With her

6 0 0
                                    


-TEXT MESSAGE FROM FUMA- (18)


Nakasulat iyon sa phone ni Yel, tini-text kasi siya ni Fuma kaya lang hindi niya binabasa at nirereply-an, samantala tini-text naman ni Yel si Kento pam-pitong beses na niya, kaya lang hindi nagre-reply si Kento a kanya.


-TEXT MESSAGE FROM YEL- (7)


Tunog ng cellphone ni Kento at nakita niya si Yel ang nagte-text sa kanya pero hindi niya rin ito binabasa. Tila parang gulong silang tatlo at naghahabulan haha si Fuma hinahabol si Yel, si Yel naman hinahabol si Kento XD.... Haay... Buhay parang life XD


Maya maya may nagtext kay Yel ulit pero hindi na ito si Fuma.


"magkita tayo bukas pagkatapos ng klase mo ^^ jaljayo"


Si Erean pala ang nagtext sa kanya.


"Teka bakit kaya?" tanong ni Yel.


Maghahapon na nun nang matapos ang klase ni Yel at agad niyang nakilala ang pigura ng isang ng isang babaeng nakatalikod.


"Erean!" tawag ni Yel.


"Oh Eru!" ganun din si Erean kay Yel.


'Eru' ang tawag ni Erean kay Yel dahil sa Japan ang 'L' sa kanila ay 'R' at dapat nga ay 'Yeru' ang itawag na lang sa kanya kaya lang ang kalalabasan ay 'Yero' na (pinag-gagamitang bubong sa bahay) kaya 'Eru' na lang. ^^


"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ni Yel sa kanya.


"Hindi naman, tara na!" paghila ni Erean kay Yel.


"Teka, saan tayo pupunta?"


"Kakain tayo, ililibre kita nagugutom na kasi ako eh." paanyaya ni Erean.


Pumunta sila sa isang kainang puro seafood na ang tawag ay 'Sea you here'

(author's note: ang galing tatawa na ba?? -_- pshhhhhhhhhhh)


"Seafood akala ko ba nagpapataba ka?" tanong ni Yel kay Erean.


"Oo nga, pero baka magkasakit ako sa puso kapag puro cholesterol ang mga kinakain ko siyempre gusto kong maging healthy ako kahit mataba na ako." sagot ni Erean.


Um-order na sila ng kanilang pagkain at sinimulan na rin nilang kumain.


"Oh.." sabi ni Erean at may iniabot na bagay kay Yel.


"Hala, may kotse ka na?" tanong ni Yel.


"Haha sira! Wala akong kotse pinabibigay nga pala yan ni Fuma sayo." paglinaw ni Erean.


Like?  or  Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon