31

701 29 2
                                    


BOBO PERO HOT NA KILLER SI NDAY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 31

[Inday's Pov]

"Jim?di mo ba talaga ako maalala?" Malungkot na sabi ko habang magkatabi kaming nahihiga dito sa kama.
"Pang ilang beses mo na bang tinatanong yan inday?" Sabay yakap sa akin na halatang inaantok pa.
Magkatabi na naman kami kagabi.basta yon lang nasanay na ata sya at sya na mismo ang kusang pumasok dito sa kwarto ko tapos ayon.alam nyo na,, nag churva churva.di ko na e kwento hahahaha alam nyo na yon..basta naglaro si junior at si little inday hahaha.
"E kasi sweetheart gusto ko lang malaman baka kasi pag gising mo ay maalala mo na ako" araw araw kada umaga ay ganyan ang tinatanong ko sakanya.
"Does it matter?kahit di kita maalala e magkakilala naman tayo ngayon diba?" Siniksik pa niya ang mukha niya sa leeg ko tapos niyakap ako ng mahigpit at hinipo ang tiyan ko na medyo may nakaumbok na.
"Ingatan mo ang baby natin inday ha." Napatingala pa sya sa akin.
"Lagi ko naman syang inaalagaan e.sana ikaw din jim protektahan mo din kami" ano ba yan.gusto ko ng maiyak pero pinipigilan ko lang.mamayang alas otso na kasi ako aalis para sugpuin ang mga walang hiyang terotista na naghasik ng lagim sa bansang pilipinas.gago din to so winston e.anong akala niya sa akin ako si super inday?..na kayang iligtas ang buong sangkatauhan ng Pilipinas???
"Of course lagi ko kayong aalagaan.hey!inday bili tayo ng mga toys at damit ni baby mamaya.". pagtingin ko sakanya ay nakangiti sya pero nakapikit ang mga mata.sana ganito nalang kami palagi.
"Yong pregnant dress ko muna sweetheart". sabi ko sakanya.wala pa kasi akong damit na medyo malaki, lahat ay puro body fit.
"Ayyy oo nga pala.di pa tayo nakabili ng maternity dress mo.hayaan mo bukas pasamahan kita kay bev bumili kayo ng mga gamit mo". gusto ko sanang sabihin sakanya na kung abutan pa ako ng sikat ng araw bukas.baka nga mamaya kasabay ng paglubog ng araw e paglubog din ng katawan ko sa lupa.
Ilang sandali pa ay Nakatulog na sya.ako naman ay pinagmasdan ko lang ang pagmumukha niya.makikita ko pa kaya ang mukhang to?grabe ganito na ako ka seryoso.iba naman pala talaga kapag malapit ka ng mamatay nagiging seryoso ang storya ng buhay mo.nawawala din ang pagiging bobo ko.
Mag aalas siete na.masarap pa din ang tulog ni sweetheart ko kaya dahan dahan ko ng tinanggal ang kamay niya na nakayakap sa tiyan ko.
Nagbihis na ako para pumunta sa address na ibinigay sa akin ni sir winston.isang maong short na puti ang suot ko at black na sleeveless ka terno ng black na shoes.syempre mamatay na din lang naman ako dapat bongga kahit sa outfit ko nalang. pagbaba ko ng hagdan ay nakaupo si isabel at john sa sala.
"Oh saan ka na naman pupunta?" Ayan na naman po ang bodyguard ko.lagi nalang kasi niyang binabantayan ang bawat kilos ko.
"Magpakamatay gusto mong sumama?" Aya ko sakanya.hmmp!mukhang maganda ata ang ideang yan a.isama ko nalang kaya sya?
"Magpakamatay ka mag isa.mabuti nga ng mabawasan ang mga bobo sa mundo" tumayo na ito at naglakad papunta sa kusina.
"Anong gusto mo baby?juice?" Malambing sabi nito kay john.mga traidor talaga.
"Wag na bel,mineral water nalang please". wow as if na ang bait bait ni john.gago din to e.alam naman niyang syota ng pinsan e sinusulot.kung sabagay nagpatira din naman tong bruhang to.
"Sige dyan na kayo alis na ako" baka mamaya malate pa ako e.sabi ni winston na yon eksaktong 8 daw.
"Ingat inday ha.may pagka tanga kapa naman.siguraduhin mong matuloy yang pag suicide mo." sabi nitong bruha.
"Wag kang mag alala ikaw talaga ang unang dadalawin ko pag namatay ako.". lumabas na ako.badtrip ang mga tao e.mamatay na nga ako inunahan pa nila.
Bago ako sumakay sa taxi ay nilingon ko muna ang bahay nina jim.bye!!!sweetheart huhuhu sana makauwi pa ako mamaya ng buhay.
Pagkatapos ng dalawang oras ay nakarating na kami sa isang abandonadong bodega dito sa laguna.malayo din ang mga bahay dito.
"Wala naman atang tao dito maam e" sabi ni kuya.
"Meron po kuya.anong akala mo sa atin hayop?"
Kanina pa ako badtrip kaya si kuya ang napagbuntungan ko.napakamot nalang siya sa ulo.
"Kuya ito po oh.limang libo po yan.sayo na po"
sabay abot ko ng limang libo.
'Huh?naku malaki na po ito maam" ibabalik pa sana niya kaso ay pinigilan ko na.habang nasa biyahe kasi kami ay naikwento niya na nasa hospital ang nanay niya at ooperahan dahil nagka appendicitis.
"Tulong ko nalang po yan sa nanay mo kuya sige salamat po sa paghatid" tapos bumaba na ako.aanhin ko pa ang perang yan e pag namatay ako ay hindi ko naman madadala yon sa langit.
Naglakad na ako papunta sa loob.anong gagawin ko?WALA..bahala na si batman.
"Walang kikilos ng masama" sigaw ko sabay bukas ng pinto.nagulat ang limang tao na nakatayo sa mesa at sa harap nila ang mga tawas o polbo.leche di ko alam ang tawag dito basta ganon. shabu ata to.
"Quien eres tu por que estas aqui"( sino ka bakit ka nandito?)
Sabi ng isang lalaki na naka tshirt na may pangalang colombia.hala taga colombia ba sila?mukhang kano kasi.basta maputi sila.
"Mi????apo ni lolo at lola". sagot ko hala naintindihan ba nila?mukhang naintindihan naman ata nila?
"Yo no selo que estas diciendo?" (Hindi ko alam ang pinagsasabi mo) Nakakunot ang noo na sabi ng isa na naka jacket pa..malamang hindi niya na intindihan ang sinasabi ko.bwesit ang hirap makipag usap sa mga ito.wala bang translator to?mabuti pa sa miss universe may taga translate.
"Haist!!!!!mi??mama papa el bomba sa kama gamit tinidor ug kutsara may abre de lata,la primera la mesa si pedro at pedra hala sige bira dinagyang
por bapor mi amigo la gago el bomba granada sa luneta.patay si erap estrada...". di ko na alam kung ano ang lumalabas sa bibig ko hahaha.total di ko naman sila naintindihan kaya patas lang.
"Crio que ella es una locura" ( tingin ko nababaliw na sya)
Sabi ng isa nilang kasama na may mahabang bigote.leche.!!!hindi ko maintindihan.
"Aba punyeta la deputa kayo gusto nyo bomba o tirador tinidor at imbestigador.tinira ni lolo pwet ng kabayo.nagalit si lola nagpatira sa aso.si lolo soko na si lola ayaw pa.hala sige two rounds pa.uno dos tres kwatro singko sais.tiniro si dies lapid.mi kerida la bamba por ki sige porke sige... Krayola lahat ng colombia nung natalo kayo ni pia wurztbach.". dyan pala na uso ang colombiazoned.naalala ko tuloy sa relasyon namin ni jim.akala ko magpapakasal na kami yon pala aagawin lang ng walang hiyang isabel.
Ayan naiyak na ako.ang sakit e.yong tipong pinaasa ka niya na sabi niya ikaw lang pero magulat kalang e may nauna na pala sayo tapos aagawin niya ang taong mahal na mahal mo.napaupo na ako.sobrang sakit kung kailan kailangan ko si jim ay saka naman wala sya.masakit pala ma colombiazoned huhuhu.paasa ang puta!!!
"Vamos a la matarla( patayin nalang natin sya"). sabi nilang lima tapos lahat sila ay nakatutok ang baril sa akin.
"Waaaa...wag po huhuhu" nakataas ang mga kamay ko habang naglalakad paurong sa kanila.
"Uno!carrera..". ( takbo) sigaw ng isang lalaki.
"Waaahh kuya dos na po ang next nyan alam ko po yan.wow karera?tingin nyo sa akin?kabayo lang kuya?". sabay urong.palapit din kasi sila sa akin..sana pala nagbilang nalang kami nagkakaintindihan pa kami sa numero.ikinasa na nila ang baril nila.ano ba yan.huhuhu lima pa sila tapos ako mag isa lang.
"Bang!". malakas na putok ng baril ang narinig ko kaya natumba ako.
"Bang!" Isang malakas parin na putok ng baril.
"Goodbye jim my sweetheart". bulong ko sa sarili ko.
Pagmulat ko ay dalawang katawan na ang nakabulagta sa harap ko.waaaaa..sa sobrang gulat ko ay natumba lang pala ako..
Ang tatlo ay nagpapanic na at kung saan saan na nakatutok ang baril at nagpapaputok kaya napatakip ako sa tainga ko at sumiksik dito sa wall.
"Salido cobarde"( labas duwag). sigaw ng isa sa pinakamalaki sa kanila..tatlo nalang sila ang nakatayo.patay na ata ang dalawa dahil butas ang ulo ng mga ito.
"Accckkk". napahawak si kuya na may bigote sa leeg ng may nagturok sa kanyang leeg na parang bilog na metal na may sobrang talim sa gilid nito.basta yong parang cd sya na bilog at sa sobrang talim nito ay halos malaglag na ang ulo pero balat nalang ata ang nakasuporta sa ulo niya para hindi malaglag.umaagos din ang dugo galing sa leeg niya.ilang minuto pa ay natumba si na si kuya.
"Lumabas kang hayop ka.magtuos tayong dalawa"
galit na sabi nong isang payat na tahimik lang mula kanina.leche.marunong naman pala magtagalog ang isang to pinahirapan pa ako.
"Takbo inday!!!". narinig kong may sumigaw.familiar ang boses niya pero hindi ko lang alam kung saan ko narinig.
Tumayo ako.oo tatakbo ako.may chance pa na mabuhay ako.
"Tigil!!!" Sigaw ni kuya at may naramdaman akong parang hangin na dumaan sa tainga ko at biglang nabasag ang frame sa pader.hala binaril niya ako.muntik na ako don ah.
"Ugh!!!!!". napalingon ako kay kuya.nakita ko na hawak na niya ang isang kamay na putol na.nakita ko na parang may lumilipad na namang parang cd at bumaon ito sa dibdib ni kuya.tapos sunod sunod na nagliliparan.kahit pilit nilang dalawa na iniiwasan ay natatamaan parin sila.at nahihiwa ang matamaan sa sobrang talim.
"Acckkkk". nang may parang pana ang tumarak sa dibdib nito.
Hindi ko na kayang makita pa ang mga pangyayari kaya mabilis na tumakbo ako palabas habang umiiyak.mga ilang metro na ang layo ko sa bodega.
"Sakay inday!" Utos niya sa akin pero nakatulala lang ako sa lalaking nakasakay sa motorbike..hindi ko kasi makita ang mukha niya dahil naka helmet pero i swear familiar talaga ang tindig niya.
"Fuck!!!bilisan mo o baka gusto mo mapatay tayong dalawa pareho?" Napipikon na sabi niya.mukhang wala naman akong choice dahil narinig ko na may papalapit na sasakyan.
mukhang mga kasama nong taga colombia kaya sumakay na ako.ang bilis ng pagpatakbo niya hanggang tumigil kami sa tapat ng mansion nina jim.
"S-sino ka?" tanong ko ng makababa na ako.
"Pumasok kana inday baka hinahanap kana ni jim". sabay tanggal ng helmet niya.
"C-cedrick?" Gulat na sabi ko.
"Nakita lang kita sa lugar na yon saktong napadaan lang ako.please wag mong ipagsabi ang nangyari kanina lalo na sa mga kasamahan mo". sabay pahinturot na ng motorbike niya.
Bakit andon si cedrick?sya pala ang nagligtas sa akin.alam kaya ni jim?hala baka nbi din siya at alam na niya ang sekreto ko?huhuhu baka isumbong niya ako kay jim.
"Saan ka galing inday?" Hala nagbukas ang gate at ang galit na mukha ni jim ang nakita ko.
"Ah.w-wala nag jogging lang?" Palusot ko...di niya pwedeng malaman ang sekreto ko.baka palayasin niya ako..hindi pwede aagawin ko pa kay isabel ang corona..sya dapat ang ma miss colombia hindi ako

Bobo pero Hot na Killer si IndayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon