Bobo pero Hot na Killer si Ndayby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 21
Andito kami sa mamahaling
restaurant.dinala kasi ako ni jim dito.sabi ko
sa bahay nalang at magpapaluto nalang kami
kina bev ang kaso ay ayaw naman
niya.special daw ang araw ngayon dahil date
namin.hehehe taray ng lola.
"Sige kumain kana sweetheart." tapos
inilagay niya ang isang pang piraso ng
manok sa plato ko.sus napapansin ko na
nagiging super sweet siya sa akin nitong
nakaraang araw.
Si isabel ay hindi na din nagpapakita pa sa
amin.
Siguro sobrang galit na talaga ang bruhang
yon..e hindi ko na problema yon dahil mas
mahal naman ako kesa sakanya.
Ako nga ang pinili ni jim e..for short ako ang
mahal at hindi siya.bwahahaha
"Tama na to sweetheart busog na ako!" sabi
ko.kanina pa kasi ako kain ng kain ang sarap
kasi ng pagkain.dito niya ako dinala sa
restaurant ng mga arabo...
"Ang sarap din pala dito sa arabo
restaurant sir noh!" sabi ko.tuwang tuwa ako
kasi firstime kong makapasok sa mga ganito
ka mamahaling kainan.
"It's arabian restaurant!" sabi niya sa akin.
"Arabo kaya." sabi ko naman.napabuntong
hininga nalang siya.
"Gusto mo ng salad?" tanong niya sa akin.
"Huh?sige favorite ko yon". natutuwang sabi
ko sakanya.sa bundok kasi minsan lang kami
makakain ng salad.sa bahay naman nila ay
minsan lang nakapaghanda sina
bev.nakalimutan ko din kasing magrequest.
Nag order na siya tapos ng dumating ang
order ay binigay niya sa akin ang isang nasa
plato.
"Oh kain kana masarap yan at masustansya
pa". sabay abot sa akin ng mga hilaw na
dahon dahon.
"Ahhh sige lang sweetheart.ang salad
nalang ang hintayin ko". excited na kasi ako
sa salad e.sana naman buko salad ang
inorder niya.masarap yon.
'Ito na nga ang salad." sabi naman
niya..nanlaki ang mga mata ko.saan ba ang
salad dito?e mga pipino kamatis at kung
ano ano pa na mga gulay ang nilagay dito
wala namang gatas.
"Ito ba ang salad?e hilaw na pinakbit ata to
e". reklamo ko naman sabay pout.leche akala
ko talaga salad.sa antique lang ba ang may
ganong salad?e sa iloilo at bacolod pareho
lang kami ng salad a.,yong may cream.bakit
dito sa maynila iba na.ano ba ang tagalog
ng salad ng maintindihan niya.
"Haist sorry.nakalimutan ko.ito kasi ang
salad nila dito.sige ako nalang ang
kakain". sabi niya at nilagyan pa ng lemon
ang mga gulay tapos kinain.hala hindi na ba
niluluto yan?anong akala niya sa akin
kambing?tapos may dahon pa.sarap na
sarap naman siya sa pagkain.
Pagkatapos ng ilang minuto ay masaya na
kaming nag uusap ng kung ano ano.
"Bang!".
"Bang!" Malakas na putok ng baril..
"Shit dapa!"
Agad na tinakpan ni jim ang ulo ko tapos
pinadapa sa sahig.lahat ng tao dito sa
restaurant ay nagkakagulo.
"Waaaah!!!". sigaw ko ng pagkadapa ko ay
nahawakan ng kamay ko ang dugo sa sahig.
Pagtingin ko.nasa tabi ko ang isang lalaki na
duguan at may tama ng baril sa ulo at hindi
na gumagalaw.napatingin ako sa kamay ko
at tulala.
Lahat ng tao ay nagsisigawan na at
natataranta.hindi alam kung saan sila
pupunta.
"Damn!wag kang gumalaw sweetheart.okey
lang yan". nilapitan ako ni jim.natulala parin
ako.sa totoo lang wala akong nararamdaman
e sanay naman ako na may pinapatay sa
harap ko e.
"Hey sweetheart okey kalang?come
here!" nag aalala niyang tanong.hala hindi
pala niya alam na may napatay na ako.ayyy
hindi pala.na marami na ang namatay sa
harap ko.
"Waaahhh patay patay!!" sigaw ko.kunwari
natatakot ako...nakakahiya naman kasi lahat
ng babae dito sa paligid ay natatakot tapos
ako kampante lang?acting acting din pag
may time
"Dugo huhuhu dugo...takot ako sa dugo
huhuhu". arte ko pa.kunwari takot talaga
ako.
"Hey it's okey dont worry okey lang ang
lahat ha.." niyakap niya ako ng sobrang
higpit.sa buong buhay ko ngayon lang ako
nakaramdam ng seguridad.yong may nag
aalaga sayo at may dumadamay kapag
ganitomg sitwasyon.ang sarap pala sa
pakiramdam.
"Excuse me, ano po ba ang nangyari
dito?" dumating na ang mga
police.nyaaaaa..napayuko ako.ito ang mga
pulis na naghuli sa akin noong nakulong ako
dahil may dalawang magnanakaw na
nagpatayan sa harap ko noong pinalayas ako
ni jim sa bahay niya.
"Patay na sya buddy". sabi ng isang police
ng matapos hawakan ang leeg ng lalaking
nakahiga sa sahig.
"Takte siya ang sikat na drug dealer sa
caloocan ah.sino ang pumatay
dito?". tanong ng mga pulis at tumingin pa
sa amin.nagulat siya ng makita ako tapos
napatingin sa kamay ko na may dugo.
"Ahhhh hindi po ako sir.pagkadapa ko ay
nahawakan ko lang po ang dugo niya sa
sahig". napangiwi ako kasi yong mukha nila
ay hindi naniniwala sa akin.
"Costumer lang kami dito mga chief wala
kaming kinalaman dyan.nagulat lang kami
ng biglang may pumutok na baril tapos may
bumulagta sa tabi namin". pagpapaliwanag ni
jim sa mga police habang pinupunasan ang
kamay ko na may bahid ng dugo.
"Okey lang sir.most wanted naman siya
dead or alive salamat na din sa kung sino
man ang pumatay". napasulyap pa sila sa
akin.yong parang sa akin sila nagpapa thank
you.
"Sige mauna na kami.mga chief
nagmamadali pa kami tara na
sweetheart.". sabi ni jim sa akin tapos
sumunod naman ako sakanya.
Nang mapadaan ako sa dalawang police ay
ngumiti pa sila sa akin.
"Good job!" .mahina nilang sabi na ako lang
ang nakarinig.
"Hindi po talaga ako sir!" ..pagpaliwanag ko
porket nandon ako at may namatay e ako na
agad ang pumatay? sumunod na ako kay jim
na nauna ng naglakad palabas.medyo
badtrip ata siya ngayon.
Nasa biyahe na kami pauwi pero hindi parin
siya umiimik at nagdadrive lang.mukhang
may malalim na iniisip.siguro dahil sa
nangyaring aksidente, hindi pa kasi siya
sanay sa mga patayan.e ako expert ng
manood sa mga ganyan laging live pa.
"Ihatid lang kita sweetheart sa bahay.may
pupuntahan lang ako" .nagtagis ang bagang
niya habang nagsasalita kaya tumango tango
nalang ako.
Pagkahatid niya sa akin ay agad siyang
umalis pero hindi sa akin sinabi kung
saan.tamad na din naman akong mag usisa
pa.
"Saan po pupunta si sir jim
maam?". nagtatakang tanong ni beverly sa
akin ng makapasok ako.
"Ahhh ewan may pupuntahan daw.sige bev
dito kalang.maiwan muna kita pagod ako e
gusto kong magpahinga". paalam ko sakanya
tapos umakyat na sa kwarto.
[Jim's Pov]
Pagkatapos kong ihatid si inday ay dali dali
na akong nagdrive paalis ng
bahay.tinatawagan ko si cedrick pero
hanggang ngayon ay hindi parin sinasagot.
Ano ba ang nangyari kanina sa restaurant?
haist,, nakakaasar.magpopropose na sana
ako kay inday tapos nangyari pa ang ganon
nakakabadtrip.panira ng araw.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya
sinagot ko kaagad ito.
"Ohhh anong nangyari don kanina sa
restaurant cedrick?" bungad ko kaagad
sakanya.badtrip na talaga ako e.
"May baril siya pare nakatago sa jacket
niya.nakita ko na nakatutok na sa girlfriend
mo.nang ikinasa na niya hindi na ako
nagdalawang isip na barilin siya" ..sabi ni
cedrick sa kabilang linya.
"Fuck!" napahigpit ang hawak ko sa manibela.
"How come na nanghina at hindi gumana
ang senses mo buddy?ganon kana ba ka
inlove sa hot maid mo?". kahit na nasa
kabilang linya siya ay na iimagine ko ang
panunuya na mukha niya sa akin.
Nasa itaas kasi siya ng katapat na building
ng kinakainan namin kanina,nakabantay lang
sa kung ano man ang pwedeng mangyari.ito
na nga ang sinasabi ko.mas lalong naging
agresibo ang mga kalaban at muntik na si
inday kanina.
"Tsss..thanks." .. sincere sabi ko
sakanya.napabuntong hininga ako.mabuti
nalang pala dahil pinakiusapan ko siya na
bantayan kami kanina.
"No sweat.oh nasaan kana pala?" tanong
niya sa akin.
"Dont worry.on the way na..malapit na ako
dyan sa headquarters.". sabi ko tapos
ibinaba ko na ang tawag at mabilis na
pinahintuturot ang sinasakyan kong sports
car.
BINABASA MO ANG
Bobo pero Hot na Killer si Inday
Misteri / ThrillerBobo pero Hot na Killer si Nday by: sha_sha0808 She's a KILLER. Sa kanya pinapagawa ng mga NBI kapag hindi na kayang hulihin ng goverment. YES! Nakapatay na siya. 'Wag n'yo nang tanungin kung paano? Basta may napatay na siya! PERIOD! Naging matunog...