Rivals

13 0 0
                                    


Pumasok na si Yel at bigla niyang nakasalubong si Kento.


"Kento!" tawag ni Yel sa kanya, kaya lang hindi sumagot si Kento at tuloy lang ang paglalakad hanggang sa dinaanan lang niya si Yel.


"Teka, hindi mo man lang ako binati ah?!" tampo ni Yel at napatakbo palapit kay Kento .


"Edi... Hi Yel! Okay na?" pagbati ni Kento at tinuloy ulit ang maglakad


"Anong problema? Bakit iniiwasan mo ako? Pagpigil niya kay Kento.


"Baka kasi sabihin ng iba na karibal ako ni Kikuchi sayo" sagot ni Kento.


"Karibal?" tanong ni Yel.


"Ano ba Yel? Huwag ka na magmaang-maangan! Diba may relasyon na kayo nun?"


"HA? WALA KAMING RELASYON!!" pasigaw na sagot ni Yel.


"Haay... may mga nakakakita sayo na madalas kang pumupunta sa bahay niya."


"Tutor niya ako eh?! Grabe naman sino bang nagkalat niyan?"


"Malay ko! Basta kumalat na lang na kayo na at kapag dumikit pa ako sayo, baka sabihin karibal ako ni Kikuchi."


"LOKO YUNG NAGKALAT AH? KUNG SINO MAN YUN, BABALATAN KO MISMO KUKO NIYA!!" galit na sabi ni Yel.


Kainis naunahan ako nung transfer na yun! Sabi ni Kento sa isip niya.


"Uy wag kang maniwala sa mga sinasabi nila!! Walang katotohanan yun at kung sakali mang magkaroon ako ng boyfriend ipapaalam ko sayo agad at sisiguraduhin kong ikaw ang unang makaka-alam." sabi ni Yel.


"Talaga?" 


"Oo pangako, bestfriend kaya kita"


Bestfriend... "sige sabi mo eh"


"At dahil bestfriend kita, babawi ako sayo ngayon!"


"Babawi? Para saan?" tanong ni Kento.


"Eh nawalan ako ng oras sayo eh dahil busy ako sa pagtutor dun kay Fuma, kaya ililibre kita" sagot ni Yel.


"Hoy babae ka kaya ako dapat ang magsabi niyan"


"Babawi nga ako sayo ngayon diba? Kaya ako ang mang-lilibre! Mamaya pagkatapos ng klase"


"Sige na nga" pagpayag ni Kento.


Sa di kalayuan nakita sila ni Fuma at tahimik na umalis ito.


Like?  or  Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon