Multimedia College ang pinasukang school ni Fuma at ang kurso niya ay tungkol sa filming pareho ng kay Yel... pero hindi rin naging madali ang pag-aaral niya dito.
"Ang pinakamataas na score sa inyo ay si Yel... pasado naman ang iba except kay Fuma. Anong nangyari??" announcement ng adviser nila na si Sir Gilbert at nang malaman na lowest si Fuma binalingan niya ito. "Bakit this past few days bumabagsak ka? Kahit sa iba mong subjects?"
Napatingin si Yel kay Fuma at siyempre si Fuma ay hindi nagsasalita lumapit ang adviser nila inuupuan ni Fuma upang kausapin ulit dahil sa tahimik ito.
"Mr. Kikuchi!"
(!) "Eh?"
"Hindi ka ba nakikinig?"
"Ah, a-ano po ulit iyon?"
"Haay.. tinatanong ko kung anong nangyayari sayo bakit bumabagsak ka?"
"Ah..."
"Naku kung ganyan ka nang ganyan... hindi ka makaka-graduate"
Hindi maka-imik si Fuma.
"Mr. Kikuchi, hindi porket sikat ka sa bansa niyo eh papetiks-petiks ka na lang, aba kailangan mo rin mag-aral para makatapos ka. Okay ganito na lang... Ms. Guevarra !"
"Po?" tugon ni Yel.
"Ikaw ang mag-tutor kay Fuma tutal matataas na naman ang mga grades mo."
"Ha? Eh hindi ba alam niyo naman na galit siya sa akin?" reklamo ni Yel.
"Alam ko pero mukhang kailangan niya ng tulong mo, okay lang ba? Uhm simulan mo na lang bukas... pero kung hindi ka pwede maghahanap na lang ako ng iba."
"Ah..." pagdadalawang isip ni Yel at napatingin siya kay Fuma. Anong problema nito?
Mag-gagabi na nang matapos ang kanilang klase naglalakad sa may hallway si Yel, at iniisip ang ginawa niya kanina.
[Yel: Sir.. sige okay lang po sa akin pumapayag na po ako.
Sir Gilbert: Talaga? Salamat naman ang bait mo talaga Yel, basta simulan niyo na lang bukas huh? Aba gusto ko rin naman maging fair sa mga students ko kaya ako nag-insist na maging tutor ka ni Fuma, nag-aalala ako sa batang yun eh oh sige aalis na ako.
Yel: sige po.]
"GUEVARRA !!!!!!!!!!" biglaang pag-tawag ni Fuma kay Yel habang tumatakbo papalapit sa kanya.
"Oh bakit?" tugon ni Yel.
"Tara umpisahan na natin!" sabi ni Fuma.
"Ang alin? Teka-" tanong ni Yel nang bigla siyang hatakin ni Fuma, maya-maya ay napasakay si Yel sa kotse ni Fuma at naguguluhan si Yel sa sinabi ni Fuma kanina.
[Sa kotse ni Fuma na ni-rentahan lang niya...]
"Hoy ikaw?! Anong trip mo?? At saka alin ang u-umpisahan? Ikaw duck-face—''
"Ang pag-tuturo mo sa akin!" sagot ni Fuma.
"Ha? Teka sabi ni sir Gilbert bukas daw eh." pasubali ni Yel.
"Hindi ngayon na." agad ini-start ni Fuma ang kotse niya at pinaandar na.
BINABASA MO ANG
Like? or Love?
RandomPrologue: Si Yel ay isang matalino, masipag at makulit na college student, si Kento ay isa namang half Japanese, half Filipino na bestfriend ni Yel, pareho silang nag-aaral sa isang Multimedia College, pareho rin ng kursong kinuha. May secret feeli...