The Adventure of Sleeping Beauty
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 1
Bago ko simulan ang story na ito, gusto ko lang malaman ninyo na maganda o pogi ka. Hehehe! Any ways, ang story na ito ay inspired ng aking PINAKA paboritong Writer/Author pagdating sa Pinoy Romance, Martha Cecelia. Pero syempre, hindi ko nabasa ang lahat ng gawa niya. Hehehe! Siya po ay isang tanyag na manunulat ng Precious Hearts Romances lalo na ang "Kristine" series at ang story na ito ay doon ko nakuha ang ideya sa kaniya pero siyempre, iba ang plot, iba ang eksena. May originality naman ang seksi kong utak. Hehehe! Kung mahilig ka sa romance, bumili at basahin mo ang mga libro niya sa PHR. Hindi ka mabibigo at hindi masasayang ang pera mo. Kung saan ka man ngayon, Martha Cecelia, salamat! Sana masaya ka na kasama si Papa God!💚💖❤💗💜
Unedited...
Bumangon si Hael at iginala ang kaniyang paningin sa paligid. Ingay ng mga naghihiyawang tao ang pumuno sa kaniyang tainga.
"Hindi ka ba tatabi? Putsa!" pagmumura ng binata na nakasakay sa pangkarerang motor.
"N-Nasaan ako?" tanong niya. Ang daming babaeng nakatayo at nanonood sa tabi ng daan.
Galit na bumaba ang binata at lumapit sa kaniya kaya napaatras siya.
"Bitiwan mo ako!" Nagpupumiglas siya pero hindi niya magawang kumawala dahil sobrang lakas nito. Hinila siya nito palayo sa mga tao.
"Pakidala ng motor ko, bro!" sabi ng binata sa kasama at hinatak ang babaeng naging dahilan kung bakit natalo siya sa karera.
"S-Saan mo ako dadalhin?" tanong niya nang sapilitang pinasok siya nito sa sasakyan.
"Sa heaven!" singhal ng binata at pinaandar ang sports car saka nilisan ang racing area. Kakauwi lang niya ng Pilipinas at may naghamon sa kaniya kaya pinatulan na niya.
"Ibaba mo ako!" sigaw ni Hael. Natatakot siya sa puwedeng gawin nito dahil mabagsik ang mga mata nito.
"Ibababa kita kapag nabayaran mo na ang kasalanan mo!" Napahigpit ang pagkahawak mg binata sa manibela at binilisan nito ang pagpatakbo.
"M-Mamamatay ako! Dahan-dahan lang!" pakiusap ni Hael at inilagay ang seat belt. Hindi siya sanay sumakay sa ganito kabilis at higit sa lahat, hindi pa siya nakasakay sa ganito ka mamahaling sasakyan.
"Hindi kita papatayin hanggat hindi mo napagbayaran ang kasalanan mo sa akin!" galit na sabi nito. Mapasulyap siya sa binata. Galit na galit ang mukha nito pero nang matamaan ng ilaw galing sa street lights na nadadaanan, napapansin niyang ang kinis ng kutis nito. 'Yon nga lang, bad boy image talaga ito.
"B-Bakit ka ba galit sa akin? Ano ang kasalanan waaaaah!" tili niya. Para na silang lumilipad sa bilis ng pagpatakbo nito. Naiiyak na siya dahil muntik na silang mabangga sa poste pero nailiko pa ng kasama ang itim na sports car. "Tama na! Tatalon ako!" Pinipilit niyang buksan ang pinto. "Ouch!" Muntik na siyang mauntog nang biglang nagpreno ito.
Napahawak si Hael sa dibdib dahil sa sobrang kaba. Akala talaga niya, katapusan na niya kanina. Hinarap niya ito at sinamaan ng tingin. Well, sa sama ng mukha nito, sana lang ay mapansin nitong galit din siya.
"Ano ba ang problema mo at bigla ka na lang manghatak? Kung gusto mong mamatay, magpakamatay ka!" singhal ni Hael.
"Magtatanong ka pa? Kung hindi dahil sa 'yo, nanalo na sana ako sa laban!"
"Ano ang kinalaman ko sa pagkatalo mo? Ne hindi nga kita kilala!" Hindi talaga niya ito kilala kahit na ano pa ang gagawin niyang pagpiga sa utak. Ne hindi nga niya alam kung paano siya napunta sa lugar na iyon.
"Sa dinami-dami ng tulugan, sa finishing line ka pa talaga natulog? Putsa ka!" pagmumura na niya. Galit na galit siya. Nauna na siya pero napapreno siya nang makita ang katawan nitong nakahandusay sa daan kaya hayun, natalo siya sa karera.
"Bakit ka nagmumura? Ang guwapo mo pero nagmumura ka?" Hindi siya sanay na minumura o nakakarinig ng pagmumura. Hindi ganiyan ang pagpalaki ng mga magulang niya sa probinsya sa kaniya. Marunong siyang gumalang sa nakakatanda at sa lahat ng nasa paligid niya.
"At least inamin mong guwapo ako."
Napataas ang kilay ni Hael nang nag-smirk ito. "Antipatiko!"
"Pagbayaran mo ang kasalanan mo sa akin!"
"Wala akong kasalanan sa iyo!" giit niya.
"Natalo ako ng dalawang milyon kaya pagbayaran mo iyon!"
Nanlaki ang mga mata ni Hael. "D-Dalawang milyon? Tumigil ka nga! Wala akong pera!" singhal niya. Ang dilim ng paligid. Hindi pa niya alam kung nasaang lupalop na siya ng daigdig. Ang sigurado lang niya ay nasa Pilipinas pa naman siya dahil nagtatagalog ito.
"Ano sa tingin mo? Magpustahan kami ng isang libo?" hindi makapaniwalang sabi ng binata.
"Why not?"
"Damn! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pag-uugali mo? Pobre ka ba o ignorante?" Sarap kitilin ang leeg ng babaeng kausap niya. Hindi naman pera ang nawala sa kaniya kundi ang pride niya.
"Ikaw na mayaman!" sabi ni Hael. Mayaman naman talaga ito. Kita naman sa mamahaling gamit nito at sa porma na rin. May pagkaguwapo naman ito pero kunti lang naman. Puwede nang pagmasdan magdamag? Pinilig niya ang ulo sa naisip. Mali ang naisip niya. Baka mamaya, masamang tao ito at ibenta ang katawan niya sa mga parokyano.
"Ako naman talaga! Bakit ka kasi nandoon sa gitna ng kalsada?"
"Malay ko!" sagot niya. "Nagbabasa lang ako kanina ng libro sa CTU tapos paggising ko, nasa daan na ako?" Naalala niyang may klase pa pala siya mamaya. First week pa lang ng klase nila at working student siya.
Pinaandar nito ang sasakyan at sa pamamagitan ng ilaw ng mga poste, napansin niya ang pagngisi nito.
"So? Isang estudyante ng CTU ang kasama ko ngayon, huh?"
Napasulyap na naman si Hael sa mukha nito. Bakit parang may pait sa boses nito?
"A-Ano ang masama sa CTU?" tanong niya. Ang alam niya, hinahangaan ng mga college student ang paaralan at lahat ay pangarap na makapag-aral dito. Hindi ba ito estudyante ng CTU? Mayaman naman ito.
"Wala naman. Masyadong mayayabang lang kayo!"
"Mas mayabang ka!" depensa niya.
"Ako? May maipagmayabang naman!" pagmamalaki nito.
"Iuwi mo na ako sa amin!" sabi niya.
"Suwerte ka!" sabi nito at pinabilisan ang pagpatakbo.
"Saan mo ako dadalhin?" Pinakita niyang matapang siya. Kapag ganitong mga tao, sasamantalahin ka nila kapag nakikita nilang mahina ka.
"Sa heaven!"
"Ibaba mo na ako! May pasok pa ako bukas!" sabi niya. Maaga pa siyang gigising dahil magtitinda pa ng mga kendi sa bus terminal para may extra na pera.
"Ano ang pangalan mo?" tanong nito.
"Wala ka na roon!" Bigla na namang nagpreno ito kaya napapikit siya.
"Kapag tinanong kita, sumagot ka ng maayos."
"Ano ang gagawin mo?" tanong niya at napasiksik sa upuan ng sasakyan nang tinanggal ang seatbelt at inilapit ang mukha sa kaniya. Ilang dangkal na lang ang lapit. Naghalo na nga ang mainit na hininga nila.
"Pagbabayarin ka!" Napasinghap siya nang inilagay nito ang kamay sa hita niya at pinisil ito.
"I-Ibaba mo na ako," natatakot na sabi niya. E parang demonyo ang nasa harapan niya.
Tumigil ang binata nang mapansin ang mga luha niya.
"Psh! Iyakin pala ang mga CTU!" wika nito. "Bumaba ka na bago pa kita magahasa!"
Nanginginig na tinanggal niya ang seatbelt.
"By the way, ano ang pangalan mo?" tanong nito. "Kapag hindi mo sasabihin, gagahasain kita!"
"H-Hael!" sagot niya saka binuksan ang pinto.
"Hael!" tawag nito kaya hinarap niya ang binata. "Kapag makita mo sina Lee, pakisabing fuck you!"
"Sinong Lee?" nagtatakang tanong niya. Isang Lee lang ang kilala. At isa iyon sa quadruplets. Sa dami ng kalaban ng quad, baka isa ito sa mga nakalaban nila.
"Siya ang nag-iisang tagapagmana ng CTU, hindi mo kilala?"
"Quadruplets sila!" pagtatama niya.
"Kailan pa nagkaroon ng kapatid ang hayop na 'yon?"
"Ikaw lang yata ang hindi nakakalaam? Research din pag may time!" pang-iinsulto niya. Of course, lahat ay alam na apat silang lalaking magkapatid.
"Baka sina Adrian at Ryan ang tunutukoy mo?" Napailing ang binata. Tanga rin ng kausap niya.
"Hindi ko sil kilala. Baka iba ang tinutukoy mo," sabi ni Hael.
"Mabuti 'yan, huwag ka nang makisangkot sa gulo pero maniningil ako ng utang sa 'yo!" sabi nito.
"Sino ka ba?" Kanina pa sila nag-uusap pero hindi niya ito kilala.
Ngumisi muna ito bago magsalita, "Baron! Ang mortal enemy ni Lee Lacson!" sabi nito kaya nanindig ang mga balahibo ni Hael. Bumaba na siya bago pa saniban ng demonyo ang kausap.
Nang papalayo na ang sasakyan, iginala niya ang mga mata. Ang dilim sa paligid at ang lamig pa ng hangin .
"Saan na ako?" naiiyak na tanong niya.
"Nasa library!"
"Huh?" Nakaramdam siya ng pagyugyog sa balikat.
"Ma'am?" tanong niya nang pagdilat ng mga bata ay ang librarian ang nakita. Iginala niya ang mga mata sa maliwanag na paligid. Iilan na lang ang mga estudyante sa table.
"Alas tres na ng hapon, hindi k pa ba papasok sa next subject mo? Nakatulog ka na diyan," sabi nito kaya inayos niya ang sarili. Nakatulog pala siya at nakahinga nang maluwag dahil panaginip lang ang lahat.
Nag sign-out siy at lumabas na saka pumasok sa klase. Wala pa ang guro nila.
"JM, may humahamon kay LL, magsuntukan daw sila," sabi ni Lee Patrick.
"Hayaan mo siya, ang dami niyang kalaban!" sagot ni JM.
"Aray ko," mahinang daing niya nang mabangga ang kaniyang balikat ng lalaking dumaan sa kaniya. Narinig siya ng binata kaya humarap ito sa kaniya.
"Bakit? May reklamo ka?" tanong ni Jacob sa babaeng nasa harapan. Isang ordinaryong mukha. Nothing special.
"W-Wala..." sagot ni Hael. Mahirap kapag makabangga niya ang apat dahil sila ang may-ari nitong CTU.
"Mabuti naman," wika ni Jacob saka tinalikuran siya para makipag-usap sa mga kapatid.
"Saan si LL?" tanong ni Lee Patrick.
"Roof top, may katalik!" diretsahang sagot ni John Jacob.
"Hindi na talaga siya titino? Malubha na 'yon ah!" napailing na sabi ni John Matthew.
"Hayaan n'yo siya, virgin naman ang tinitira niya!" sabat ni Jacob at naupo sa tabi ni Lee Patrick. Mula nang namatay ang lolo Lee at Lola Patch nila, naging pasaway na si Lance Leonard at mukhang wala nang pag-asang bumalik ito sa dati.A/N:
Ayieeee... Welcome sa readers nito... Hehehe. Ayun, kung ayaw ng story, huwag nang magbasa kaysa makatanggap ako ng pamba-bash. Sorry sa mga mali ko. Grammar, typo etc... Ano pa? Ahm, huwag mag-comment o vote kung napipilitan lang. Hindi required para sa next update ko. Bakit hindi ako humihingi ng comment mula noon? Simple lang. Ayokong makipag-plastikan kayo sa akin. Pero plastic ako kung sasabihin kong ayaw ko ng comment mula sa inyo. Syempre gusto ko pa rin pero iba pa rin kapag galing talaga sa inyo. Yong bukal sa loob bah . Hahaha. Kapag kasi humihingi ako ng comment sa inyo syempre kayo naman na chusera, magco-comment kayo ng maganda. Echoz-echoz ba. O? Sino ang niloko ninyo? Siyempre ako! Charot lang. Hehehe! No pressure. Smile lang bah.
Don't expect too much from me, mabibigo ka lang. Just an ordinary author with a broken heart. My ghad! Hahaha!
BINABASA MO ANG
The Adventure of Sleeping Beauty
AdventureHindi niya alam kung saan nagsimula ang lahat. Hindi niya alam kung totoo ang mga nangyayari sa panaginip niya, pero isa lang ang sigurado ni Hael, mahal niya ito! Mahal niya ang lalaking nakikita niya sa kaniyang panaginip, si Baron! Pero ang pinak...