BOBO PERO HOT NA KILLER SI NDAY
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 40
"Wag kang maingay". nakatakip parin ang kamay niya sa akin para hindi ako makasigaw tapos dinala ako dito sa likod ng itim na kotse.
"Waaaa saan na yon guys?bakit nawala?" Sabi ng limang babae na halatang pagod na pagod sa kakatakbo.siguro dahil sa paghabol sa amin.
"Awww!fuck!" Reklamo ni jim nang kagatin ko ang kamay niya.bwesit kinabahan ako.akala ko kung ano o sino na.
"May pa takip takip kapang nalaman hayop ka!" naiinis na sabi ko sabay hampas sakanya.umalis na din ang mga naghahabol sakanya.
"Tsss.paano panigurado sisigaw ka!" Namumula ang kamay niya na kinagat ko.hmp!buti nga sakanya.
"Dyan kana nga hanapin ko lang si bev". hala nasaan na kaya sila ni manang?baka nawala na ang mga yon.
"Hey!kasama sila ni john.tara na! gusto kitang makausap" sabay hila niya sa akin papunta sa sasakyan namin.
"Hala.kawawa naman sila manang baka hinahanap din tayo.teka saan tayo pupunta?sa bahay nalang tayo mag usap". sumakay na ako nang pagbuksan niya ako ng pinto dito sa frontseat.dito nalang namin hintayin ang mga yon.nakakapagod na din kasi ang maglakad.
"Ayusin mo seatbelt mo baka maaksidente na naman tayo" inayos na din niya ang sakanya at nagdrive.
"Oy,jim naiwan natin sila.balik tayo hoy!" Reklamo ko.
"Magtataxi nalang sila pauwi.please i need to talk to you" sige pa rin ang pagdadrive niya pero makikita ko na andon parin ang pag iingat.
Quite na ako.mahirap na makipag away dito baka mapano si baby.tumigil kami dito sa hotel na sobrang ganda.five star hotel daw to.
Nakasakay na kami dito sa elevator.alam ko na elevator pala ang tawag dito.napanood ko sa tv.sinabi ko kay bev na nakasakay na ako kaya ayon inexplain niya sa akin.
Pagdating sa number two ay may mga sumakay na arabo na may kasamang mga pinay.
"Usog ka dito inday" sabay hila ni jim sa akin para magkasya kami.tss.wala naman akong usog.
"Porya usog!" Sabi ko sa sarili ko.baka sumakit ang tiyan ko at mausog ako ng mga arabo.yong iba nga na oospital pa dahil sa usog diba?.
Pinilit kong sumiksik sa dibdib ni jim para maamoy ang pabango niya pero hindi ko parin kaya leche ang baho baho nila.ang tatangkad pa naman ng mga ito.
Bakit ang iba hindi naman ganito kabaho a.mas mabango pa nga kesa sa akin pero ang mga to parang hindi naligo,ang haba pa ng mga balbas.
"Jim,si baby nababahuan huhuhu". bulong ko sakanya na napayakap pa talaga ako.hindi kaya ng perfume ni jim ang anghit nila.amoy.sibuyas pa.
"Sshh.malapit na tayo" bulong niya pero nasusuka na talaga ako.
"Shukran habibe". ( thank you love). sabi ng isang arabo sa kasama niyang pinay.ano daw?hindi ko maintindihan.kabibe?baka ibinigay na ng babaeng to ang kabibe niya.
"Ahlan wah sahlan". (you're welcome) .sagot naman ng babae na nakangiti.
Sus si allan ata name ng guy?
"Hoy,gurl nagsex kayo?" Bulong ko sa babaeng katabi ko na malagkit ang tingin kay jim.bahagya akong kinurot nitong si jim.
"Ah.hehehe business partner lang namin.may meeting lang kami.". hala deny pa si ate.nagsex kaya.diba kapag hotel e pang sex yon?anong akala niya sa akin inosente na hindi alam ang hotel?
"Ting!" haay salamat 30th floor na kaya dali dali akong lumabas.
"Sweetheart dahan dahan lang.dito tayo". sabi ni jim.tapos binuksan na ang pinto.agad naman akong tumakbo para pumunta sa cr at magsuka.
Paglabas ko ay nakaupo lang si jim at nanonood ng tv.wow!ang ganda naman dito pero mas maganda at mas malaki pa din ang kwarto ni jim.
"Magsesex lang pala tayo dinala mo pa ako dito"
naasar na sabi ko.pwede namang sa bahay lang e.okey na yon.
"Inday gusto talaga kitang makausap ng masinsinan kaya dinala kita dito". pinatay niya ang tv at seryosong nakatingin sa akin sabay senyas na maupo ako sa tabi nito.
"Usap lang?walang sex?ano ba yan.kala ko ba naman magsesex na tayo". nadismaya na sabi ko.nakakadismaya naman talaga.dinala ako sa sosyal na hotel tapos mag uusap lang pala kami.kala ko naman pwede nang mag ingay at sumigaw.ang hot pa naman ni jim ngayon.hehehe.
"Pagkatapos nalang nating mag usap yang sex na yan bago umuwi.". wika niya.tiningnan ko sya kaya nalaman ko na seryoso naman talaga sya.
"Anong pag uusapan natin at dinala mo pa ako dito?" Tanong ko.malamang sobrang importante ito.
"Wag ka ng lumapit pa kay cedrick!". nagtataka ako sa sinabi niya.nagseselos si jim?ayieee.
"Bakit?wag kang mag alala.ikaw lang naman ang love ko e" paninigurado ko sakanya.
"Hindi naman yon sweetheart e.wala akong amnesia.". Sabi ko na nga ba naka alala na ang lokong to e.
"Sinungaling!" nakakaasar.
niloloko lang niya ako.nagmukha tuloy akong tanga.
"Makinig ka muna.isa akong cia agent kasama ko si cedrick pero hindi ko naman inisip na tatraidurin niya ako.sya din ang nagtangkang patayin tayo pero nalaman ko yon kaya sinakyan ko nalang ang plano niya at nagkunwaring may amnesia ako". napakunot lang ang noo ko.hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero isa lang ang tumatak sa isip ko.TRAIDOR daw si cedrick at gusto niyang patayin kami.
"Oh tapos?". sabi ko nalang.gusto kong malaman kung ano pa ang sasabihin niya dahil may gumugulo talaga sa utak ko e.
"Yon nga dahil cia agent kami ay pinoprotektahan ka namin dahil ikaw ang nag iisang witness sa pagpatay sa mag asawa sa antique noon.hindi totoong head ng nbi si winston ".pagpaliwanag niya.
Inisa isa niya sa akin ang lahat ng pag explain at nalaman ko na lahat pala ay planado.si john din pala ang tumulong sa akin noon sa bodega.nakakalungkot lang dahil wala naman akong kasalanan sa kanila pero gusto parin nila akong patayin.sana nakiusap nalang sila sa akin na wag magsumbong e okey na yon.
"Patay naman yong lima diba?pwede bang tama na?ayoko na e.tulungan mo nalang ako jim ayoko na talaga ng ganong buhay.huhuhu" naiiyak na sabi ko.wala na akong kalayaan na gumala sa kung saan.pakiramdam ko para akong isang daga na na corder at wala ng matatakbuhan pa.
"Hindi pwede inday.alam na nila at hindi sila pwedeng matahimik hanggat buhay kapa dahil ang mga kasamahan nila ay pinatay mo din.gaganti at gaganti sila sayo.isa pa alam nilang girlfriend na kita" paliwanag na naman niya sa akin.e ano naman kung girlfriend niya ako.
"Girlfriend mo lang naman ako kasi kailangan lagi mo akong kasama para bantayan e.may dipa sex sex kapa bantay salakay ka din e" nakaka sama ng loob.matapos niya akong masisid at makuha ang perlas sa pinaka ilalim ay saka ko malaman na hindi naman talaga niya ako mahal.
"Tsss.mahal kaya kita.ang dami namang babae dyan pero ikaw lang ang papakasalan ko.ikaw lang ang binuntis ko.kahit si isabel at karen nga ay hindi ko binuntis noon" aba palusot pa ang isang to.e katawan ko lang naman ang habol niya.
