako nito at inabot ang teddy bear. Wala sana akong balak na kunin pero dahil sa mga estyudanteng nanunukso eh tinanggap ko na lang.

Love Me Again (GxG) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon