BOBO PERO HOT NA KILLER SI NDAYby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 37
Flashback
[Jim's Pov]
Kakabalik lang namin dito sa headquarter.
" Oy tol tahimik ka ata?" wika ni cedrick.iniuwi ko na si inday tapos bumalik na ako dito.
"Ha? wala.kinabahan lang ako kay inday akala ko hindi ko na sya makikita". sabi ko.
Umalis na sila para mag meryenda at naiwan akong mag isa dito.actually,kanina ko pa iniisip at binabalikan ang nangyari.bilang agent hindi namin ugali na basta basta nalang umalis sa isang crime scene na hindi iniimbestigahan at alam ni cedrick yon.
pero kanina ay sinabi niya na umalis na kami which is hindi tama na desisyon.isa pa may kumuha ng tracking device ni inday.meaning alam nila na sinusundan namin sya at kami lang ang nakakaalam non maliban nalang sa kung may spy sa loob ng grupo.
Don palang nakahalata na ako. nakumpirma ko ang hinala ko nang makapasok na kami at pasimpleng tinabig ng kasamahan naming police ang bote na may konting laman para mapatay ang isang sigarilyo na umuusok pa.
Alam kong sinadya niya yon para hindi ko makita at malaman na kakaalis lang ng mga nagdukot kay inday sa lugar na yon.
Wag naman sanang tama ang hinala ko.bestfriend ko si cedrick at halos lahat ng problema at sekreto ko ay alam niya.sabay kaming nagtraining bilang cia agent at sya talaga ang ka buddie ko.ang alam ko ay matagal ng patay ang parents niya kaya gusto niyang maging Cia agent.napukaw ang pag mumuni muni ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Oh napatawag ka?". bungad ko.sya ang hinired ko para halughugin ang bahay ng mag asawang pinatay noon.alam kong may hindi pa nakikita ang mga otoridad sa bahay na yon at nandon lang ang hinahanap namin.
"Nakita ko na po ang pinapahanap mong usb at mga documento andito po sa basement na nasa likod ng frame.". sabi ng nag iimbestiga.
"Good!sige pakitago.may kukuha niyan sayo" tapos pinutol ko na ang tawag.hindi ko na kailangan pang sabihin kina cedrick.kailangan kong kumilos ng mag isa at kailangan ko din ng kumpirmasyon sa hinala ko.
-------------------
"Ohhh bat mo tinakpan ang mga cctv mo?" .tanong ni cedrick sa akin.halos lahat kasi ay tinakpan ko kanina bago umalis ng bahay.
"Pupunta kasi ang mag aayos ng kuryente.baka malaman nila na cctv ang mga yon mahirap na.alam mo naman hindi natin kilala ang mga kalaban.pero andon naman sa labas ng bahay ang dalawa nating kasamahan nagbabantay mamaya pag uwi ko ay aayusin ko din.sa labas at sala lang naman ang tinakpan ko". .ang sa taas ng bahay ay hindi ko tinakpan dahil andon ang mga importanteng gamit.
"Sus ayaw mo lang takpan yang nasa kwarto kasi andon si inday mo..hahaha" tukso ni cedrick.
"Ulol".s abay tapon ng throw pillow sakanya.ang totoo ay pupunta si john sa bahay ngayon para maglagay ng isa pang cctv.tinakpan ko para hindi makita ni cedrick dito sa monitor ang pagkabit ni john.kung tama ang hinala ko ay kailangang maghanap din ako ng paraan para malaman ang lahat.sa ngayon ay wala akong ibang mapagkatiwalaan kundi ang pinsan ko dahil kahit mag away man kami.ang pamilya ay pamilya.
"Sige maiwan ko na kayo aayusin ko pa ang gusot sa company ko!" tumayo na ako para pumunta sa opisina.hanggang ngayon ay wala pa rin akong lead sa punot dulo ng lahat.masyadong ng dumadami ang pusher sa Pilipinas at mga kabataang lulong sa droga..ang mahirap ay hindi namin matunton ang pagawaan ng mga ito.
Pagkatapos kong asikasuhin ang lahat ng nasa opisina ko ay umuwi ako sa bahay.
--------
"Tapos kana bang mag impake sweetheart?" .tanong ko sakanya.bukas na kasi ang alis namin papuntang albay dahil nangako ako na magbabakasyon kami don.
"Oo tapos na.ah hehehe ilang brief mo ang dadalhin ko? ".natatawa na nahihiya na tanong niya.
"Bahala ka.pwede namang wala na".. nakangiting sagot ko.gusto kong mapag isa at masolo sya kahit sa kaunting panahon lang ay malayo naman kami sa problema.
"Ahhh sige wag nalang.di na rin ako magdadala ng panty para patas" ...joke din ni inday.pasaway talaga ang babaeng to.
"Jim kuha ako dito ng chiz kerls ha". paalam niya at pumunta sa cabinet.trip niya lang kumain ng mga chichiria.hindi naman siya mahilig pero nitong mga nakaraang araw ay parang natatakam siyang kumain ng kung ano ano.
'Sige ikaw ang bahala.wait lang sagutin ko lang ang tumatawag" .paalam ko at lumabas habang may kausap sa cellphone.
"Oh john napatawag ka?" Lumabas ako dito sa veranda para hindi marinig ni inday.
"Bad news insan,nakita ko sa cctv may pumasok sa bahay nyo at kinalikot ang lahat ng sasakyan mo". pagbabalita ni john na nasa kabilang linya.
"I knew it.sige paki control ng cctv". sabi ko sakanya na ang tinutukoy ko ay ang cctv na nasa headquarter at tinitingnan ni cedrick.
"Okey 15 minutes lang kaya ko." .sagot niya at pinatay ko na ang tawag tapos pumunta sa garahe.halos lahat ng limang sasakyan ko ay wala na ang brake.tsss! gusto talaga nila maka sigurado.
Since limited lang ang time ko ay ang isang sasakyan nalang ang inayos ko,yon ang sasakyan na gagamitin namin bukas at bumalik na sa kwarto ng matapos.sabi ko na nga ba!!!hahanap na sila ng paraan para ma dispatsa kami ni inday pero nagkakamali sila dahil hindi nila makukuha ang usb at lahat ng documents dahil wala na doon sa likod frame kundi nasa kay john na.
Matapos akong ma bwesit kay inday sa katangahan niya ay natulog na kami dahil maaga pa ang biyahe namin bukas pero bago yan ay pina settle ko muna kay john ang lahat ng plano.
Kinaumagahan ay maaga pa akong nagising at naghanda ng breakfast ni inday.mabuti nalang ng tingnan ko sa medicine kit ay may nakalagay na sleeping pills at inilagay ko yon sa gatas na iinumin niya
" Ohhh kumain ka muna bago tayo aalis.medyo mahaba ang biyahe kaya wag kang magpagutom baka mahilo ka sa biyahe" .dala ko ang tray na may pagkain at gatas sa kwarto.tinawagan na din ako ni cedrick na ngayon ay papunta na daw sa antique.
kaya ididispatsa na nila kami dahil makukuha na nila ang kailangan nila.pwes!nagkakamali ito.sinabi ko na sakanya na nahanap ko na ang mga documents na matagal ng tinatago ng mag asawang garcia laban sa mga terorista ng bansa at nandon ang lahat ng pangalan ng mga politiko at mataas na govenment officials na sangkot sa kaso lalo na sa drug trafficking.
ipinasa na rin sa akin ni john ang copy at doon ko na kumpirma na isa nga si cedrick sa kanila.anak sya ng bestfriend ni abdul.
kaya sya pinatraining sa amin ay para mag bantay sa lahat ng galaw ng mga cia agent at gobyerno.sya din ang nagbibigay ng mga info na kinakailangan ng mga terorista.sayang Pilipina pa naman ang nanay nya pero ipinagkanulo niya ang bansang sinilangan ng ina.
patay na ang nanay niya.pinatay din ng tatay niya pagkatapos ipa rape sa mga kasamahang terorista tapos pinalaki pa na maging demonyo si cedrick.tss..!!
"Ayieee ang sweet talaga ng sweetheart ko!". kinikilig na sabi ni inday at naupo na rin sa small table na nasa kwarto namin at kumain kasama ako.
Pagkatapos kumain at magbihis ay bumaba na kami.firstime kasi niyang sumakay sa eroplano kaya sobrang excited siya.nung pagpunta kasi siya dito sa maynila ay nag roro lang si ito.
"Wow maam pasalubong ha" .nakangiting sabi ni bev sa dito.
