17

77 1 0
                                    


RYAN:

Bigla nalang nagwalk out si Jane at naiwan kami. "May alam ka ba sa mga pinag gagawa ng kapatid mo!" seryosong tanong ni Dad, pinipilit naman siyang pakalmahan ni Mommy.

"Oo dad. At sa pagkalaalam ko wala siyang ginagawang masama." sagot ko.

Tama lang na ipagtanggol ko ang kapatid ko, alam kong wala siyang ginagawang masama. At alam kong iba si Jerome sa tatay niya.

"Are you kidding? Alam mo na pala pero wala kang ginawa! Pinapunta ko kayo dito sa Pilipinas para ayusin ang mga dapat ayusin. Hindi para pag sinungaling at pagtaguan ako!" singhal niya saakin. "Tutal wala naman kayong balak na makinig saaking magkapatid, mas mabuting sa lalong madaling panahon ay bumalik na kayo ng London!"

"No Dad! Walang babalik ng London!" lumaki ang mata ni Dad isinagot ko. "For once naman dad, wag lang ang kapakanan niyo ang isipin niyo. Wag lang ang desisyon niyo ang dapat sundin namin. Satingin mo ba magiging masaya kami? Hindi! Hayaan mo kaming magdesisyon ng sarili namin. Jane is older enough, para malaman ang tama at mali. Alam niya ang ginagawa niya at alam niyang itama ang mga mali niya!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "How dare you talk me like that!"

"No dad! How dare you! We are older enough, hindi na ikaw ang dapat na nagpapatakbo ng buhay namin. And how dare you, for letting people to ruined our life! For once, pakinggan mo ako! At for once try to understand us!"

Napatikom si Dad sa sinabi ko pati na din si Mommy na umiiwas sa deskosyon.

JEROME:

Pababa na sana ako sa hagdan ng mag vibrate ang phone ko.

From: JaneyLovesss

Can we meet? I need to talk to you. I'm at the old playground.

Shit! Nagmadali ako at pinatakbo ng mabilis ang kotse. Hindi ko alam pero, nakaramdam ako ng kaba at takot. Balita ko kasi dumating na ang Daddy niya at handa na rin ako sa maging reaksyon niya.

Iniabot ko sakanya ang hawak kong panyo, nakaupo siya sa swing habang nakatakip ang dalawa niyang kamay sa mukha niya. Kitang kita ko ang mga luhang nanggaling sa mata niya. Tumabi ako sakanya. "Alam mo bang mahal na mahal pa rin kita." pag uumpisa ko. "At dahil sobra kitang mahal, ay sobrang nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak."

Iniangat niya ang ulo niya at tumingin saakin. "Bakit mo ba ako mahal? Bakit mo ba ako minamahal? Diba ayaw saakin ng Daddy mo? Diba may malaking galit sa isa't isa ang pamilya natin? Pero bakit ako!?"

Ngumiti ako at pinunasan ang luha niya. "Hindi ko alam kong bakit mahal kita, hindi ko kailangan ng dahilan para mahalin ka. Sapat na saakin yung alam kong mahal na mahal kita at handa akong lumaban para sayo." ngumiti siya saakin at iniiwas ang tingin. "Alam mo ba bago mamatay si Daddy, may sinabi siya saakin. Bukod sa humingi siya ng sorry saakin. Sinabi niya na ikaw ang babaeng nakatanda saakin. Tayo raw ang susi para mawala ang galit sa puso ng mga pamilya ntin. Tayo raw ang aayos ng nasira at bubuo ng panibagong pamilya."

Tama! Kaya nga hanggang ngayon umaasa parin ako, umaasang magkatotoo ang sinabi ni Dad. "Hindi maling maniwala sakanya Jane, dahil siya ang saksi sa lahat."

"Kaya mo bang mahalin ang bagong Jane? Handa mo bang tanggapin ang panibagong Jane?"

Napangiti nanaman ako sa sinabi niya. "Hindi lang kayang mahalin, kundi kaya kong patunayan sayong kayang kaya ko. Kaya kitang pakasalan sa kahit saang simbahan." bigla siyang yumakap saakin. "Mahal na mahal kita Jane at handa akong maghintay."

"Hindi ka maghihintay Jerome! Hinding-hindi na." bulog nito saakin.

"Mahal mo din ba ako?" may pagkagulat kong tanong sakanya.

"Oo." sagot niya.

Sa hindi ko malamang dahilan ay bumagsak ang luha sa mata ko.

JANE:

"Oo." mali bang sabihin ko sakanya na mahal ko siya?

Pagkabigkas ko ng salitang iyon ay nakita ko ang pag bagsak ng butil ng luha sa mata niya. Mahal na mahal ko siya, tama lang na malaman niya iyon at tama lang na masabi ko sakanyang pinapatawad ko siya bago man lang ako ilayo sakanya.

"Jerome! Kahit anong mangyari, gusto kong malaman mo na hindi naman nawala ang pagmamahal ko sayo, kahit minsan hindi yun nawala. At napatawad na kita, kahit pa anong mangyari ikaw lang." bumuhos muli ang luha sa mata ko at iniwas ang tingin sakanya.

Kaya ko ba ito? Ilang beses na, hindi nga ako iiwan pero may hadlang naman. Kailan ba magiging happy ang ending ko? Kelan!

Nagsimula na akong maglakad palayo sakanya, alam kong alam niyang gusto kong mapag isa kaya minabuti niyang wag ako sundan. Hindi ko alam kong saan ako pupunta, iba pala kapag ilang beses ka ng nasaktan.

At ang hirap palang hanapin ang ending, ang ending kung saan mo malalaman kong Happy ba o Sad at kapag dumating yun, kailangan mong tanggapin. Naging maganda ang buhay ko sa London, naging magulo man pero naging masaya naman. Ngunit bakit kaya kinalaingan ko pang bumalik sa Pilipinas? Siguro para masaktan o baka para ipaalam at ipatanggap saakin walang happy sa Lovestory ko. Dahil ang Lovestory ko ay isa lamang kwentong may ending ngunit walang happy.

Ngayong gabi, ay kailangan ko ng sundin ang tama.

Once Upon a Lovestory (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon