Woot!! Yen Nga poh pala ^____^
Therese Rienne Ventura. Yen For short. Ewan ko ba sa nanay ko, Ang haba ng ipinangalan sakin, Ayan tuloy, nahihirapan akong isulat ang pangalan ko pag may NAT, o Entrance exam, Di na naawa sakin.
3rd year high school na ako, NBSB ako, Hihihi :D Hinahanap ko kasi si Mr Right.
Tapos nakita kong dumaan si Mr Right sa harapan ko, ay este Yung crush ko. Kyaaaaah!!!
-___- ayan na, kinalabit na ako ng dalawang ungas kong bestfriend.
Uy yen, Si Mr Right mo- Dannah
Si dannah nga pala, ang di mawalan walan ng crush. Siguro, Lahat ng lalakeng makita niya, Crush niya eh. Except lang sa pangit, Yung medyo di biniyayaan ng itsura, Hahahaha, Ang bad ko.
Humalumbaba ako habang tinitignan na dumadaan si Ash. Oo Ash yung nickname niya, Parang abo, Pero siya ang pinaka gwapong abo. Yiiieee!!! Jo-Ash ang pangalan niya, Ang apilyido? Malay ko. Di naman ako desperada para Alamin lahat ng impormasyon, Sapat na yung Makita ko lang siya.
Mr. Right tawag ko sa kanya. Wala lang, Feel ko lang. Hahaha.
Oo nga Dannah, Mr right na mr right ang dating, Makalaglag panty- Sabi ko naman kay dannah
O.O ganito naman ang mukha ni dannah at Eloisa, Ang isa ko pang bestfriend.
Bes, Di ba pwedeng panga muna bago panti? Agad2 ka naman bes- Eloisa.
Oo nga Yen, Tiyaka, bat mo nga ba tinatawag na mr right si gwapong abo? bakit? Ms right ka ba? Sige nga, Mukha ka ngang kaliwa eh- Dannah
Gaga talaga tong si Dannah. May topak palagi, Palagi kasi kameng binabara ni eloisa.
Gwapong abo tawag ng mga kababaihan kay ash, eh kasi naman eh, Ang kyot kyot niya, Ang gwapsy gwapsy niya. Nasayo na ang lahat.
Tinapos ko na ang kahibangan ko kasi nakalagpas na si mr right.
Tiyaka nasa practice kame, Mag Fifield demo kame Sa susunod na buwan, Kaya puspusan na ang practice dahil Competition yun.
Nagpapahinga lang kame at nakaupo sa bleachers.
Kukunin ko pa sana Towel ko, Pawisin kasi talaga ako. Pero di ko mahanap towel ko. San ba yun? Sa bulsa ko lang yun inipit.
Ay nakakainis. Tumayo na ako para hanapin si mr right, ay este yung bwisit na towel na nawawala, Hello? Isang balde na yung pawis ko dito, magpakita ka na, kung hindi, Iiwan kita dito.
Pumunta ako sa lagayan ng mga bag, Baka kasi naiwan ko lang.
Ano bang hinahanap mo? - Dannah
O.o
Pinasama ko ba siya? Hahaha.
Yung towel ko nawawala- Ako
Tapos hinanap ko na sa bag ko.
Kinakalabit ako ni dannah.
Dannah, maya na, Yung towel ko nawawala, naliligo na ako sa pawis oh, - Sabi ko habang Hinahanap pa rin towel ko.