"Sige bev..hehehe ilang tarsier ba ang gusto mo?" Excited na sabi niya sa katulong na natawa nalang ang babae sakanya.
"Kayo na po ang bahala maam". tinulungan na niya ito sa pagdala ng gamit sa sasakyang gagamitin namin.
"Tara na sweetheart baka malate pa tayo sa flight" ..medyo maganda na ang pakiramdam ko dito dahil nakabawi naman siya sa kabobohan nito bago kami matulog.wag nyo ng itanong kung ano ang kadramahan niya tungkol sa tear here bago kami matulog kagabi mabwesit kalang sa ka cornihan niya.
"Sige bev,manang alis na po kami.kayo na po ang bahala dito ha bye!" .paalam ni inday sa mga katulong...
"Sige po yaya.ingat po kayo dito, tawag nalang po kapag may problema!". .nakangiting sabi ni ko sa kanila.
"Sige hijo wag kayong mag alala kami na ang bahala na bev dito mag enjoy kayo sa bakasyon.oh sya baka malate pa kayo sa flight nyo" .masayang sabi ni yaya.
"Isuot mo at ayusin mo yang seatbelt mo!". paalala ko at tinulungan ko nalang sya sa pag aayos.bago masiguradong maayos ang seatbelt nito ay nagdrive na ako.
Nasa biyahe na kami papuntang airport pero si inday ay inaantok.siguro umeepekto na ang pampatulog na inilagay ko sa gatas niya kanina.
"Dala mo ba ang ID mo sweetheart?". .tanong ko habang nagmamaneho ng sasakyan.
"Oo bakit?" .habang nilalabanan ang antok.ang tagal naman niyang makatulog.
"Good..Kailangan natin yan sa airport mamaya bago tayo sumakay ng eroplano." .nag coconcentrate na ako sa pagdadrive.
"Ahhh ganon ba???kailangan pa pala yon?" napaisip si inday dahil may naalala.
"Jim????yong mga tarsier ba hinanapan din ng ID nong sumakay sa eroplano?. .nagtataka niyang tanong.takte sabi ko na nga ba may naalala namang kabobohan to e..
"DAMN!!!.." galit na sigaw ko.gusto kong magpreno sa minamaneho pero hindi ko matigil ang sasakyan.
"Shiiit!!!!!NOT NOW!!!". nag aalala kong sabi habang inaayos ang airbag ni inday na ngayon ay sobrang inaantok na.
"A-anong nangyayari jim?" .inaantok na tanong niya sa akin.
"H-ha?wala sige matulog kana muna sweetheart.gisingin nalang kita kapag nasa airport na tayo..". .pero lihim akong napamura sa isip ng hindi ko matigil ang minamaneho dahil hindi na gumagana ang brake ng sasakyan kahit anong gawin ko.actually,lahat ng ginagawa ko ay drama lang.i have to act na parang maaksidente talaga kami.kailangan ko sya mapaniwala na may mangyayaring masama sa amin bago pa sya mawalan ng malay.
Nakita ko ang mabilis na van na minamaneho ni john kasama ang mga tauhan niya na makakasalubong namin kaya kunwari wala na akong ibang choice kundi ang iliko ang sasakyan at ibangga sa puno.
"Fuck!!" ..Lihim na nanalangin ako na sana ay okey lang sila lalo na si inday at ang bata na nasa sinapupunan nito dahil malakas ang pakiramdam ko na buntis sya.mahirap na baka kinabahan sya at malaglag ang baby namin.mabuti nalang dahil nawalan na ito ng malay at itinigil ko na ang sasakyan at inilipat sya sa van ni john.
Sumakay uli ako sa sasakyan ko at kumuha ng bwelo.nang tumatakbo na ang sasakyan ay binuksan ko ang pinto at tumalon sa damuhan.dire diretso lang ang sasakyan hanggang sa malakas na bumagsak sa malaking puno".---------END OF FLASHBACK------
BINABASA MO ANG
Bobo pero Hot na Killer si Inday
Mystery / ThrillerBobo pero Hot na Killer si Nday by: sha_sha0808 She's a KILLER. Sa kanya pinapagawa ng mga NBI kapag hindi na kayang hulihin ng goverment. YES! Nakapatay na siya. 'Wag n'yo nang tanungin kung paano? Basta may napatay na siya! PERIOD! Naging matunog...