"Ahm jim?pwedeng magtanong?" nahihiyang sabi ko kanina ko pa gustong itanong to kaso nahihiya na naman ako.
"Ano yon?" Curious na nabaliktanong niya.
"Ahmmm..hehehe ano yong cia agent?" Hindi ko kasi alam yon e.kanina ko pa iniisip kung ano yon.di naman ako makasingit dahil ang haba ng kwento niya.
"Haist!basta yong kagaya sa police at nbi.ganon!nextime ko nalang e explain baka mapansin nilang matagal tayong nawala" tinatamad na sabi niya.hmmp!si bev nalang tatanungin ko.ayy di pala pwedeng ipagsabi.
"Jim?pwede lumayo nalang tayo?hayaan nalang natin.isumbong nalang natin sila sa NPA para mas maayos ang lahat.".s uggestion ko.ayokong lumaki ang baby namin sa ganito ka gulo na buhay.as in ayoko talaga.
"Baka sa PNP ang tinutukoy mo". sabi niya.
" mas malakas ang NPA sa PNP.yon police lang e ang NPA kahit baguhan lang e Army na ang mga yon.". .wika ko.
"Oo nalang!" -jim.
"Pero seryoso sweetheart alis nalang tayo dito.uwi nalang tayo sa amin.kalimutan nalang natin to jim please huhuhu ang tindi na nang mga pinagdaanan ko.magtatanim nalang tayo ng kamote at saging sa bundok huhuhu". umiyak na naman ako.napapagod na talaga ako.kahit sa bundok nalang kami ni jim okey lang sanay naman ako pero gusto ko na talagang manahimik.yong tipong naglalakad ka na walang kinakatakutan at walang pinagtataguan.
"NO.i'm sorry sweetheart pero hindi talaga pwede sa ngayon". pagmamatigas niya.
"Ganon na ba ka importante yon jim?may batas tayo.hayaan na natin na sila ang bahala sa mga masasama pero jim naman huhuhu magkaka baby na tayo.please umalis na tayo dito huhuhu". todo iyak ko.tahimik lang sya na nakayuko.
"Gusto ko din pero kahit ang batas ngayon ay hindi na mapagkatiwalaan.God knows sweetheart na gusto kitang itakas.gusto kong mamuhay ng payapa kasama ka,kasama ang magiging anak natin pero hindi pwede hanggat hindi nila pinagbayaran ang kahayupang ginawa nila sa mag asawa noon."
nakatagis na ang mga bagang niya at nakita kong naikuyom niya ang nanginginig na mga kamao nito para pigilan ang galit.
"Bakit jim?patay na silang mag asawa at wala ka ng magagawa pa para ibalik ang buhay nila.ganon na ba ka importante ang paghiganti mo kesa sa aming mag ina mo?." Nakakalungkot isipin na mas gusto niyang unahin ang bansa at paghigante kesa sa amin ng anak niya.alam ko namang may pinagsamahan sila ng kanyang boss pero hindi naman tama na unahin pa niya yon.
"D-dahil..." .napayuko siya.hindi ko alam kung ano ang nangyari pero pansin ko ay umiiyak ba sya?
"Dahil ano jim?" Pagpupumilit ko.
"DAHIL MGA MAGULANG KO SILA.". sigaw niya sa akin at napahilamos sa mukha.ngayon ko lang nakitang umiyak ito at sobrang hinang hina na parang isang bata na walang nagpapatahan sa kanya.
"Ang mag asawa na walang awang pinatay sa harap mo ay ang mga magulang ko inday" mahina niyang sabi habang nakayuko at patuloy lang sa pag iyak
BINABASA MO ANG
Bobo pero Hot na Killer si Inday
Mystery / ThrillerBobo pero Hot na Killer si Nday by: sha_sha0808 She's a KILLER. Sa kanya pinapagawa ng mga NBI kapag hindi na kayang hulihin ng goverment. YES! Nakapatay na siya. 'Wag n'yo nang tanungin kung paano? Basta may napatay na siya! PERIOD! Naging matunog...