The Adventure of Sleeping Beauty
by: sha_sha0808 Ash Simon
FINALE
Unedited...
"Bakit ba kasi ayaw mong makausap si John Jacob?" tanong ni Lee Patrick nang pagkapasok ni Hael sa classroom ay naupo ito sa upuan niya.
"Bakit?" inosenteng tanong ni Hael.
"Kanina pa 'yon nag-aalburuto," natatawang sabi ng binata.
"Wala ako sa mood!" nakasimangot na sagot ni Hael. Mahigit dalawang buwan na ang nakalipas nang mag-over night sila sa resort ng mga Lacson sa Iloilo at kapag may time, nagpapakasasa na si John Jacob sa katawan niya. Hindi naman sa ayaw niya pero nainis talaga siya kagabi dahil nag-iwan ito ng kiss mark sa kaliwang dibdib niya. Mabuti na lang dahil hindi makikita.
"Magpakamatay na 'yon!" natatawang sabat ni John Matthew at naupo sa tabi ni Lee Patrick.
"Hayaan na siya! Tutal, iyon naman ang gusto niya!" sabi ni Hael.
"Ano ang ipapagawa mo sa dalawang frat na nagrambulan sa bar kagabi?" pag-iiba ni John Matthew. Patay sa pananaksak ang isang miyembro ng Alpha Kappa Rho.
"Under investigation pa," sagot ni Hael. "At mukhang lumalabas sa imbestigasyon na walang kinalaman ang fraternity sa alitan ng dalawa. Half brod sila at mukhang family broblem ang nangyaring engkuwentro."
Bilang sorority queen, hindi madali ang magpataw ng parusa sa lahat ng nakasala. Kailangan din ng masusing imbestigasyon para hindi magkamali sa magiging desisyon.
"Hael?" tinatamad na tawag ni Lance Leonard nang pumasok. "Si John Jacob, nawawala."
"H-Ha? Bakit?" naguguluhang sabi ni Hael.
"Kanina nasa tambayan lang 'yon tapos sabi niya, pupunta raw sa rooftop pero wala naman ang mokong. Tinatawagan ko pero patay rin ang cellphone!" naiinis na sabi ni Lance Leonard.
"Baka nandiyan lang 'yan sa paligid," sabi ng dalaga.
"Wala e."
"Brod!" tawag ni Arnold na humahangos papasok sa classroom.
"Bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong ni Lee Patrick sa kaibigan.
"S-Si... S-Si Jacob."
"Ano ang nangyari sa iyaking 'yon?" nakataas ang kilay na tanong ni Lance Leonard. Kahit si Hael ay kinakabahan sa isasagot ni Arnol. Basta, dalawang minuto na ang nakalipas pero wala pa ring reply o tawag galing kay Jacob. Hindi naman ito ganun kaya biglang nagsitakbuhan ang mga alagang daga sa dibdib niya.
"T-Tatalon sa kabilang rooftop!"
"What?" bulalas ni Hael at natarantang tumayo.
"S-Saang rooftop?"
"Sa public rooftop!" sagot ni Arnold at nauna nang tumakbo kaysa sa mga ito.
"J-Jacob..." bulong ni Hael at mabilis na tumakbo kasunod ni Arnold.
"Ano ba ang naisipan ng iyakin na 'yon?" sabi ni Lance Leonard.
"Ganoon ba ang magmahal? Magpapakamatay talaga?" tanong ni Lee Patrick.
"Hindi malayong tumalon si Jacob. Alam naman ninyong mahina ang isang 'yon!" sagot ni John Matthew kaya napahawak si Hael sa dibdib at binilisan ang pagtakbo. Lahat ng estudyante sa field ay nakatingala Sa taong nais tumalon mula sa rooftop. 5th floor pa naman ang building at sobrang taas pa. Kapag tumalon ito, hindi lang bali-bali kundi watak-watak talaga ang katawan nito sa semento.
"Jacob!" sigaw ng dalaga na umaasa siyang maririnig siya nito. "J-Jacob naman! Huwag kang tumalon!"
Kung sakaling tatalon ang binata, sa harapan talaga nila babagsak. "J-Jacob, bati na tayo! H-Hindi na kita aawayin!" Wala siyang pakialam kung siya na ang pinagtitinginan ng mga tao. Ang mahalaga sa kaniya ay ang buhay ng kasintahan. Hindi naman niya inaasahang aabot ang pag-aaway nila sa ganito.
"Jacob!" Natatakot siyang umakyat dahil baka pagdating niya, nakatalon na ito. "T-Tumawag kayo ng tulong!" natarantang pakiusap niya habang nakatingala.
"B-Bitiwan mo ako!" Tili niya nang may yumakap sa bewang niya kaya nagpupumiglas siya.
"Easy, baby, ako 'to!" Nanayo ang balahibo ni Hael nang marinig ang boses ni Jacob kaya hinarap niya ito.
"J-Jacob?" Hinawakan niya sa magkabilang pisngi para makasigurado. Hindi siya nananaginip lang. Napatingala siya sa kalaking nasa rooftop na kaunti na lang ay tatalon na. Nakasabit pa nga ito sa rail bar.
"Ako nga, sorry kung pinag-alala kita." Hinaplos ng binata ang pisngi ng babaeng labis na iniibig at pinahidan ang mga luha. "P-Pasensiya na kung pinaiyak kita."
"S-Sino ang taong iyon?" tanong ni Hael saka muling tumingala sa rooftop. "A-Akala ko talaga, ikaw 'yon."
"Kapag ako ba siya, magagalit ka dahil magpapakamatay nga ako?" malambing na tanong ni Jacob at hinapit ito sa bewang. Sila na ang tinitingnan ng mga estudyante at nagsimula ang pagtataka.
"M-Magpapakamatay ka ba?"
Umiling si Jacob, "Bakit ko gagawin iyon? E di hindi na kita mapapakasalan," nakangiting sagot ng binata.
Lahat sila ay napatingala nang may sumabog sa itaas. Sapat lang para makuha ang atensiyon nilang lahat dito sa baba.
Napatutob si Hael sa ng bibig nang umakyat na ang lalaki at may bumagsak na malaking tarpaulin.
Muling tumulo ang mga luha ng dalaga sa nabasa. "HAEL, WILL YOU MARRY ME?"
Umingay sa buong paligid at napasinghap ang iilan. Nang humarap siya kay Jacob, nakaluhod na ito sa kaniyang harapan.
"J-Jacob..." naiiyak na sambit niya. Ngumiti ang binata at may kinuhang puting box sa kaniyang bulsa. Nang buksan niya ito, isang singsing.
"H-Hael," namamawis na wika ng binata. Kinakabahan siya dahil baka tatanggi si Hael pero wala siyang choice. Matagal na niyang gustong gawin ito. Ang alukin ng kasal. "Mula sa puso, papayag ka bang pakasalan ako at makasama habang buhay?" kinakabahang tanong niya habang nakaluhod pa rin at nakatingala sa dalaga.
Napatili ang ibang kababaihan at napahawak sa mga mukha. Parang sila ang inalok ng kasal ni Jacob.
Ilang segundo pa ang nakalipas, lahat ay tumahimik. Walang ne isang kumilos dahil sa pag-abang ng sagot ni Hael na para bang nanonood lang sila ng finale ng isang romantic movie.
Pinatayo ni Hael si Jacob dahil nahihiya na siya. Isa pa, hindi rin niya maipaliwanag ang tunay na nararamdaman. Sari-saring emosyon ang pumapasok sa kaniyang isipan.
Napatitig si Jacob sa inosente at para sa kaniya, mala-dyosang mukha ni Hael.
"B-Baby, will you marry me?" kinakabahang ulit niya. Ilang segundo na lang talaga ay iiyak na siya. Hindi sa pagkapahiya kundi sa takot na baka ayaw siya nitong pakasalan dahil may iba pa itong mahal.
"Huwag ka ngang umiyak!" nakalabing sagot ni Hael. "Oo na, papakasalan kita kahit na ang bata pa natin!" Nineteen pa lang siya at si Jacob ay twente pa lang.
"H-Hael!" umiiyak na sambit ni Jacob at niyakap siya ng mahigpit. Umingay ang buong paligid at naghiyawan dahil sa tuwa. "Ang pagpakasal, wala sa edad 'yan. Hanggat nasa legal age na tayo, bakit pa natin papatagalin kung handa na tayo?"
