Fuma's House

12 0 0
                                    


Nakapunta si Yel sa bahay ni Fuma, oo sa bahay mismo ni Fuma na pagpasok pa lang ay magulo ang loob nito at hindi maayos ang mga gamit, meron ding kalat na mga styro at cup noodles.


"Wala ka bang balak maglinis?" tanong ni Yel kay Fuma.


"Wala... tinatamad ako eh! Oh dali turuan mo na ako." sabi ni Fuma.


"Tuturuan kita na ganito kakalat? Kagulo? Baka hindi ako makapag-focus niyan sa pagtuturo sayo maiirita pa ako -_-'' masungit na pagkasabi ni Yel kay Fuma.


"Arte mo naman! Bilis na!" pangungulit ni Fuma.


"Aba't ako pa ang maarte ha? Maka-alis na nga!'' tumayo si Yel pero pinigilan siya ni Fuma.


"Sandali, oh sige ikaw na lang maglinis niyan."


"Ako pa talaga?! Tulungan mo kaya ako, kapag hindi mo ako tinulungan hindi na kita tuturuan." 


"Mendokusai... oo na, oo na! Para matapos na." Pagpayag ni Fuma at nagsimula na silang maglinis.


In-una muna ang kalat sa sahig sunod ay hinugasan ang mga plato at kubyertos sa lababo nang biglang tumunog ang cellphone ni Fuma at sinagot din ito agad.


"Moshi-moshi?... 'kaa-san..." kinakausap ni Fuma ang kanyang ina at habang kausap niya ito ay pinagmamasadan siya ni Yel na para bang gusto magtanong kay Fuma kung ano ba talaga nangyayari sa kanya.


"...wakatta,  jaa" binaba na ang tawag at umupo sa sofa si Fuma na nag-iisip ng malalim, bumuntong hininga ito. "Bibili muna ako ng makakain natin pagbalik ko saka tayo magsimula". Isinara ang pinto pagkatapos niya lumabas.


Pagkabalik ni Fuma ay nagulat siya ng makita niya na ang linis ng paligid, wala ng gaanong kalat. "Aba ayos ha? Human vacuum cleaner ka ba?" tanong ni Fuma kay Yel.


"Kung ganyan ka-linis lagi edi sana naapektuhan din yung ugali mo. Sabi kasi nila kapag marumi at makalat ang loob ng bahay, ganun din daw karumi ang naninirahan doon." Sabi ni Yel.


"Malinis kaya ako! Ikaw nagsisimula ka na naman ha?" -_- 


"Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ha? Teka maiba ako... kumakain ka sa mga fastfood chain no?"


"Oo eh ano naman sayo?" 


"Yung mga kalat mo kasi kanina puro styrofoam at may mga cup noodles din hindi ka ba marunong magluto?" 


"Wala kang paki-alam!" 


"Okay sige last na, anong nangyayari sayo? May problema ba?" 


"Tigil-tigilan mo nga ako sa mga tanong mo! Magsimula na tayo!" sabi ni Fuma at kinuha ang kanyang bag.


"Hindi tayo magsisimula hangga't hindi mo nailalabas iyan! Huwag mong itago ang problema mo, baka sumabog ka lalo na kapag tinuturuan na kita eh iniisip mo iyan."


"Hmph! Eto na.. Ang totoo kaya lang naman ako nandito dahil lumayo ako. Paano kasi si papa at mama laging nag-aaway dahil sa akin, si papa gusto niya itigil ko itong career ko na isang singer sa Japan, pero si mama, okay lang sa kanya dahil sinusuportahan niya ako, ayun nga ang lumalabas tuloy kinukunsinte niya ako, at para tumigil ang pag-aaway nila nagdesisyon akong tapusin ang pag-aaral ko at kapag nakatapos ako ipapakita ko ang diploma ko sa papa ko para sabihin sa kanyang hindi sagabal ang pangarap ko." Pagku-kwento ni Fuma.


"Uhm... okay lang yan kung iyan lang ang gusto mong i-kuwento..."


"Kanina ang tumawag sa akin ay si mama at sabi niya na sinugod si papa sa ospital inatake siya nung nalaman niyang naglayas ako at sabi pinapauwi na ako pero ayoko pa! Hangga't wala pa akong napapatunayan hindi ako uuwi sa Japan! Chikusho!"


"Edi nailabas mo rin mabigat iyan kapag tinatago ang problema"


"...salamat sa pakikinig" naiilang na sabi ni Fuma kay Yel at nagsimula na silang mag-aral at pagkatapos nun ay umuwi na si Yel sa kanila.



(author's note: for Sexy Zone fans.... sorry kung yung attitude ni Fuma eh tsundere... hehehe bale binago ko para kahit papaano mag-match siya kay Yel.

Pero tsundere ba siya? hehehehe hindi ako fan ng SZ but i'm doing this for my friend Mayel Guevarra ^^ SZ fan din siya ^^ the heroine.

Like?  or  Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon