Bodyguard.
Natutuwa ako habang nire-review ang pictures ko sa Instagram. Si Carlo ang naging photographer ko. Ineedit niya rin muna ang pictures ko bago iyon ipakita sa akin, kapag satisfied ako saka ko iyon inu-upload sa Instagram.
Mula nang magmodel kasi ako, nirecover ko lahat ng social media accounts ko. In-open ko sila ulit. Marami ngang nagme-message sa akin pero hindi ko na nire-replyan. Wala naman akong pakialam sa kanila.
"May lakad ka ngayon?" Tanong niya habang pinupunasan ang buhok niya.
"Oo pero hapon pa," sagot ko.
Ngayon kami magkikita ni Ms. Fritzy. Wala pa akong kasama rito dahil may ginagawa pa raw sa school ang assistant ni Tyra. Hindi ko naman siya kailangan.
"Do you want to come with me?" Tanong niya. "Ihahatid na lang kita mamaya sa lakad mo."
"Edi sana kanina mo pa sinabing isasama mo ako..." Sabi ko.
Nakahilata pa ako sa kama habang siya ay nakaligo at nakabihis na. Naupo siya sa kama saka hinawakan ang braso ko. Hinatak niya ako palapit sa kaniya bago puluputin ang kamay sa bewang ko. Sinubsob niya ang mukha niya sa bandang tiyan ko. Kahit na nakasuot ako ng t-shirt, ramdam ko ang init ng hininga niya roon.
"Hindi pa ako naliligo," sabi ko.
Tinulak ko siya pero mahina iyon... dahil ayaw ko talaga. I want us to stay this way.
Naramdaman ko ang pangsinghot niya sa akin. Nagulat tuloy ako at malakas siyang tinulak. Humalakhak siya sa reaksyon ko. Hinapit niya ulit ang bewang ko saka tumingala sa akin.
"Mabango pa rin naman, babe. Parang hindi ka naman buma-baho," sabi niya sa akin gamit ang mapungay niyang mga mata.
Ngumuso na lang ako.
"Do you want to come with me? You'll get bored here, anyway," sabi niya.
"Maliligo pa ako," sagot ko.
"I'll wait."
Kumalas ako sa pagkakayakap niya. Nilingon niya pa ako habang nakanguso. Umismid ako.
"Maliligo na ako," sabi ko.
Tumango siya saka ako tuluyang pinakawalan. Uminat pa ako ng ilang beses bago ako pumuntang bathroom. Gusto ko pa sanang magbabad sa bathtub na kita ang busy city ng New York pero dahil wala na akong time, nagmadali ako.
Sinuot ko ang bathrobe bago lumabas. Nakalatag na sa kama ang damit na susuotin ko. Saglit ko lang iyong tiningan bago naupo sa harap ng salamin na tapat lang ng kama. Nakaupo roon si Carlo at nakatitig sa akin. Umirap ako.
Binalingan ko siya matapos kong maglagay ng sunscreen sa mukha. Nakatitig pa rin siya sa akin. Nakasalikop ang kamay niya sa isa't isa habang dinidilaan ang labi. Ngumuso ako habang pinagpatuloy ang ginagawa.
Naglalagay ako ng eyeliner nang tumayo siya at tumabi sa akin. Huminto ako sa ginagawa ko saka siya binalingan.
"Layo!" Singhal ko. "I can't focus."
"I'm trying to learn what you're doing, Babe, para next time ako na ang gagawa sa'yo," sabi niya sa akin.
What?
Inirapan ko siya. I tried to shake my both hands dahil bahagya iyong nanginig dahil sa sinabi niya. Ngumuso siya nang balingan ko siyang muli. Tinaas niya ang dalawang kamay niya habang humahalakhak.
"Okay. Lalayo na," tumawa siya habang naglalakad pabalik sa kama.
Ilang segundo akong pumikit para kalmahin ang sarili ko. Dinilat ko ang mga mata ko saka pinagpatuloy ang ginagawa.
BINABASA MO ANG
Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)
RomanceFate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e-nangyari na e. May magagawa pa ba? It is what it is kaya tatanggapin na lang? Para bang kahit anong...