BOBO PERO HOT NA KILLER SI NDAYby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 32
"Sige pasok kana sa loob at nextime inday magpaalam ka naman sa akin kung saan ka pupunta okey?" Hindi ko mabasa ang nasa isip niya.wala naman kasing mga letra...hahaha ano ba yan nababaliw na ata ako dahil aa nangyari.last na sana yon dahil ayoko na talaga.bahala na si winston na yon.
"Paano ako magpaalam e tulog kapa." Naglakad na ako papasok.gusto ko munang matulog dahil sobrang pagod ako.
"May pagkain paba sweetheart?" Bigla nalang kasi akong nagutom.
"Meron pa tinirhan kita ipainit mo nalang kay manang. hey..inday ano ba" sabi ni jim.niyakap ko kasi siya bigla.
"Jim huhuhu kala ko di na kita makikita" umiiyak na sabi ko.pagkatapos ng lahat ng hirap na pinagdaanan ko ay hindi ko talaga lubos maisip na makita at mayakap ko pa si sweetheart ko.
"Hush!!tahan na.makakasama sa baby natin yan". naramdaman kong niyakap din niya ako ng sobrang higpit kaya mas lalo akong umiyak.
"S-sorry jim.di ko lang talaga mapigilan e.huhuhu". todo iyak na sabi ko at inaamoy amoy ko pa sya.
Bakit yong ibang buntis ay ayaw ng amoy ng asawa nila pero ako gustong gusto ko talaga yon e.
"Okey lang.basta wag ka ng umiyak at mag isip ng masama ha.alang alang kay baby natin". kumalas siya sa pagkakayakap sa akin tapos pinahidan ang mga luha ko.
"Walang masamang mangyari sayo hanggat nandito ako okey?" Paninigurado niya.wala daw e kanina lang may masama na nga e.muntik na.basta ayoko na talagang maging killer killer na yan.pag naisilang ko si baby ay magpapakulong nalang ako.
"Ehem.!" Napalingon kami.si john lang pala na may bitbit na supot.
"San ka galing john?" Tanong ko.mabait naman si john sa akin mula nong una palang kaso medyo lumayo ang loob ko sakanya mula ng maaksidente kami ni jim.ewan basta ayoko lang talaga ng taong may sekreto.alam ko kasi may sekreto to si john e.di ko lang alam kung ano.
"Sa labas lang.bumili ng mga gamot ni jim". na hindi nakatingin sa akin.ayaw ba niyang mabasa ko ang iniisip niya?..
"Sige insan dalhin mo na yang mga gamot at ilagay sa ref.samahan ko munang kumain si inday". utos ni jim na agad namang sinunod nito.
Naupo na ako dito sa mesa at si jim na mismo ang naghanda ng makakain naming dalawa.sya na din ang nagpainit ng ulam sa microwave.iba talaga pag mayaman.minuto lang ay mainit na agad ang pagkain. samantalang sa amin sa probinsya ay maghanap kapa ng kahoy para may pang gatong,posporo at kung ano ano pa.
"Sweetheart,close ba kayo ni john?". tanong ko sakanya habang kumakain na kami.
"Hmm..di naman.nong bata pa kami ay lagi kaming nag aaway.medyo malayo na din ang loob namin dahil kahit hindi man namin sabihin ay may competition na namamagitan sa amin.pero away magpinsan lang yon.normal lang yon sa magpinsan
.bakit mo natanong inday?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Ahmmm...wala naman" ipinagpatuloy ko na ang pagkain.hindi kaya tama ang hinala ko na may tinatagong kababalaghan si john?
"Ba't gutom na gutom ka?akala ko ba ay kumain kana?" Nagtataka kong tanong.magana kasi ang pagkain nito.naka dalawang platong pagkain na.
"Wala bigla lang akong ginutom" tapos kumuha pa ng kanin.sakto namang pumasok si manang at kumuha ng softdrinks sa ref.
"Para kanino po yan manang?" tanong ko sakanya.hindi naman kasi ito umiinom ng tubig.
"Para kay sir john at maam Isabel".napasimangot ako ng marinig ko ang pangalan ng dalawa.
Pagkatapos naming kumain ay umakyat na si jim sa kwarto niya.ako naman ang naiwan dito para iligpit ang pinagkainan namin.
"Naku mabuti nalang dahil dumating kana.kanina kapa hinihintay ni sir jim" sabi ni bev na kakapasok lang dito sa kusina at may bitbit na pinagkainan.baka nagmerienda ang dalawang ahas sa taas.
"Ganon ba?may importanteng lakad lang kasi ako.nag libot libot lang sa clubhouse.ahm..exercise?" Ano ba yan.lagi nalang exercise hehehe.para makalusot lang.
"Oo kanina pa kami kinukulit ni manang kung saan kana daw at di mapakali.hindi na nga kumain yon e" sumbong ni bev sa akin.sabi ko na nga ba hindi kumain yon e.kaya gutom na gutom.sus kunwari pa ang loko.
