PROLOGUE

3 0 0
                                    


PROLOGUE

Luna's POV

"What is wage garnishment?" tanong ng prof. namin kaya agad kong itinaas ang aking kamay sensyales na gusto kong sumagot.

"Yes miss Cadelle? What's your full name?" tanong ng gwapo naming prof.

"Luna Shella Cadelle prof. So, wage garnishment is a legal procedure in which a person's earnings are required by court order to be withheld by an employer for the payment of a debt such as child support." pagpapaliwanag ko.

"Okay, I'm speechless. " pagbibiro ni sir at tumawa ng bahagya.

"Galing naman niya" narinig kong bulong bulongan ng ibang studyante pero hindi ko sila pinansin at nakinig sa teacher hanggang sa matapos ang klase.

"Bestieee" tawag ng isang hindi ko kilalang babae.

"Hindi mo na ako kilala? Ako 'to si Yva classmate tayo sa highschool." sabi niya at tinabihan ako sa upuan. May kilala akong Yva pero wala syang ibang ginawa noon kun'di mangopya ng walang permisso ko.

"Ahm I'll pay you, pwede mo ko gawan nung pinapagawa ni sir kanina?" yung sa report ba tinutukoy niya?

"Okay, 300" sabi ko sa kanya pero kumunot noo niya.

"Ayaw mo?" actually wala namang ibang gagawa nito para sa kanya kung meron man mas mataas ang singil.

"Discount? Please.. bestie kami naman apat magpapagawa." saad nito, seryoso ba sya gusto nya ba ako magkasakit, bukas na ang deadline at ilang oras yun dapat gawin.

"Okay, 280" sabi ko sa kanya, sayang naman kasi pag inayawan ko pa, kailangan ni mama ng gamot tapos wala pa kaming pang-ulam ngayong gabi, kailangan ko din magpaload for internet, magbayad ng kuryente namin at sa iba pa.

"Hi Luna, ahm...ano kasi, masakit yung kamay ko kaya pwede ba ikaw nalang din gumawa nung sa akin? ginawan mo naman sila, sige na momshie plsss" saad ng bakla kong kaibigan simula pa highschool pero ewan kung sigurado pa ba akong kaibigan ko siya, nung highschool kami malaki utang na loob ko sa kanya kaya hindi ko siya matanggihan pero college na kasi kami.

"Okay." mahinang kong saad

"Thank you momshieee!!" saad niya at umalis na pero ayun pinabuhat ng crush nya ng upuan, masakit daw ang kamay? maliit na bagay.

Hindi ko nalang pinansin at nagheadset, nakinig ng music sa mahinang volume nang marinig ko si Yva na may sinasabi sa mga friends niya, kaya agad ko pinatay ang music.

"Hindi naman siguro tayo maririnig diba? Alam nyo sunod sunodan lang siya sa'kin noong highschool pa kami, pinapakopya pa nga ako, need niya ng pera kaya ganyan" bulong nito.

"Need ba talaga ng pera o ginagastos sa jowa?" saad ng isa.

"Paano yan magkakajowa, lusyang naman?" dagdag pa ng isang madaldal.

"Puro kase aral at trabaho ang ginagawa n'yan kaya lusyang na." segunda ni Yva. Tumungo naman ang mga kaibigan nito bilang pang-sangayon.

Hindi ko na lamang sila pinansin dahil wala akong oras na mag paliwanag pa sa kanila. At isa pa kung mag papaapekto ako sa kanila ako lang ang kawawa, paano ko matutulungan ang pamilya ko kung puro lang pride papairalin ko? Dumiresto na ako sa aking pinagtatrabahun na Coffee shop malapit lang dito sa School kung kaya't marami rin mga students dito lalo na mga law students na nainom dito at nakiki-connect sa internet ng Caffè.

" Oh Luna, Buti dumating ka na at maraming costumer ngayon." saad ni Shaila isa chasier dito sa Caffè.

"Ah Oo. Magpapalit lang ako at tutulungan na kita." hindi ko na hinintay pa sumagot sya, pumasok na ako sa Working Room upang magpalit nang aking suot.

Lumabas na ako ng Room ng matapos ako magpalit at nilapitan si Shaila upang tulungan sya dahil mahaba na ang pila sa kanya.

" Good morning sir, may i know your order?" magalang kong ani sa costumer.

"Yeah, Can I order that Iced coffee and one slice of red velvet cake." agad ko naman tinype ang sinabi nito at kinuha ang order nito.

"175pesos po." saad ko tsaka inabot ang order nito.

"Here and keep the change. " inabot nito ang 200 bill. Nagpasalamat nalang ako at tinanong ang pangalawang costumer.

"Restroom lang ako Shaila." paalam ko dito 'nung wala na costumer. Tumungo lamang ito at nagunat nang braso. Pagpasok ko sa restroom ay biglang nagvirbate ang cellphone ko hudyat na may tumawag. Napakunot noo naman ako dahil tumatawag si Lance ang kapatid ko.

"Hello---"

"Ate! Ate! Si Mama inaatake!" tarantang sagot ni Lance sa akin kaya nataranta rin ako.

Nagmamadali akong lumabas ng restroom at pumunta sa Working Room para kunin ang gamit ko at lumabas na ng Caffè, hindi ko na napansin si Shaila na tinatawag ako.

Pumara agad ako ng Tricycle at sumakay dito.

Pagdating ko sa bahay dali dali akong pumasok at doon ko nakita ang kapatid kung umiiyak at ang nanay kung nakahiga sa sahig.

"A-ate s-si m-mama". hikbi ng kapatid ko. Agad akong lumapit sa kinaroroonan nila.

"Ma, mama! ". Saad ko ng makalapit agad ako sa kanila. "A-ano ba kase ang nangyari lance?". Tanong ko sa aking kapatid.

H-hindi k-ko alam basta ate pagdating ko nakahiga na siya sa sahig hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinawagan kita kaagad".
Mahaba niyang explinasyon.

"A-ano pa ginagawa natin, tumawag ka kaagad ng tricycle para madala natin siya sa hospital! ". Kaya dali-dali naman siyang lumubas para tumawag ng tricyle.

Hanggang marating namin ang hospital at salamat sa diyos kaagad naman nilang inasikaso si mama at dinala sa ICU.

Hindi ako mapakali. Lakad doon, lakad dito ang ginawa ko. Kanina pa kami dito naghihintay sa doctor pero hanggang ngayon wala pa ding lumalabas na doctor.

Lumipas ang ilang oras.

Bigla akong napatayo at hinarap ang doctor na lumabas galing ICU at nasa likod ko naman ang kapatid ko.

"Kaano-ano niyo ang pasyente?". Tanong ng doctor samin.

Agad naman akong sumagot, "kami ho ang anak niya, ako po yung nakakatanda at siya ang bunso". Sabay turo kay lance.

"Okay, I will tell you the truth. Iha, may sakit sa puso ang mama mo at kailangan niyang maoperahan, kailangan mo ng malaking halaga para maoperahan at mailagay natin sa kanya ang isang support device na mag a-assist sa pagdaloy ng dugo galing sa ibabang bahagi ng puso patungo sa buong katawan, ito ay para mabuhay siya". Mahabang saad ng doctor.

Parang gumuho yung mundo ko sa nalaman ko, napaupo nalang ako at humagolgol, "g-gaano k-kalaking pera ang kailangan, doc". Kanda utal-utal kong tanong sa doctor.

"100,000". Direktang sagot ng doctor.

"1-100,000? ". Tanong ko ulit sa doctor at napa tango naman ito.

"Saan ko naman makukuha ang 100,000 na perang yan eh ultimo isang libo wala ako".

Napabuntong hininga nalang ako at nag paalam naman agad ang doctor samin dahil marami pa siyang pasyenteng aasikasohin.

'Jusko saan ko naman kukunin ang 100,000,' bulong ko sa aking isipan at napahagulgol ulit.

Dark before LightWhere stories live. Discover now