Xyrine's POV.
Kasalukuyan akong nakatalukbong ng kumot at nag papadyak-padyak. Gusto niyo malaman kung bakit? Ito ang nangyari....
////////////FLASHBACK//////////////
"HUUWWAATTT?!! Ako? Na-reincarnate, pinagloloko mo ba ako? Atsaka ano? Sa villain pa?! Sabihin na nating maganda ako pero di naman ako mukhang masama!" saad ko.
"Ambisyosa." mahinang bulong nito pero narinig ko naman. Tinaasan ko ito ng kilay.
"Bakit? Totoo naman ah?" pagdidispensa ko sa sarili.
"Ano naman konek nu'n?" sabi niya.
Napaisip din ako.
'Oo nga naman, ano nga bang konek nu'n?' isip ko habang kinakamot ko ang tuktok ng ulo ko gamit ang isang daliri.
"Wait, kanino bang katawan toh?" naiinip kong tanong.
Sumeryoso naman siya.
"Promise me first that you won't being OA when I tell you the name." bagot na bagot niyang saad.
"Oo na, sige na kanino ba toh?" naiinip kong saad.
"Lorraine Arc Venessens."
'Lorraine Arc Venessens.'
'Lorraine Arc Venessens.'
'Lorraine Arc Venessens.'
"HUUWHAAAT?!!" sigaw ko at may nakita akong salamin kaya dali-dali ko itong kinuha.
"Whaaaaa!!!!"sigaw ko ng makita yung itsura ko---este yung itsura villain na toh.
"Bakit Penny Wise yung itsura?!" tanong kong natatakot.
"Shit! Stop screaming woman!" saad niya na nakatakip pa ang dalawang palad sa dalawang tenga.
"Teka, Lorraine Arc Venessens? Y-yung.... Yung V-villain?" pagkukumpirma ko.
"Yes." bagot nitong saad habang nakahalukip-kip.
"Y-yung s-sa... Novel?"
"Yes."
"Yung... Y-yung m-masama?"
"Parehas lang yun ng sinabi mo kanina diba?" bored paring saad nito.
"Magka iba yun. English yung isa, tas yung isa naman tagalog." sabi ko at pinalo pa ang balikat niya.
"Ouch!"
"Luh! Arte neto... Mahina lang yun noh! OA mo." saad ko pa.
"Pero, ba't ako? Marami namang iba diyan?" seryoso ko nang tanong.
'Panong seryoso?' sabi pa ng isa kong utak.
Debate na naman this.
'Manahimik ka! Nakikitira ka lang sa utak ko.' sabi pa ng isa kong utak.
Ang weird talaga nuh?
"Bakit hindi ikaw? Eh, ikaw na nga nag sabi na 'Kung may chance lang na baguhin ko ang masaklap mong storya ay iibahin ko ang kapalran mo.' tapos tatanungin mo ako ng tanong na yan?" saad nito na ginaya pa ang boses ko.
"Ehh!!! Lasing naman kasi ako nu'n!"
"Hindi ka na pwedeng mag back out." pinal na saad niya.
"Back forward pwede?"
He glared at me.
"Sabi ko nge eh! Nagbibiro lang... Talaga toh, napaka-seryoso di naman sineryoso." sabi ko pa, kaya sa inis niya may binato siya saakin tas napapikit ako. Pag dilat ko nakahiga na ako sa higaan.
'Alangan naman sa sahig.'
'Manahimik ka'
/////////// END OF FLASHBACK\\\\\\\\\\
BINABASA MO ANG
Reincarnated as the Villain inside the Novel
AventuraA girl named Xyrine will feel Pity for the Villain Lorraine, in so much pity she said something that would change her life and the Villain Lorraine.