Napangiti si Hael. Well, she knows naman na maging responsableng asawa't ama si Jacob. Isa pa, engage pa lang naman. May time pa sila para makapaghanda.
"A-Akala ko, tatanggihan mo na ako," sabi ni Jacob.
"Sino ba ang tatanggi kung alam ng lahat na maglulupasay ka at babaha ng luha sa buong CTU?" sabat ni Lance Leonard.
"Seriously, ang corny ng proposal!" napailing na sabi ni Lee Patrick.
"Corny?" galit na sabi ni Jacob at kumalas sa pagkakayakap kay Hael saka hinarap ang mga kapatid.
"Yes, corny!" segunda ni John Matthew.
"Corny na kung corny! Ang mahalaga, may babaeng inaalok ako ng kasal dahil hindi ako tinanggihan. Eh kayo? Nanliligaw pa lang, basted na!" panunuya niya. Nahirapan pa anv naglagay ng tarpaulin sa rooftop kaya naglambitin pa ito para lang mailugay. Buwis-buhay rin 'yon kaya ido-double niya ang bayad.
Humarap muli si John Jacob sa fiancée at ngumiti ng ubod ng tamis. Kinuha niya ang singsing sa box.
"Hael? Sabi ng Lola Patch, ibigay ko raw ang singsing na ito sa babaeng gusto kong makasama habang buhay. At para sa akin, ikaw iyon," seryosong sabi niya saka kinuha ang kaliwang kamay ni Hael saka isinuot sa ring finger ni Hael. "Mahal kita, mahal na mahal kita at bubuo tayo ng masayang pamilya balang araw!"
"M-Mahal din kita, Jacob! Mahal na mahal kita kahit na iyakin ka!" naiiyak na sabi ni Hael at tiningala ang nakangiti at pagmamahal para sa kaniya ang isinisigaw ng mga mata.
"Mahal din kita, Hael. At pangako, tumitibok man o hindi ang aking puso, ikaw lang ang mamahalin nito."
Inilagay pa niya ang kanang kamay sa gitna ng kaniyang dibdib.
Niyakap ni Hael ang binata sa labis na kasiyahan. Kung mayroon man siyang dapat na pagsalamatan, iyon ay ang paggising nito palagi sa kaniya para malasap niya ang tunay saral ng tunay pagmamahal sa kasalukuyan.
Habang yakap pa rin niya ang binata, itinaas niya ang kaliwang kamay at pinagmasdan ang suot na singsing. Bigla itong kumislap nang matuon ang diyamante sa sinag ng araw.
"Bumalik ka rin sa akin," bulong ni Hael, "And this time, hindi na sa panaginip kundi sa present time na."
Kumislap ulit ang diyamante sa singsing na nasa daliri niya, ang dating engagement ring ni Hael na ibinigay ng Lolo Baron niya!A/N:
Salamat... Sana nag-enjoy kayo kahit na iba ang genre nito kaysa sa mga nauna kong isinulat. Hehehe😀 Ang saya kasi natapos ko na at natapos na ninyong basahin. Isang buwan kong isinulat, isang oras o mahigit lang ninyong binasa. Hahaha.
Sa tuwing makakatapos ako ng story, nakakahinga ako ng maluwag. Alam n'yo un? Baka kasi hindi ko matapos at mamatay na ako. Toinkz... Everytime na magsimula ako, ang goal ko lang talaga ay matapos siya. Hahaha!
Barumbadong Virgin , unpub ko muna dahil aayusin ko iyon. Si Jacob pa talaga ang tinutukoy ko dun habang sinusulat ko. Maybe, hindi pa talaga time ni JM. As of now, kay Lee Patrick na lang muna ako. " Chuvachuchu". Wala na akong maisip na title kaya 'yan na lang. Hehehehe. Clichè un. Common plot pero hayaan na. Palipas oras din lang naman natin ito e. Toinks.
BINABASA MO ANG
The Adventure of Sleeping Beauty
AdventureHindi niya alam kung saan nagsimula ang lahat. Hindi niya alam kung totoo ang mga nangyayari sa panaginip niya, pero isa lang ang sigurado ni Hael, mahal niya ito! Mahal niya ang lalaking nakikita niya sa kaniyang panaginip, si Baron! Pero ang pinak...