BEHIND THAT POKER FACE
(Jolly girl Maria Rodriguez)-Maria Rodriguez's POV-
"Smile ka naman jan, Maria!"-sigaw ni JC. Nandito kasi kami para sa "Reunion" namin ng mga kaibigan ko, nagtatake kami ng picture at si JC ang nagtatake ng mga nun.
Kaibigan ko siya, maldita pero mabait. Ano daw?
Nakita ko siyang siniko ni Alleah sa may giliran niya. "Hoy ano ka ba."-bulong ni Alleah sa kanya. Ewan ba kung bulong ba talaga 'yun. Agad namang pumwesto pabalik rito si Alleah sabay make ng pose.
"Ganyan ka lang ba talaga Maria?"- biglang tanong ni Alleah sakin. Ayan na naman siya sa mga katagang niyan. Hindi ma-ubos ubos.
"Ewan. Siguro."-simpleng pagsagot ko sa tanong niya. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam e. Kung magiging ganito nalang ako habang buhay o babalik na ako sa dati.
May rason naman talaga ako kung bakit ako naging ganito e. Hindi naman sa lahat ng oras naka-ngiti ako sa mga tanong sinasaktan na pala ako ng hindi nila alam. Kaya pilit ko nalang itong tinatago sa paraang ganito. Tsaka, alam naman nating lahat that People Change for a reason.
Minsan nga, naiinis na ako sa sarili ko kasi naguguluhan na ako, nadadamay 'yung mga kaibigan ko sa nangyari sakin dati. Sobrang sakit. Ng dahil sa ginawa ko ganoon ang nangyari. Nawalan na ako ng gana ngumiti. At ako pa talaga ang naging tulay para mangyari 'yung hindi ko gustong mangyari.
"Tigil na kayo sa mga satsat niyo! Nagsta-start na 'yung timer!"-sigaw ni JC kasabay noon ang pagtakbo niya palapit sa pwesto namin.
-insert SFX ng capture ng camera-
"Ayun!"-Sabi ni Alleah habang tumatakbo palapit sa camera para tignan ang kuha ng cam.
"Nako, ang ganda ko talaga."-pagpuri naman niya sa sarili niya. Minsan, napapa-isip ako kung bakit ko ba 'to naging kaibigan sa lahat ng hangin sa utak nito. Daig pa nga ang superstar kung maka-puri sa sarili.
"Mas maganda ako."- pagpuri naman ng isa sabay lapit rin sa cam. Naiwan lang ako rito sa saang pwesto kami nakunan ng shot. Isa pa 'to. Lakas rin maka-signal number 3, wait.. gawin na nating 5 -_-.
"Hoy, Maria! Hindi mo ba titgnan ang kuha?"-tanong ni Alleah kaya napalingon ako sa kanya. Kakadaldal ko, napansin ako ni Alleah.
"Ah... sige."-sagot ko sa kanya. Lumapit ako sa kanila sabay tingin sa kuha ng cam. Ang ganda ng pagkakakuha nito. Ang ganda talaga, pero nakakainis. Sinayang ko ang picture namin, sa Poker face kong mukha.
"Sorry."- tugon ko sa kanila. Napatigil sila sa pagdada nila sabay tingin sakin.
"Para saan, Maria?"-sabay nilang tanong. Sabay pa talaga.
"Failure lang ako sa picture niyo."- deretsuhang sabi ko.
"Pinagsasabi mo jan?!"- sabi naman ni JC sabay hampas sa balikat ko.
Gusto ko na talagang ngumiti, 'yunh ngiting dati. 'Yung ngitimg dati nilang nakikita kaso.. kapag ngingiti naman ako nasasaktan na naman ako tuwing naaalala ko ang nangyari dati. Sobrang swerte ko sa mga kaibigan ko. Hindi talaga nila ako iniwan kahit nagbago ako. Hindi ako makapaniwala, may ganito pa bang mga kaibagan? 'yung hindi nang-iiwan? Please give them blessing.
~*~
"Hi Maria."- pagbati ni Jay sakin.
"Hi Jay! Magandang magandang magandang magandang araw sayo! ^_^"-pagbati ko pabalik sa kanya.
"Uh..."-Si Jay.
"May itutulong ba ako sayo?"-tanong ko sa kanya.
"Gusto sana kitang imbitahin lumabas sa sabado e.. 'Yun kung papayag ka.."-sabi nito.
BINABASA MO ANG
Behind that Poker Face
Teen FictionAno nga ba ang meron sa likod ng poker face ni Maria Rodriguez? Isang masayahing tao? o isang malungkot na tao? Please read this specially those who are curious about the Poker Face of a Maria Rodriguez!