Numb.
"Kuya Vlad!" Malakas na tili ko nang makita siyang hatak-hatak ang kaniyang malaking luggage.
Kuya called me last week and told me that he'll go home. Ayaw kong makita sina Mommy at Daddy pero dahil kay Kuya Vlad, napauwi ako. Umuwi kaming Cebu ni Carlo para sunduin si Kuya Vlad.
Nagcheck-in kami sa isang hotel malapit sa amin. Ayaw ko kasing umuwi sa bahay nang hindi kasama si Kuya Vlad.
Ayaw ko ngang makita sina Mommy at Daddy!
"Rei!" Humalakhak si Kuya saka ako niyakap nang mahigpit.
"Oh my gosh, Kuya! I missed you," sabi ko habang nananatiling nakayakap sa kaniya.
"I missed you, too."
Kinalas ko ang pagkakayakap sa kaniya saka siya pinagmasdan. Ginulo niya ang buhok ko bago bumaling kay Carlo na tahimik sa gilid ko.
"Bodyguard suits you, Carlo," sabi ni Kuya sabay halakhak.
Tumawa rin si Carlo sa sinabi ni Kuya. Tinapik ni Kuya Vlad ang balikat nito. Carlo told me that he knew my Kuya. They are friends daw kaya siguro magaan ang tungo nila sa isa't isa.
"Kuya, Carlo and I can't be seen together," sabi ko nang magyaya siyang kumain sa restaurant.
Kumunot ang noo niya saka ako binalingan. "Why?"
"Of course! I am a public figure," sagot ko.
"And he's not?" Tanong ni Kuya Vlad sabay turo kay Carlo na nagmamaneho gamit ang sasakyan namin.
Dapat ay sasama pa sa amin ang driver namin pero pinatawag agad ni Daddy kasi nagpapasundo raw si Mommy sa company. Nagyaya pa naman si Kuya Vlad na kumain sa labas kaya matatagalan daw kami.
"Dude, you let her keep your relationship a secret?" Natatawang tanong ni Kuya Vlad.
Humalakhak si Carlo. Binalingan ako gamit ang rearview mirror bago muling bumaling sa kalsada.
"Well, she's my boss, Vlad. Ang gusto niya ang sinusunod ko," sagot ni Carlo.
"Dude, you're fucking corny," natatawang sabi ni Kuya Vlad bago ako balingan. "Let's eat outside, Rei. I'm sure people will just think that Carlo is with me saka gutom na gutom na ako!"
"Kuya!" Giit ko.
Nag-make face lang siya sa akin saka muling bumaling sa harap. Umirap ako nang makitang niliko ni Carlo ang sasakyan sa isang parking space.
Nauna na si Kuyang bumaba ng sasakyan. Si Carlo ay binalingan pa ako pero inirapan ko lang. Kinuha ko ang bag ko saka sinuot ang aviator ko.
Nasa likod ko sina Kuya at Carlo na nag-uusap tungkol sa business. Nauna na akong pumasok at pinagbuksan pa ng guard doon. Bumati ito sa akin na hindi ko na pinansin. Iritado pa akong hinintay ang dalawa dahil papasok pa kami ng elevator para makaakyat sa mismong restaurant.
Nauna akong naglakad papasok ng restaurant nang makarating kami roon. Naupo ako sa pinakadulong lamesa, katapat ng malaking glass window. Mabilis akong dinaluhan ng waitress doon. Naupo ang dalawa sa harapan ko habang binabasa ko ang menu na . Nakita kong nataranta ang mga staffs sa loob ng restaurant nang makita ang dalawang lalaki. Inabutan din silang dalawa ng menu na ikinairap ko.
"I'll take the Caesar salad, and Mango shake," sabi ko sabay abot ng menu sa waitress na nag-aabang sa akin.
Sinabi rin nina Kuya at Carlo ang order nila. Nag-order pa si Kuya ng cocktail kahit halos palubog pa lang ang araw.
"Sa bahay ba kayo mags-stay?" Tanong ni Kuya Vlad kay Carlo.
Hindi sumagot si Carlo, tumingin lang siya sa akin. Mahinang nagmura si Kuya saka humalakhak sa kaniya. Tumingin sa akin ang kapatid ko saka kinuha ang cellphone na hawak ko.
BINABASA MO ANG
Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)
RomanceFate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e-nangyari na e. May magagawa pa ba? It is what it is kaya tatanggapin na lang? Para bang kahit anong...