2

1.4K 40 1
                                    

Bobo Pero Hot na Killer si Nday

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 2

Naglalakad ako ngayon dito sa kalsada ng
kamaynilaan.Naghahanap ng trabaho dahil
kailangan ko ng matutuluyan.
Matapos kasi akong kausapin ng mga NBI at
gawing hired killer daw ay pinapunta nila
ako dito sa Maynila.Tatawagan lang daw
kung may misyon na.
Wala akong sabit dito dahil ang DOJ mismo
ang kumausap sa akin.Ako daw talaga ang
pumatay sa mag asawa at lahat ng
ebidensya ay nagtuturo sa
akin.Fingerprints,basta lahat-lahat.
At may mga witness pa na mga pulis pero
malaki daw ang pasasalamat nila dahil most
wanted daw ang mag-asawa at sobrang
dami ng kalaban na mga Drug Lords.Siguro
mga tauhan din ng isang napaka-malaking
sindikato ang apat na pumatay sa mag-
asawa.
Ilang beses na daw nilang hinahanap pero
napaka-dulas nilang mag-asawa dahil pa
iba- iba ng identity at sobrang daming ilegal
na droga ang nakita sa kwarto ng mag-
asawa.Pinagtakpan na din nila ang kaso ko.
Pero talagang pinanindigan ko na HINDI ako
ang pumatay noon kaya pinalaya muna nila
ako. Pero sa kasamaang palad ay nahuli na
naman ako,kaya heto ako ngayon..hired killer
na dahil mga bigatin ang napatay ko DAW.
--------------Flashback------
Yehey!uuwi muna ako sa bahay dahil
pinakawalan na ako ng mga police.Isang
linggo din ako dun sa presinto ha.
Naglalakad ako ngayon pauwi ng bahay
nang may biglang tumigil na itim na van sa
tapat ko.
"Hi miss ganda,sakay na,ihatid kana namin sa
bahay ninyo". nakangising sabi nitong
driver.Hindi ko sila kilala.
"Wag na po kuya,medyo malayo pa po kasi
ang sa amin baka hindi doon ang daan
ninyo."nakakahiya naman.Siguro dayo lang
ang mga ito dito sa aming lugar.Mag-aalas
otso na ng gabi.
"Nako miss okey lang,tara na.Baka wala ng
sasakyan papunta sainyo."Oo nga pala,
hanggang alas otso lang ang last trip
papunta sa amin.Baka hindi ko maabutan sa
terminal.Isa pa, sayang din sa pamasahe
kaya sumakay nalang ako.
"Salamat po kuya ha.Napakabait po ninyo
pero hindi po ito ang tamang daan pauwi sa
amin".nakangiti kong sabi.Si kuya talaga!
halatang baguhan sa lugar namin.Pero hindi
sila tumigil.A,baka may shortcut?bakit hindi
ko alam na may shortcut pala dito sa lugar
namin?Akala ko kabisado ko na talaga ang
daan.Hindi pa pala.
"Hehehe 'wag kang mag-alala miss,dito ang
daan papuntang langit".nakangising sabi ng
nagdadrive.Tumatawa din ang isa niyang
kasama.
Nakakahiya naman sa kanila kaya tumawa din
ako kahit hindi ko alam kung ano ang
tinatawanan namin.Bahala na!ayokong ma
OP.
"Hehehehe si kuya talaga nakakatawa.Gusto
ko ding pumunta sa langit.Sige,dito na tayo
dumaan hehehehe".letse lang!ano ba talaga
ang pinagtatawanan namin?
"Hahaha game pala 'to pare e." Sabi nitong
katabi ko at nilagay ang kamay sa hita
ko.Hala! ang bastos ni kuya kaya tinanggal
ko.
Biglang huminto ang sasakyan nila dito sa
abandunadong lugar na puro kakahuyan ang
nasa paligid.
"Baba!" Utos nitong katabi ko.
Ang driver ay bumaba din at hinila ako para
makalabas.
"Hala kuya, ano po ang gagawin ninyo?"
Dumadagundong ang dibdib ko sa kaba
nang pwersahan nila akong pinababa.
"Kuya ano ba!bitawan n'yo
ako".nagpupumiglas ako pero ang lakas
nila.Nagtatawanan pa.
"Gusto mong pumunta sa langit diba?dito
ang daan,dadalhin ka namin doon.
Bwahahaha" nagtawanan sila.Ang sakit na
ng kamay ko.
"Kuya parang awa mo na po uuwi na po ako
huhuhu."naiiyak na ako.Ang lugar ay medyo
malapit na sa bundok dahil puro
kakahuyan.Maliwanag naman ang buwan
dahil fullmoon kaya maliwanag ko ding
nakikita ang pangit na pagmumukha nitong
dalawa.
"Punyenta!bakit may tae ng kalabaw
dito."nakaapak ang driver kanina ng tae ng
kalabaw kaya nabitawan ako.Ang isa naman
ay kinagat ko din kaya nabitawan din ako.
"Gago!bakit mo binitiwan?habulin
mo!"takbo ako nang takbo.Natatakot na
ako. Para akong nakipaghabulan kay
kamatayan.
Hinahabol nila ako.Iyak ako nang iyak.Bwesit
na buhay 'to! bakit ba lagi nalang kamalasan
ang nangyayari sa akin.Noon nakakita ako ng
pinapatay, ngayon naman ay ako ang
papatayin.
"Saan na ba ang babaeng 'yon".reklamo
nitong katabi ko kanina.Nagkahiwalay kasi