"So kinikilig kana niyan?" Tukso sa akin ni bev hahaha kaya bestfriend ko to kasi lukaret din e.
"Ahm,medyo..konti lang" kinikilig na sabi ko.haay salamat naman dahil nakauwi ako at buhay na buhay ako.
"Oyyy bev tapos kana ba?tara nood tayo ng tv". mag aalas dose na kasi.
"Sige tara na". excited na sabi niya.may inaabangan kasi kaming pelikula.buti nalang may cable channel sila.
"Wow inday,three idiots pala ang ipalabas". masayang sabi ni bev ng buksan niya ang tv at pasalampak na nakaupo kami dito sa sala.
.
"Ayyyy baka pangit yan
Taga saudi ba yan?" parang arabo kasi ang mga artista.
"Indian movie yan inday.ang ganda niyan.nakakatawa promise". panghihikayat niya sa akin.ipalipat ko na kasi ang channel dahil hindi ko naman maintindihan.
"Basta maganda yan ha". sabi ko sakanya at hinayaan nalang na manood kami.sa umpisa ay medyo boring pero nong last na ay nakakatawa.
"Hahahahahahaha ang bobo nila.nakakatawa". tawa ako ng tawa.lalo na don sa part na manganganak ang babae.sayang nga e.yong lalaking genius ay kung kelan na discover ang ginawa niya don pa sya nagpakamatay pero ang saya ng tatlong bobo.hahaha
"Oo nga inday.mabuti naman at relate na relate ka sa kanila noh?" Nakatutok parin si bev sa pinapanood.
"Oo naman hahaha.." tawa parin ako ng tawa.maganda pala ang manood ng ganito nakakabobo kasi hindi ko maintindihan kahit may subtitle na english.pero nakakatawa parin.
"Halata nga e.bagay sayo ang mga ganyang pelikula". sabi niya sa akin.oo tama bagay nga sa akin kasi yong mga english e hindi ko naman maintindihan.
"Bev?ano ang meaning ng idiots?" Tanong ko sakanya ng matapos na ang pinapanood namin.bigla syang napatingin sa akin.hindi ko ma explain ang itsura niya.hmmp!!!!may problema ba sya?
"Ayyy teka lang maam ha.punta lang ako sa kusina tulungan ko muna si manang". nagmamadaling umalis na ito at pumunta sa kusina.hala may sakit ba si bev?baka tinatago niya lang kasi ayaw niya akong mag alala.
Dahil wala na din naman akong ginagawa dito sa sala ay aakyat nalang ako sa kwarto at matulog.
Give me some sunshine
Give me some rain
Give me another chance
I wanna grow up again.
Kanta ko habang paakyat sa hagdan.yan kasi ang kanta don sa three idiots..ganon dapat happy lang para pretty si baby.ayyy di ko pa alam kung babae ba to o lalaki.sana babae lang para gawin kong barbie.
tumigil ako sa pagkanta ng makita kong nakaupo ang dalawang ahas sa veranda.isang cobra at isang anaconda at nag uusap pa talaga ha.
Dahan dahan akong lumapit sa kanila ng hindi nila ako napapansin.wala lang trip ko lang gulatin sila.hahaha.
"San kaba galing kanina babe?" Malambing na sabi ni isabel.kita mo may relasyon talaga ang dalawang to.kung hindi matuklaw si jim edi si john.
"Wala naman,bumili lang ng gamot ni jim". naka de kwatro na wika niya habang iniinom ang coke na hawak ng kanang kamay niya.
"Tsss...di naman talaga yan ang gamot ni jim ba't kapa nag effort na bumili?". bigla akong napatigil sa paglapit sa kanila ng marinig ko ang pinag uusapan nila.
"Wag ka na ngang magtanong sumunod ka nalang sa plano". naiiritang sagot ni john.bigla akong kinabahan.
Sabi na nga ba e.sila ang may pakana ng lahat.huhuhu kawawa naman ang sweetheart ko.agad na umalis ako.mahirap na baka mahuli nila ako na nakikinig sa usapan nilang dalawa.
Pagdating ko sa kwarto ay agad na inilocked ko ang pinto.kung mali ang gamot na ibinibigay nila.ibig sabihin ay delikado ang buhay namin ni jim.hindi pwede!!!!
"Ililigtas natin si daddy baby". sabay hawak sa tiyan ko.tama!!!!hinding hindi kami magpapatalo ni baby.babawiin at iligtas namin si jim
BINABASA MO ANG
Bobo pero Hot na Killer si Inday
Misteri / ThrillerBobo pero Hot na Killer si Nday by: sha_sha0808 She's a KILLER. Sa kanya pinapagawa ng mga NBI kapag hindi na kayang hulihin ng goverment. YES! Nakapatay na siya. 'Wag n'yo nang tanungin kung paano? Basta may napatay na siya! PERIOD! Naging matunog...