Alas onse na ng makauwi ako ng unit sinundo ko pa kasi si Savier dahil ang napakairesponsable niyang daddy hindi siya sinundo. Buhat buhat ko ang anak ko ng pumasok kami sa condo unit tulog na tulog ito. Naabutan ko si Julian na nasa sala at umiinom. Hindi ko ito pinansin at dumiretso lang ako sa kwarto para ibaba si Savier.
"Dahil dyan sa pesteng alak na yan nakalimutan mong sunduin ang anak mo." sabi ko sa kanya habang nakapamewang ako. I look like a nagger wife right now. Nakakainis na kasi iniwan na nga nya ko sa hotel hindi pa niya nasundo si Save. Tinext lang ako ng mommy niya na kanina pa umiiyak si Save dahil inip na inip na ito kakahintay sa amin.
Tinignan lang ako ni Julian at pinagpatuloy ang pag-inom niya.
"Napakairesponsable mo. Nakakainis." kanina pa ko salita ng salita pero di niya talaga ko pinapansin.
"Look Julian I was about to apologize to you like Aness said so. But I think I don't need to do that. You are too closed minded for this." tumayo ito ng dahil sa sinabi ko.
"Sinasabi mo bang makitid ang utak ko?" tanong niya sa akin.
"Nasaang parte ng sentences ko na sinabi kong makitid yang utak mo?"
"That's what you want to say."
"Hindi yun ang gusto kong sabihin. Ang hirap kasi sayo kung anu-ano yang mga iniisip mo, ang hirap kasi sayo hindi ka marunong makinig. At ang pinakamahirap sayo sarili mo lang yang iniisip mo. Your talking about marriage? How can we get married kung ngayon pa lang ganito na tayo? If you are thinking about Save he's out of the picture. It's all about us. It's all about you and me. Julian five freaking years na hindi tayo magkasama, ni hindi naging tayo and you are bringing up that thing. Do you think it will work out? Mag-isip ka naman." hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil punong puno na ko sa lahat ng inaarte niya ngayong araw.
Tinalikuran ko na ito at pumasok sa kwarto. Plano ko ng matulog pero hindi man lang ako dalawin ng antok. Ala una ng madaling araw ng mapagpasyahan kong kumuha ng tubig sa dining room. Naabutan ko doon si Julian hindi pa pala siya natutulog. Hindi ko naman ito pinansin kumuha lang ako ng tubig pero nagulat ako ng hatakin niya ako sa braso.
"Ano?" matabang kong tanong sa kanya. Nakatitig siya sa mga mata ko. Bigla niya kong niyakap.
"I'm sorry." gumaan naman ang loob ko ng dahil sa sinabi niya pero naiinis pa din ako. Hindi na ako sumagot pa. "Speak up I said sorry already. It was my fault inaamin ko."
"Naiinis ako sayo." bulong ko dito.
"I know your mad. I'm sorry okay."
"Do you think this is the best for us, Juls?" naguluhan ito sa tanong ko.
"What do you mean?"
"Sa tingin mo dapat talagang nagsasama na tayo? We have a lot of issues in life."
"Nakikipaghiwalay ka ba Sierra?"
"Ye- No I mean hindi ganun."
"Damn this. Eto nanaman tayo Sierra eh. I'm trying to fix this pero ikaw ang dali mong sumuko." tinalikuran niya ako at dirediretsong pumasok sa kwarto. What have you've done again Sierra?
BINABASA MO ANG
MY NERDY BOSS
RomancePaano kung one summer imbis na nasa beach ka at nageenjoy kasama ng barkada eto ka ngayong nagtatrabaho sa sarili nyong kompanya? Summer Job? yan ang parusa ni Lola Sonia sa kanyang only grandson na si Julian hindi lang yan SUMMER JOB+SUMMER BOSS? N...