Chapter 32

121 7 1
                                    

"Get him out of there!"

"He's insisting, Dad. He doesn't even want to see me, even Mom." Michael's voice, informing his father about Liam's decision. "His life at jail is in danger. He got stabbed by inmates.."

"Let him suffer then.."

"Dad.."

"His desire is to make his life miserable... Then let him.."

"But he's in danger there.."

"Can you convince him to get out of that jail?"

"No." napapayuko habang umiiling na tugon ni Michael sa kanyang ama..

Wala nang magawa ang doktor na anak ng mga Devilla kundi tanggapin nalang ang desisyon ng kapatid at kanyang ama..

He really want his brother to be free from that jail. Ngunit si Liam ay mas ninais pang mahirapan lalo ang sariling buhay kesa ang maging malaya.

Si Liam na ngayon ay walang malay dahil sa mga sugat na natamo mula sa mga bilanggo.. Ang hitsura ay kaawa-awa at tila ba hindi na makilala pa dahil sa sugat sa mukha.. Ang saksak na tinamo ay natatakpan na ng kulay puting band aid, at ang mga mata ay isang araw nang hindi nakamulat...

Can you Imagine yourself in his situation? What would you do if you were in his position?
Nawalan nang minamahal sa buhay, nakaranas pa ng hindi inaasahang trato ng ibang tao, nagulpi, nasaktan, pisikal at emosyonal na apektado, kakayanin mo kaya? Gaganahan kapa bang mabuhay? O hahayaan mo nalang mapariwa ang iyong buhay???



PRESENT TIME. Ako si Michael Devilla.. 36 anyos nang may ikinukubli sa totoo kong pagkatao..

Mahabang kwento pero may reason ang bagay na yan, hindi ko ginusto pero nangyari nalang.. Nakakatawa pero totoo.. Ganoon nga siguro ang takbo ng buhay, kung anong hindi mo inaasahang mangyari ay bigla mo nalang mararanasan..

Ang tadhana sa pagitan ng kapatid ko at ng babaeng nag-iisang minahal niya ng sobra ay nakakalungkot pakinggan. Sobrang nakakalungkot na tipong mararamdaman mo lahat ng nararamdaman ni Liam.

Ang pagkamatay ni Monique ay hindi biro ang dinala sa pamilya ko, maging si Mom ay muntikan nang mawalan ng pag asang mabuhay..

I know it sounds immature, but you can't blame them nor me, cause I felt the same way as what they've felt..

Monique brought color into our life, siya ang rason kung bakit nabuhay muli ang boring na tahanan namin noon, siya ang rason kung bakit pinag igihan ni Liam na mag aral ng mabuti.

Subalit matapos mangyari ang kinatatakutan namin ay sobrang laki ng pinagbago ng kapatid ko, hindi siya nakapagtapos ng pag aaral sa taong dapat na inaasahan niya dahil ang aksidenteng nangyari noon ay pinagbayaran niya ng husto.. Ginusto ko mang hindi niya maranasan 'yon subalit siya mismong sarili niya ang tumatanggi sa tulong na nilalahad namin ni Dad.

Si Mom naman ay walang araw na hindi sinisi ang sarili dahil sa nangyari kay Liam, paulit ulit niyang sinasabi na dapat hindi niya binanggit ang bagay na yun habang nagmamaneho si Liam..

Si Miguel ang batang lalaki na napahamak nang dahil kay Liam.. Mas pinili naming manahimik nalang dahil batid naming hindi makakatulong kay Liam kung sasabihin namin sa kanya iyong nangyari kay Miguel na hindi niya alam..

Kalahating taon nang wala si Liam sa kompanya nila Dad, ni hindi kona inusisa kung sino ang pumalit kay Liam dahil hindi ko na field ang bagay na 'yon, at isa pa ay abala ako masyado sa pagiging doktor para alamin ang bagay na yon..

Love after DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon