Pagkatapos ng kanilang klase ay dumeretso na si Yel sa bahay ni Fuma upang turuan ulit siya kumatok muna siya ngunit walang sumasagot kumakatok ulit siya pero ganoon pa din... hindi na rin nag-atubiling subukang buksan ang pinto dahil na rin sa nangyari dati nung nakita niyang hinimatay si Fuma at baka nangyari ulit iyon. "Bukas na naman?..." sabi ni Yel. Nang ipinihit niya ang doorknob, kaagad siya pumasok at hinanap si Fuma, hindi nagtagal ay nakarinig siya ng boses na sumisigaw at sinundan niya iyon. Yun pala ay nasa kuwarto si Fuma at may kausap ito sa telepono.
"Intindihin niyo naman kailangan ko lang makatapos para hindi na ako pagsabihan ng papa ko na itigil itong carrer ko!" sabi ni Fuma na galit na galit sa wikang hapon.
'Pero nahihirapan din kami dito lalo na't nagkaroon daw tayo ng issue na sabi kaya ka umalis ng Japan ay dahil iniwan mo na ang grupo natin. Pilit namin iniiwasan yan para mawala, pero grabe ang media ayaw kaming tigilan. Hoy! Dosuru? ' sabi ng ka-miyembro niya sa kabilang linya sa wikang hapon rin.
'Akin na nga yan! Isa pa ikaw leader namin dito, anong gagawin namin? '
"Kapag nakatapos na ako... babalik ako diyan at magpapaliwanag ako sa lahat ng sa ganon, maayos ang lahat ng ito. Itinakbo nga papa ko dahil inatake nung nalamang umalis ako, sana intindihan niyo ako, onegai"
'Mataku! Bahala na... jaa'
Binaba na ang telepono at bigla niyang nakita si Yel na nakatayo malapit sa pintuan ng kanyang kwarto. "Kanina ka pa nandyan?" tanong ni Fuma kay Yel.
"Ah hindi naman... si-sige bukas na lang kita tuturuan" sabi ni Yel at kaagad umalis nang bigla naman siyang pinigilan ni Fuma at hinawakan ang kanyang kamay.
"Puwede huwag ka umalis? Gusto ko dito ka muna..." paki-usap ni Fuma kay Yel
"Ha? Eh kasi..." lumingon si Yel at nakita niya ang expression ng mukha ni Fuma, depressed ito. Humigpit pa lalo ang pagkakahawak ni Fuma sa kamay niya.
"Kailangan kita... dito ka muna~" naki-usap ulit si Fuma.
"Oh... si-sige..." sabay silang naupo sa sahig malapit sa kama ni Fuma at sumandal sila doon.
"Pasensiya na sa abala..." nahihiyang sabi ni Fuma.
"Okay lang... sorry din kung nakinig ako ng usapan niyo kanina kasi bukas na naman yung pinto nung sinubukan kong ipihit yung door knob kaya pumasok na ako... baka kasi hinimatay ka na naman kagaya nung isang araw... bakit mo ba hindi nila-lock yung pinto?" sabi ni Yel.
"Eh kasi darating ka, kaya kung sakali mang tulog ako at walang sumasagot mapipilitan kang buksan iyon... at nag-aalala ka pala sa akin ah?"
"Ha-hala? Hindi naman sa ganon uhm... bi-bilang isang kaibigan na-natural lang na mag-alala ako sayo di-" sagot ni Yel na hindi niya namalayang nakatulog na s Fuma sa kanyang balikat. Ilalagay na sana ni Yel si Fuma sa kama nang bigla namang sabihin ni Fuma...
BINABASA MO ANG
Like? or Love?
RastgelePrologue: Si Yel ay isang matalino, masipag at makulit na college student, si Kento ay isa namang half Japanese, half Filipino na bestfriend ni Yel, pareho silang nag-aaral sa isang Multimedia College, pareho rin ng kursong kinuha. May secret feeli...