The Adventure of Sleeping Beauty
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 12
Unedited...
Biglang umilaw at bumukas ang pinto.
"Akala ko kung nawala ka na naman," nakahinga ng maluwag si Baron nang makita si Hael sa loob ng banyo.
"Bakit? Bigla kasing namatay ang ilaw," natatawang sabi ni Hael nang mapansing namamawis ito. "Gagamit ka ba ng banyo?" Napasulyap siya sa kwentas, hindi na ito kumikinang katulad kanina.
"No," mabilis na sagot ng binata. "Halika na, may pupuntahan pa tayo."
Paglabas ni Hael, marami na ang mga college students sa bilyaran pero mas marami ang lalaki. Lahat ng babae ay nakatingin sa kanila lalo na sa naka-holding hands na kamay nila ni Baron.
"Don't mind them," bulong ni Baron at inakbayan siya.
"Yes, basta huwag mo lang akong iiwan para sa kanila," bulong ni Hael. Ayaw niyang ma-OP. Wala pa naman siyang cellphone.
"Hindi kita iiwan. Basta Hael, huwag kang tumingin sa iba dahil ako ang pinakaguwapo rito!"
"Oo na!" nakangiting sabi ni Hael.
Dumiretso sila sa labas at dinala siya ni Baron sa mamahaling restaurant. Medyo naiilang pa si Hael sa ibang costumer pero nandiyan si Baron para magparamdam sa kaniya na hindi siya naiiba.
"Salamat sa masarap na pagkain," sabi niya habang nakahawak sa tiyan.
"Para kang patay-gutom!"
"Hindi naman po kasi ako kagaya mo na mayaman."
"Psh! Kahit na. Halika na nga!
Pumasok sila sa maliit na pagawaan ng mga itak at matatalim na bagay.
"Ano ang gagawin natin dito?" tanong ni Hael.
"May kukunin lang," sagot ni Baron at dumiretso sila sa counter. "Okay na po ba?" tanong niya sa matandang lalaki na nagmumukhang ermitanyo sa mahaba at puting balbas.
"Tapos na. Kukunin mo na ba?" tanong ng matanda.
"Opo, Tatang," sagot ni Baron. May kinuha ito sa kaha sa likod ng mesa at iniabot sa kaniya.
Kinuha ni Baron sa lalagyan at napakunot ang noo ni Hael. Isang maliit na katana.
"Ang ganda!" puri ni Baron. Sa Japan pa niya binili ang steels na may iba't ibang klase ng carbon at ipinagawa rito sa matandang pinakamagaling na gumawa ng katana.
"Mabuti naman at nagustuhan mo," masayang sabi ng matanda. Wala pa siyang kliyente na hindi nagustuhan ang gawa niya.
Maingat na hinipo ni Baron ang kumikinang at matalim na katana. Masaya siya sa bago niyang koleksyon.
"Tatang, pa-engrave po sa hawakan," sabi ni Baron. Nakikinig lang si Hael sa usapan ng dalawa pero sa medyo natakot siya sa talim nito na sa tingin niya, isang kumpas lang ay mapuputol agad ang leeg niya. Papatayin ba siya ni Baron? Huwag naman sana.
"Ano ba ang ilagay ko?"
"Hael loves Baron po."
Nanlaki ang mga mata ni Hael. "Uy, 'wag ho!" tanggi ng dalaga.
"Iyon na ho, hayaan mo siya, ako ang magbabayad," sabi ni Baron kaya sumimangot si Hael.
"Baron loves Hael na lang," sabi ni Hael.
"Ikaw ang nagmamahal kaya Hael loves me!" giit ni Baron. "Tama, Hael loves me na lang po ang ilagay mo."
"Ayaw ko! Break na tayo!" naiinis na sabi ni Hael at tinalikuran ito pero nahawakan siya sa kamay.
"Sige na po, I love Hael na lang," napilitang sabi ng binata. "Okay na po, I love Hael na lang ang ilagay."
Ngumiti si Hael dahil sa tagumpay.
"Pasalamat ka, mahal kita!" masama ang loob na sabi ni Baron. Paano siya napapayag ng babaeng 'to?
Inabot niya ang puting sobre. Dinagdagan na rin niya ng bonus dahil sa pino nitong paggawa.
Paglabas nila, inayos ni Baron sa unahan ng motor ang katana.
"Bakit may ganiyan ka?" tanong ni Hael nang nagba-biyahe na sila.
"Collections ko lang 'yang mga katana at baril," sagot ni Baron.
Sa pinakamalapit na beach resort siya nito dinala. Nagkuwentuhan lang naman sila.
"Hael, promise me, huwag mo akong iiwan," sabi ni Baron at pinisil ang mga kamay ni Hael. Nakaupo sila sa pinakamalaking bato at nanood ng sunset.
"Hindi ko mapapangako na hindi kita iiwan," malungkot na sabi ni Hael at isinandig ang ulo sa balikat ng binata. Panatag ang loob niya. Iyong tipong alam niyang walang mananakit sa kaniya. Walang manlalait at manghuhusga dahil alam niyang nandiya si Baron para ipagtanggol siya. "Pero isa lang ang maipangako ko, Baron, saan panig ng mundo man ako makarating, magbago man ang lahat sa paligid natin, hindi kita makakalimutan, mananatili ka sa isip ko at patuloy kang mamahalin nitong puso ko," naiiyak na sabi niya at ipinulupot ang mga kamay sa bewang ng binata. Magkabilang mundo, iisa ang isinisigaw ng kanilang mga puso.
"Mahal din kita, Hael. Ayaw ko ring mangako pero gagawin ko ang lahat, huwag ka lang mawala sa akin. Ikaw ang pinakamahalagang bagay sa buhay ko sa ngayon," seryosong sabi ni Baron. Ang korni man pero nabihag na nito ang puso niya.
Niyaya na niya si Baron na ihatid sa bahay nila.
"Hael?" Papasok na sana siya sa gate nang pigilan siya nito sa braso at pinaharap sa kaniya.
"Good night!"
Nabigla man pero agad siyang nakabawi nang halikan siya ni Baron sa kanang pisngi. Nginitian niya at nag-tip toe para halikan din sa kaliwang pisngi.
"Good night, Baron!"
Pagpasok niya sa bahay, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya.
"Good evening, Lola!" bati niya sa matandang nakaupo sa sala.
"Good evening. Masaya ka yata?" puna ng matanda.
"Opo, may masayang naisip lang po," sagot ni Hael.
"Matulog ka na," sabi ng matanda.
"Kumain na ho ba kayo?"
"Malamang! Kaysa naman hintayin ko ang batang mas inuna ang pakipaglandian kaysa sa lola niya!" Napakamot na lang si Hael sa tinuran ng matanda.
Pagpasok niya sa kuwarto, nahiga siya sa kama. "Bye for now, Baron!" bulong niya bago ipinikit ang mga mata.
------ -------------------
Napangiti si Hael nang bumangon siya. Tiningnan niya ang notebook na nakapatong sa ibabaw ng mesa at tiningnan ang mga oras mula noong nagkita sila ni Baron. Saka napagtanto, ang kalahating oras ay kalahating araw sa mundo nina Baron at ang isang buong gabi, isang buong araw nina Baron. Hindi sunod-sunod ang panahon. Pili lamang ito. Ang panahon kung kailan lang sila magkasama ni Baron.
"Bakit kaya?" tanong niya saka lumabas at tumungo sa kusina para mag-init ng tubig. Matapos ang limang minuto, inilagay na niya sa termos ang kumulong tubig at nagsalang siya sa rice cooker ng bigas saka naligo. Tama lang na pagkatapos niya, luto na ang sinaing.
Pakatapos niyang magbihis, nasa sala na ang lolo Gawdin niya na umiinom ng kape.
"Magandang umaga po!" masiglang bati niya sa matanda saka humalik sa pisngi nito.
"Kumain ka muna, Apo, bumili ako ng pandesal kay Karding," alok ng matanda. Alas kuwatro pa lang ay may naglalako na ng pandesal.
"Sige po," sabi niya at sinamahan na itong kumain. Quarter to five pa lang naman kaya may oras pa siyanv kumain para malagyan ang sikmura. Mahirap na ang magkasakit. Matapos niyang maghugas, iniwanan niya ang matanda. Nagsasaing lang siya para initin na lang nito mamaya kapag gusto nang kumain. May malapit na karenderya naman kaya pinapalista lang niya sa nagtitinda ang nakukuha ng lolo niya pero madalas ay nagluluto ito. Malakas pa naman ang matanda.
Paglabas niya ng gate, medyo madilim pa dahil alas singko pa lang ng umaga at wala pang gaanong taong naglalakad sa kalsada maliban sa mga naglalako ng gulay, taho at pandesal. Napako siya sa kinatatayuan nang makita si Jacob.
"A-Ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya sa binatang nakasandal sa puting kotse na nakapamulsa at nakangiti sa kaniya.
"Sinusundo ka," sagot ni Jacob at binuksan ang front seat ng kotse. "Ihatid na kita."
"B-Bakit ka napadpad dito?" muling tanong ni Hael. Hindi naman nito alam ang address niya.
"Sinusundo ka nga. Sumakay ka na para mag-usap tayo habang ipinagmaneho kita," alok ng binata pero hindi pa rin kumikilos si Hael.
"Magdyi-dyip ako!"
"Sayang ang pamasahe mo. Doon din naman ako papunta sa school."
Padabog na naglakad si Hael pero hinabol siya ni Jacob. "Maaga pa akong magising para maaga mo ring tanggihan, Hael!"
Nagpupumiglas siya pero sapilitan na siyang hinila ni Jacob at pinasakay sa kotse. Ano pa ba ang magagawa niya? Sa tangkad nitong 6'1", nagmistula siyang papel na hawak nito.
Nang makasakay na si Jacob, pinaandar na nito ang kotse at walang imik na nagmamaneho. Nang hindi ito makatiis ng katahimikan ay binuksan niya ang stereo pero nang hindi mapakali ay pinatay niya ito at napahampas sa manibela.
"Alam mo bang maaga pa akong gumising para sunduin ka?" singhal niya na pinipigilan lang ang galit. Siya pa naman ang taong mahirap gisingin at tamad bumangon.
"Hindi ko sinabing sunduin mo ako kaya huwag mo akong sisihin kung bakit napaaga ang gising mo!" Nakasimangot na si Hael. Ang ganda ng pagkagising niya pero sinira lang ni John Jacob.
"Hindi naman kita sinisisi," mahinahon na sabi ni Jacob at iniliko ang sasakyan sa unang kanto. "Ang akin lang, kaunting appreciation naman sana sa effort ko para lang masundo ka."
Sinulyapan ni Hael ang binata na nakatuon ang mga mata sa unahan pero nang napasulyap ito sa kaniya at nagtama ang kanilang paningin, mabilis na iniwas niya ang mga mata.
"Bakit mo ako sinundo?"
Ilang segundo pa bago sumagot ang binata, "Dahil gusto kong ako sumundo at maghatid sa 'yo para hindi ka mapahamak sa daan." Kagabi, napanood niya sa balita na may babaeng ginahasa habang naglalakad ito pauwi ng madaling araw kaya si Hael agad ang pumasok sa isip niya. Sinabi ng detective na alas tres pa lang ng umaga ay umaalis na ito at naglalako ng paninda sa bus terminal kaya alas dos pa lang ay nasa tapat na siya ng bahay nito pero umabot na ng alas kuwatro ay wala pa ring Hael na lumabas. Natatakot naman siyang pumasok dahil baka habulin siya ng itak ng lolo nito dahil baka mapagkamalang magnanakaw.
"Hindi ako mapapahamak," sagot ni Hael. Sanay na siyang maglakad sa dilim.
"Kahit na, babae ka pa rin. Paano kung magahasa ka?"
"So? Paano mo nalaman kung nasaan ang bahay namin?"
"Kaya kitang ipahanap kahit saang lupalop ka pa ng mundo," sagot ni Jacob at medyo binilisan ang pagpatakbo dahil wala pang trapik.
Hindi na umimik si Hael hanggang sa itigil nito ang sasakyan sa tapat ng karenderya na malapit sa paaralan nila.
"Paano mo nalaman na dito ako pupunta?"
"Hula ko lang," sagot ni John Jacob habang tinatanggal ang seatbelt. Basta sabi ng sumusunod kay Hael, sa ganitong oras, dito na siya dumidiretso para tumulong sa pagluluto para libre na ang tanghalian nito mamaya.
"Stalker ba kita?"
"At least pogi ang stalker mo, 'di ba?"
Tinanggal ni Hael ang seatbelt at hinarap ang binata. "Seryosong tanong, John Jacob Lacson, bakit mo ginagawa ito?"
Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Jacob bago magsalita, "Dahil gusto ko ang girlfriend ko."
"Gusto mo?"
"Gusto pa lang naman siguro," hindi siguradong sagot ng binata at iniwas ang mga mata kay Hael. Bakit ba? Ayaw nga niyang umamin. Baka isipin pa nito, patay na patay siya rito.
"Bahala ka nga! Salamat na lang sa paghatid pero Jacob, may boyfriend na ako," paalala ni Hael kaya sumimangot si Jacob.
"Alam ko, hindi ko nakalimutang tayo na, Hael!"
"Bahala ka na nga!" sabi ng dalaga saka bumaba at isinarado ang pinto dahil may pasok pa sila mamayang alas otso.
Pinaandar na ni Jacob ang sasakyan para dumiretso sa CTU. Matutulog siya sa tambayan nila dahil kanina pa siya inaantok.
"Psh! Suplada! Pasalamat ang babaeng 'yon, mahal ko na siya!" naiinis na sabi niya. Gusto talaga niya itong kasama kahit na medyo naiinis din siya rito dahil wala itong pakialam sa paligid at ne hindi nga ito tumitili sa kanilang apat. Gusto niya mapansin din siya ni Hael pero mas madalas na ipinipikit pa nito ang mga mata kaysa sa makita siya.
BINABASA MO ANG
The Adventure of Sleeping Beauty
AventuraHindi niya alam kung saan nagsimula ang lahat. Hindi niya alam kung totoo ang mga nangyayari sa panaginip niya, pero isa lang ang sigurado ni Hael, mahal niya ito! Mahal niya ang lalaking nakikita niya sa kaniyang panaginip, si Baron! Pero ang pinak...