ang buhay Kong kontrolado ni mama
sabi nga ni mama "anak kita, kaya sumunod ka!". kaya ginagawa ko ang lahat kasi ayaw Kong masabihan nya na walang silbi.ayaw Kong sabihin nya na pinagsisihan nya na Hindi nya ako pina-abort.
sa mundong to para akong isang robot dahil sa kontrolado Kong buhay. lahat ng ginagawa ko dapat sang-ayon sa gusto nya, lahat dapat pinagpapa-alam sa kanya.
si mama yung tipo ng tao na gusto lahat nakokontrol nya. kaya nga naging doctor sya kasi sabi nya dalawa lang ang may hawak sa buhay ng tao, ang dyos...at ang mga doktor. ang pagiging doktor daw ang nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan para wakasan o dagdagan pa ang buhay ng isang tao.
si mama yung laging gusto lahat perpekto at planando ayun sa gusto nya. kahit mga maliliit na detalye dapat plantsado. lahat dapat nasa panig nya at kapag sinabi Kong LAHAT pati batas kasama.
si mama yung tipo ng taong kapag kinontra mo pati apo ng mga ka-apo-apohan mo kasama sa paghihiganti nya.
kaya nga bilang anak nya kailangan ko maging sunudsunuran sa kanya kundi lagot ako. kahit minsan Hindi ko sya sinuway kasi takot akong baka igaya nya ako sa mga pasyente nya.
buong buhay ko naging robot nya ako. sya nagkokontrol sa akin. kahit anong desisyon nya dapat Kong gawin at sundin.
para akong isang preso at ang selda ko ay ang bahay na kasama si mama.ako si Mikaela Cuizon ang nag-iisang anak ng taong perpekto sa mata ng mga tao Pero para sa akin isa syang demonyo, sya si DRA. Zamaica Cuizon.
at into ang buhay kong kontrolado ni mama.
BINABASA MO ANG
ang buhay kong kontrolado ni mama
Randompalagi nalang dapat 'ganito' dapat 'ganyan'. kailangan dapat sang-ayon sya. kailangan dapat sumunod sa kanya. at ito ang buhay Kong kontrolado ni mama.