Mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko habang hinahanap ang limang taong gulang kong anak na si Levi. Sinasabi ko na nga ba. Hindi talaga magandang ideya na sinama ko pa siya rito sa grocery.
"Levi!" Tawag ko sa kanya. "Isa! Nagtatago ka nanaman!"
Makulit ang batang 'yon lalo na kapag nakalabas ng bahay. Kung saan-saan napapadpad at kung saan-saan ko rin hinahanap. Maging ang Lola Soler niya ay tinatakasan niya rin kapag malingat lang siya saglit. Mabuti nalang at pasensyosa si Mama.
"Levi!" Sa wakas, nakita ko na siya. Nasa section siya ng mga sabon. Nilapitan ko siya at umupo para magkapantay kami. "Ano ka ba namang bata ka?! Sa susunod, huwag kang basta-basta nalang tatakbo papunta sa kung saan!"
Napanguso siya habang ang mga mata niya'y unti-unti nang nagtutubig. "Shh, 'di galit si Mama. I'm here, baby. Hindi ako galit."
Hinagod ko ang likod niya dahil nagsimula na siyang umiyak. Namumula na rin ang cute niyang ilong. "Ga... Galit si Mama!"
Bubuhatin ko na sana siya nang bigla nanaman siyang tumakbo. Napabuga ako ng hangin bago mabilis na naglakad para sundan siya. Puro sorry na ang lumalabas sa bibig ko sa tuwing may nababangga.
"Ma'am, may hinahanap po kayo?" Tanong ng saleslady.
"Ah, oo. Hinahanap ko ang anak ko. May napansin ka bang batang lalaki na matambok ang mga pisngi tapos medyo chubby?"
Nanlaki ang mga mata niya na tila may naalala. "Opo! Mukhang nasa kabila po ang anak niyo. Sa may mga beverages po."
Ngumiti ako sa kanya. "Salamat."
Naglakad ako papunta sa kabilang section. Totoo nga ang sabi ng saleslady dahil nakita ko agad ang anak ko. Puno ng kuryosidad ang mga bilugin niyang mga mata habang nakatingin sa iba't ibang klase ng inumin.
"Levi!" Niyakap ko siya at binuhat. "Mommy is worried. I'm not angry, okay?" Hinaplos-haplos ko ang buhok niya. Napangiti naman ako nang yakapin niya ako pabalik. Ganito siya kapag hindi na siya nagtatampo.
Karga-karga ko siya habang naglalakad papunta sa section kung saan ko naiwan ang basket. Mahina akong natawa nang madinig ang hilik niya. Paniguradong napagod sa kakatakbo ang batang 'to. Kanina pang umaga takbo nang takbo sa bahay. Parang araw-araw may triathlon na nagaganap.
"Uh, yes. Sure, I'll be there."
Nagpantig ang tenga ko dahil sa pamilyar na boses na iyon. Ipinilig ko ang ulo para 'di mag-isip ng mga imposibleng bagay.
Gamit ang kaliwang kamay ay kinuha ko ang basket at bumalik sa pamimili ng mga kailangan sa bahay. Pagkatapos nito ay kailangan ko pang magpahinga dahil mamayang alas sais ng gabi ang trabaho ko sa call center.
Pilit kong inabot ang kahon ng gatas para ilagay sana sa basket. Sa 'di inaasahang pangyayari, nahulog ito. Ngunit, ang ipinagtaka ko ay hindi ito nahulog sa sahig.
Dahil may sumalo pala nito.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino. Daig ko pa ang nakakita ng multo. Multo sa nakaraan ko.
Ang gwapo niyang mukha ay nabahiran ng poot nang makita ako. Siniyasat ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Grabe, ang laki ng ipinagbago niya. Nakapag-California lang tapos ganito na siya. Mas naging hunk na. Halatang bugbog sarado ang katawan dahil sa gym. Kulay ginto na ang buhok niya na dati'y sindilim ng gabi. Puting long sleeve ang suot niya na naka-insert sa itim niyang slacks. Makintab din ang suot niyang itim na sapatos at pati na rin ang rolex niyang suot.
He's undeniably gorgeous.
"Are you done?"
Napalunok ako bago hinablot sa kanya ang karton ng gatas na hawak niya. Padabog ko itong nilagay sa basket. Ni hindi ko siya tinapunan ng tingin. Che, bahala siya!
Lalampasan ko na sana siya nang bigla siya magsalita ulit. "Anak mo?"
Anak natin, gago.
"Oo, anak ko." Walang kaemo-emosyon kong sagot sa kanya.
Ang mga mata niya'y titig na titig kay Levi. Hindi ko mabasa kung anong emosyon ang bumabalatay sa sindilim ng gabi niyang mga mata. At kung ano man iyon ay wala na akong pakialam pa. "So, nagkaanak ka nga. Who's the father of that child?"
Ba't ba siya tanong ng tanong?!
Nanatili akong kalmado kahit gusto ko na siyang sapakin. "Wala kang pakialam."
Saglit siyang natigilan sa naging sagot ko bago dahan-dahang tumango. Parang may napagtanto siya na kung ano. "Yeah, you're right. I do not care."
Kumurap-kurap ako. Pakiramdam ko parang nagtutubig na ang mga mata ko ngayon. Sa pagkakataong 'to, ako naman ang nagsalita. "Congratulations nga pala. Ikakasal ka na, Vin."
Mahina siyang tumawa. "Thanks. You know what? You should come. Maureen would love to see you."
Nang-iinsulto ba siya?!
Kiming akong ngumiti habang ang mga kamay ko ay kinakalikot ang mga nakikita kong ibang mga kahon ng gatas. "Naku, huwag na. Busy ako e. Sana maging masaya nalang ang kasalan niyo." At maging masaya ka rin sa kanya.
"Of course, it will be happy. I will be happy with Maureen. Hindi siya kagaya ng iba riyan na manloloko at pinagpalit ako sa iba." Galit ang tono niya sa huling sinabi.
Napatigagal ako. Humigpit ang hawak ko sa basket. Tinalikuran ko nalang siya dahil pakiramdam ko parang malalagutan ako ng hininga sa mga sinabi niya at sa mga sasabihin pa niya kung sakali. Naaawa ako sa anak ko. Wala siyang kamalay-malay na narito ang totoo niyang tatay.
"Good for you, Vin..."
"Yeah, good for me. I hope she's not a cheater like you, Letisha."
Pilit akong ngumiti. "Oo nga, sana hindi. Sana hindi siya manloloko kagaya ko." Tinalikuran ko na siya at naglakad na papalayo.
At sana hindi rin siya kagaya mo, na mas piniling talikuran ako imbes pakinggan ang mga paliwanag ko noon.
Okay lang sa akin na ako ang magmukhang manloloko, na ako ang magmukhang masama. Dahil kahit malaman niya pa ang totoo ay hindi na magbabago ang lahat.
Congratulations ulit, Vin...
BINABASA MO ANG
PLAYING WITH FIRE (LUCERO BOYS SERIES #1)
RomansaIt was all fuck and games not until you fall in love... LUCERO BOYS SERIES #1