note: hellooo? long time no update! pasensya na kayo, sobrang busy lang talaga and lately nawawala ako sa mood mag sulat, maybe because of pagod na rin. but anyway, sobrang nakakataba ng puso na nandito pa rin kayo, naghihintay at hindi kinalimutan ang cd kahit ang tagal walang update. salamat sa pagtitiyaga na mag hintay! mahal ko kayo and enjoy, readers!
Jill's POV
"AHHH! BAKIT KO BA SINABI 'YON!?"
I shouted habang paikot ikot dito sa kwarto ko. Ni hindi ko na nga mabilang nakailang ikot na ba ako.
"ANONG WHAT IF I TOLD YOU THAT I'VE FALLEN, JILL HA!? ANO 'YON?" tumigil ako sa harap ng salamin at tinitigan ang sarili ko. "ANO 'YON!?"
"HUY!"
"Anak ka ng nanay mo!"
Napasigaw ako sa gulat nang marinig 'yong nagsalita mula sa likod ko.
Nang lingunin ko kung sino 'yon, napahinga naman ako nang malalim at saka naiiyak na lumapit sa kaniya.
"Keith.." sinalubong ko siya ng yakap at ramdam ko naman na nag dadalawang isip siya at nacucurious kung anong nangyayari sa'kin. "Naloloka na ako,"
"Ano ba nangyayari sa'yo, ha? Kanina ka pa sumisigaw d'yan ah," tanong niya.
"Ano nga bang nangyayari sa'kin, Keith?" kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at hinawakan ang dalawang pisngi niya. "Aminin mo! Aminin mo!"
"Ikaw ba e wala nang magawa sa buhay mo, ha? Anong aminin mo aminin mo? Anong aaminin ko?"
"Na ikaw 'yan si Keith, na mahal na mahal si Ate Aika ko," asar ko.
"Aba'y nasiraan ka na yata talaga e no,"
Natawa ako nang bahagya dahil sa tono ng pananalita niya. Kapag talaga stress na siya sakin, bumabalik 'yong pagiging batangueña niya. Which I found very cute!
"Bakit? Hindi ba totoo?"
"Sabagay," napahawak siya sa baba niya. "May point ka naman don," pag amin niya. "Ikaw nga rin, aminin mo,"
"Ang alin naman?"
"Na ikaw 'yan si Jill," pinangsingkitan niya ako ng mata. "Na crush na crush si Atty,"
I slightly punched her stomach dahilan para mapahawak siya ron.
"Para ka namang ewan e," stress na sagot ko at napaupo sa kama ko, hindi alam ang gagawin. "I don't know what to do na nga e,"
"Saan ba kasi?" tumabi siya sa'kin. "May problema ba? Okay ka lang ba? Nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap, alam mo naman 'yan. Keith always at your service!" inakbayan niya ako.
"Konti na lang, iisipin kong ako ang crush mo at hindi si Ate Aiks," biro ko at agad naman siyang lumayo sa'kin.
"Kapal mo naman! Napakaissue mo!"
"Biro lang, ito naman! Masyado ka namang seryoso!" I laughed. "Halika na rito, damayan mo ako,"
Bumalik siya sa kinauupuan niya at sumandal naman ako sa balikat niya. "Ano ba kasing meron? Parang problemado ka d'yan,"
"Keith, kapag ba ano.." napaisip ako, bahala na. "Kapag ba halos sa lahat ng bagay na nakikita mo, siya 'yong naalala mo.. tapos palagi kang nag aalala sa kaniya," I closed my eyes. "Crush mo na ba 'yon?"
"Ay, tinamaan ka malala kung ganoon!" aniya. "Tsaka 'yong ano, mula pag gising hanggang pagtulog, siya ang first at last thought mo! Nalintikan ka na ng pag ibig,"
YOU ARE READING
Chasing Daylight
Fanfiction"Doing good, so far." Jill smiled when she responded to me. I asked how is she, after what happened. It has been three years since the last time I saw and had a talk with her. She looks magnificent still. She's still the same Jillian Therese Robred...