sila ng kasama niya.
"Inday yohooooo lumabas kana,may biyahe
pa tayo papuntang langit." nandito ako sa
isang puno,nagtatago.Malalaki na kasi ang
mga punong- kahoy dito.
"Aray puta!"daing niya na parang
nasasaktan.Sinilip ko siya.Ang paa niya ay
naipit sa parang putikan at nahihirapan
siyang kumawala.
"Lechugas! wag kang lalapit.Gimo tulong!"
Tawag niya sa kasama.Papalapit kasi ang
nagwawalang kalabaw at makikita sa mukha
nito na parang galit na galit.
Diba ang hayop kapag sinasaktan ng amo at
makawala sa tali ay nagwawala?basta
ganon?
"Ungaaaaa." ingay ng kalabaw habang
patakbong papalapit sakanya na nakayuko.
"Aaaaaah araaaaay".nakita kong sinunggaban
siya ng hayop at tinuhog ng matalim na
sungay nito.Lalaki pa naman itong kalabaw
kaya sobrang tulis ng dulo ng sungay niya.
Mula sa tiyan ay lumusot ang sungay niya
hanggang sa likod ng lalaki.
"Aaaaaaah"..namimilipit siya sa sakit at pilit
na inaalis ang natuhog na katawan sa sungay
ng kalabaw pero iniwaksi-waksi siya ng
hayop dahil hindi matanggal sa sungay niya.
Naiiyak ako na naaawa nang makita kong
patuloy siyang iwinawaksi ng kalabaw.Ang
kamay ay nakahawak sa sungay na pilit
tinatanggal ang sarili
pero lalo lang siyang natutuhog.
"Aaaaahh...aaah.. tulong".mahina niyang
sabi.Habang winawaksi ay napapahampas
din ang katawan niya sa mga puno.Umaagos
din ang maraming dugo mula sa sugat niya.
Nawalan na ito ng malay sa lakas ng impak
ng paghampas sa kanya.Nagwawala na kasi
ang hayop.Tumilapon ang katawan niya sa
malayo nang malakas na iniwaksi siya ng
kalabaw tapos mabilis na tumakbo palayo
ang hayop.
Nanginginig ang tuhod ko nang puntahan
siya.Baka kasi buhay pa siya.Kawawa
naman,siguro hindi na babalik ang kalabaw
na nakawala kaya okey lang na lumabas na
ako mula dito sa pinagtataguan ko.
Napatutop ako ng bibig nang makita ang
katawan niya.Wasak ang ulo nito dahil
tumama ito sa napaka malaking
bato.Lumalabas na din ang utak niya.
Sobrang dami din ng dugo na nawala
sakanya dahil sa sugat niya na kagagawan ng
sungay ng kalabaw.
"Sino ka?anong ginawa mo sakanya?bakit
pinatay mo siya dito sa lupain ko?SAGOT!
kapag hindi ka sumagot babarilin
kita!"matigas na sabi ng lalaking nasa likuran
ko.
"Harap sa akin o yang ulo mo rin ang
pasasabugin ko."nanginginig na humarap
ako sakanya.
Nagkagulatan pa kaming dalawa.Siya kasi
ang hepe ng police na humuli sa akin noong
isang araw.
- -------End of flashback-----
Ayun!wanted na naman ako sa kanila pero as
usual, ligtas na naman ako dahil bigtime na
mandurukot daw ang napatay ko na
gumagala sa buong probinsiya at
nangunguha ng mga dalaga para ibenta na
maging prostitute sa Maynila.Ang isa nitong
kasama ay nakatakas, hindi ko daw
napatay.tsk..tsk..tsk...
Nabalitaan ng head ng DOJ ang nangyari
kaya kinausap ako ni sir Winston Guillermo
na pumunta dito sa Maynila.Sila na daw ang
bahala para pagtakpan ang kaso ko.
Hindi raw nila alam kung sino ang
nagbabayad sa akin para pumatay dahil kahit
ano'ng gawin nila ay hindi ako umaamin
pero hindi na raw importante iyon.Paano
ako aamin e hindi nga talaga ako ang
pumatay!
Lintik na buhay 'to!bakit ba ayaw nilang
maniwala sa akin na kalabaw talaga ang may
kasalanan?Ayaw nilang maniwala dahil may
record na ako sa pulisya.Hindi ko rin alam
kung swerte o malas ang nangyayari sa
buhay ko.
Dapat ko bang ikalungkot o ikatuwa ang
mga pangyayari sa akin?ayyy ewan, basta
buhay ako.
"Wanted maid"
Nakita ko sa karatula dito sa labas nitong
maliit na office.
Sa wakas,nakakita na rin ako ng pwedeng
mapapasukan.Napaka swerte ko naman dahil
dito ako ibinaba ng taxi driver.
Hindi ko pa kasi kabisado ang Maynila o mas
tamang sabihin na wala talaga akong alam
kaya sinabi ko na ibaba ako sa lugar na kung
saan,marami ang pwedeng aplayan ng
trabaho.May pera ako dahil binigyan ako ng
mga NBI.Alawans ko daw.
Diba high school grad lang ako?kaya alam
ko na hanggang dito lang talaga si aketch,
pang loob ng bahay.College graduate nga
pahirapan pa na makahanap ng trabaho e
ako pa kaya.
Pumasok na ako sa office para mag apply.

Bobo pero Hot na Killer si IndayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon