" Hindi mapigil, Pareng Al."
Agad na salubong sa kanya ni, Xander. Napatiim bagang lang siya dahil sa picture na
pinadala ng mga ito. Rhianie is so sexy in her two-piece bikini while enjoying the swimming pool. At ngayon nagplano itong mag inom.Napa aga tuloy ang balik niya at ini endorse kay Travis ang mga naka book na guest na dapat ay ihahatid niya sa resort kinabukasan." It's okay, let her enjoy the night. Pero pwedeng lasingin din ninyo si Girlie?"
Pakiusap niya kay Xander, na agad na tinapik sa balikat si Dimayuga.
" Chance mo na Pareng Gil. Alam ko kanina ka pa amaze kay Girlie."
Natatawa na sabi ni Xander at ganun din ang reaksiyon ni Orly.
" Tang ina ninyo, umayos kayo."
Reaksiyon nito. Pero pinagtawanan lang siya ng mga kasamahan.
" Lasingin mo daw sabi ni Pareng Al. Baka hindi maka score ito."
Sabi ni Orly. Sabay na umigkas ang kamao nila ni Dimayuga at inundayan nila ng mahinang suntok sa sikmura si Orly.
" Napaka defensive, halatang guilty."
Angal nito sa kanila na nakakaloko pa din ang ngiti nito kay Dimayuga.
" Lasingin ninyo silang lahat. Tawagan ninyo ako kapag kailangan na ni Rhianie ng taga buhat."
Sabi niya at balak na niyang pumunta sa kanyang treehouse villa upang maligo. Pero agad din siyang humarap sa mga ito.
" On second thought, huwag ninyong hayaan na mag pass out sa kalasingan si Rhianie. I need her to be awake."
Malakas na tumawa ang mga kaharap sa sinabi niya. Marahil iba ang nasa isip.
" Kaming bahala Pareng Al. Saktong tama lang para maging wild."
Isang ngisi lang ang sagot niya. Bahala na ang mga ito sa kanilang sapantaha. Basta ang gusto niya ngayong gabi ay i cuddle si Rhianie. Hindi niya mapigilan ang maging excited sa naisip.
" Sige na. Tawagan ninyo ako kung tapos na pinapagawa ko."
Sabi niya at tinalikuran na ang mga ito. Gusto niyang kumain at makaligo muna bago puntahan si Rhianie.
*********
" Oh my God!"
Pakiramdam niya parang mahihimatay ang mga kaharap ng isa isang nag sulputan sa kanilang inu okupa na cabana ang ilang miyembro ng elite.
" Hello, Girls. Did you enjoy the wine?"
Charming na tanong ni Xander Martinez kung hindi siya nagkakamali. Sa lahat ng elite ito ang pinaka charming. He is fit to be the casanova of the group.
" Yes, salamat ng marami sa hospitality."
Sagot niya na nakangiti. Halos makalahati na nila ang tequila na pinili nilang inuman pagkatapos ng kanilang light dinner. Hindi nila naman gusto sumuka sa harap ng mga ito.
" Here we bought another wine. Tikman ninyo din ito."
Sabi ng isa nitong kasama na ngayon lang niya nakita. Inabot ito ni Janice na hindi itinago ang kilig.
" Sasamahan ba ninyo kami?"
Tanong ni Noemi na halatang lasing na dahil sa mapula nitong pisngi.
" Of course, baka kasi kung saan kayo mapunta pag malasing kayo."
Sagot ng isa pa na pumasok na sa cabana at naupo sa kawayan na upuan na may kutson.
" Okay, in that case, simulan na natin."
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard: Al Christian Kane
Romantizm" Be my pretend fiancé, Al." Walang ka kurap kurap na alok ni Rhianie sa kanya. She is the only daughter of his father's new girlfriend. At para mapigilan ang planong pagpapakasal gusto nitong maunahan ang ina na magpakasal sa isang Ronquillo. Well...