"Miss Zervania, are you listening?" My ceramics Professor knocked me off from my lost of thoughts. Nagpapa-recitation kasi siya. I know she asked me a question. Pero lumilipad talaga ang utak ko.Ang dami kong dues na projects, activities and hindi pa ako nakakahanap ng model para sa finals namin kay Professor Verajuela.
Tapos eto ako. Gusto nalang maging puno para kahit papaano may ambag ako sa ecosystem.
Masyadong ginugulo ng kapatid ni Aspen ang limited kong utak. Hindi na nga ako matalino, dumadagdag pa sya sa ikukulubot ng utak ko, kung meron mang ganon.
Hay nako ka Ma'am, popompyangin kita eh.
Ilang araw na akong puyat sa mga bagay na hindi naman school works. Puro 'Alessia' lang!
Alessia
Razielle Alessia
Razielle Alessia Verajuela
"ARGHHHH, pisti!" Di ko na napigilang sumigaw at hampasin ang desk ko. Weirdo naman akong tiningnan ng mga kaklase ko at ng dalawa kong kaibigan.
"Miss Zervania! Detention! Now!" My goodness. Third year na ako, made-detention pa ko. Hayop na yan.
Di ko na nga nasagot si Ma'am ceramics kanina sa tanong nya, tapos kung ano pang eskandalo ang ginawa ko sa classroom kanina.
Dahil lang naman iyon sa iisang tao! Sheeeesh. Pang-gulo siya sa tahimik kong mundo! Naglakad nalang akong patungong detention room.
Punong puno ng kamalasan ang araw ko ata ngayon...
Yung dahilan lang naman ng puyat ko ang makakasalubong ko ngayon. Pisting yawa. Jisas y naman ganito?
"Zervania? It's class time, why're you roaming around the hallways?" Nakayuko lang ako at hindi inangat ang tingin sa kanya.
Ayoko ngang makita nya yung eyebags ko. Mamaya isipin nya pa na napuyat ako kakaisip kuno sa kanya at sa mga nangyari sa amin.
Ay hindi ba, Izar?
Che! Dagdag pa itong utak ko sa stress ko ngayong araw eh.
"Detention, Ma'am" huminto muna ako at tumitig nalang muna sa stilettos niya. Ouhh. Jimmy Chou. Fancy. Alam ko, dahil mahilig ang kapatid ko jan. If I'm not mistaken ay limited brand iyon.
Yamanin talaga netong si Ma'ameh. MA'AM, Izar! Ma'am lang.
"Is my shoes prettier than my face, Miss Izar?" Ehhh? Nakoo, alam ko na yan, gusto nya lang umangat ako ng tingin eh, pero huwag ako, di ako papatinag no!
"Kinda. It's Jimmy Chou. Right? Ma'am?" Hah! Akala nya ha! Titig na titig lang ako sa paa nya dahil mataas ang pride ko!
Ayokong makita ang pagkumukha nya dahil baka masayang ang ilang araw kong pagpupuyat kakaisip na maling mali ang pinaggagagawa namin nung gabing iyon.
Izar "may isang salita" Zervania.
Dapat ganyan ako! Hindi na kailan man babaluktot kay Professor Verajuela.
Never! Ever!
"Ouch! Aray ko! Pucha! Ang sakit! Ma'am naman!" Paano, inapakan niya ko! Yung matulis niyang stilettos. Gagi ang sakit! Kahit naka leather boots ako ay parang kutsilyo ang high heels nya!Napaluhod ang isang tuhod ko at napa-angat ng tingin sa kanya.
Kinain ko lang din yung sinabi kong meron akong isang salita. Eh iba naman 'to kasi!
Bumaluktot ka padin kay Ma'am, Izar.
BINABASA MO ANG
Defending the Inevitable [On-Going]
RomanceONGOING (GXG) [Professor and Student] *TAGLISH* • Verajuela Series-UNO • Izar Ananke Zervania is a Photography Student that is jumping from one University to another University back in Scotland. A person who is having a hard time in decision ma...