Still keeping myself busy just to get you off my mind. Nilalabanan ko nanaman kasi yung sarili ko na wag kang itext. Ito nanaman ako...
I decided to fix my things. Hinalungkat ko yung mga gamit ko sa school. Yung bag ko pati yung mga box ko na puro handouts. Puro pangalan mo nga nakalagay sa handouts ko e. Pangalan mo kasunod ang apelyido ko. Iniiwasan nga kitang isipin, pero lahat na ata ng gawin ko magpapaalala lang sayo...
Inisa-isa kong tignan yung handouts ko. Binasa ko ulit yung mga pinagsususulat ko tungkol sating dalawa. Yung mga doodle na dino-drawing ko. Lahat tungkol sayo...
Hanggang sa pagbuklat ko ng isang handout, nakita ko yung unang litrato nating dalawa sa isang photobooth. Antagal nating naghanap dati ng photobooth. Sa tuwing umaalis tayo, lagi nating chine-check yung Timezone kung may photobooth. Pero wala tayong makita. Hanggang sa makita natin sa SM San Lazaro. Tuwang-tuwa ka nun. Bumili tayo ng Timezone card agad-agad at nagpapicture na. Pinost mo pa nga agad sa twitter mo e. Ansaya saya ko rin nun. Kasi nakikita kitang masaya. Tuwang-tuwa ka. Kaya ang labas ng picture natin, para tayong timang. Lalo na ko. Haha. Pero kahit ganun, kitang-kita sating dalawa na masaya talaga tayo nung mga oras na yun...
Naalala ko, ikaw nagtatago lahat ng mga pictures natin. May dahilan kung bakit nasakin tong picture natin. Pagtingin ko sa likod ng picture, may nakalagay na "Come back to me, please."
May istorya pala sa litratong ito. Naalala ko, ito yung nag-away tayo. Hanggang sa magbreak tayong dalawa. Ikaw nakipagbreak, pero ako dahilan ng away natin. Dahil sa pagiging sensitive ko. Galit na galit ka. Naalala ko pa yung mga sinabi mo sakin nung mga oras na yun. Dun mo unang sinabi na nagsisisi kang nakilala mo ko. Nasaktan ako ng sobra. May namuong galit sakin. Sobrang sumama yung loob ko sayo. Kaya pumayag ako sa break up natin. Ayaw na kitang kausapin nun. Tumigil na ko sa pagrereply sayo. Inisip kong galit ka lang kaya mo nasabi yun, pero nasaktan pa rin ako ng sobra...
12 ng madaling araw, nagtext ka. Nakikipag-ayos. Di kita nirereplyan. Tumawag ka, di ko sinasagot. Kasi di ko pa kayang makipagusap sayo. Kasi masama pa yung loob ko. Hanggang sa magtext ka na pupuntahan mo ko. Nireplyan kita agad at sinabi kong wag na wag kang pupunta dahil delikado na at wala na gaanong tao sa daan. At hindi na ako makakalabas pa ng bahay dahil baka magising ang mga kapatid ko. Ayaw mong makinig. Nagpupumilit ka. Sinabi mong may ibibigay ka lang sakin. Sinabi kong ipagpabukas mo nalang dahil gabi na. Pero di ka nakinig. Sinabi mong nakasakay ka na ng jeep at nasa daan na. Nagalit ako. Galit na galit ako. Kasi natatakot akong baka may mangyaring masama sayo. Natakot rin akong baka may makakita sating dalawa. Nasabi kong baka ipahamak mo ko pag pumunta ka. Pero pumunta ka pa rin...
Nagtext kang nasa labas kana ng compound namin. Wala na kong magagawa kasi dumating kana. Tahimik akong lumabas ng bahay. Nakita kita sa tabi. May hawak na paperbag na brown. Pagkabigay mo sakin ng paperbag ay umalis ka rin kagad. Wala ni-isang salita ang lumabas sa bibig natin. Pagkaalis mo ay bumalik na ko sa bahay. Nagtext ka at sinabi mong "Bye" nagreply ako at sinabing magtext ka pag nakauwi kana...
Tinignan ko agad ang laman ng paperbag na binigay mo. Mga damit ko, na iniwan ko sa dorm mo. Naisip ko, bakit mo binabalik sakin to. Wala na ba talaga?
Kasama ng mga damit ko ang picture nating dalawa na kinunan sa isang photobooth. Parang unti-unting nabawasan yung galit ko. Parang nawawala yung sama ng loob ko. Lalo na nung nakita ko ang sinulat mo sa likod ng picture nating dalawa...
"Come back to me, please."
Is this a sign? Or just a coincidence? Na kung kelan wala na tayo, saka ko nakita to...
May pag-asa pa kaya tayo?
A.